Chapter 17

4.9K 127 11
                                        

Lexine's POV

Tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot yung tawag.

" Hello?"

" Lexi, it's me..Martin."

" Oh! Ba't ka napatawag?"

" Free ka ba ngayon? I need you here."

" Di ko alam e. Baka kasi may ipapagawa si boss."

" I'll talk to him. Ako ng magpapaalam sayo." saka binaba yung tawag.

Hinintay ko namang tumawag ulit si Martin pero ilang minuto na ang nakalipas hindi parin nagriring yung cellphone ko. Hinayaan ko na lang muna ito dahil alam kong tatawag din yun mamaya. Ibinalik ko na lang yung tingin ko sa ginagawa ko.

" Ms. Aguirre." napatingin naman sa pinanggalingan ng boses at nakita ko yung nakadungaw na mukha ni boss. Tumayo naman ako para lumapit dito.

" Martin called me. You can go now. I heard it's urgent."

" Bakit daw po sir?" tanong ko. Mr. Montereal and I were not close pero para kaming barkada lalo na kapag nandito si Justin.

" He needs a model for his photoshoot. Di daw kasi nakarating yung isang model dahil sumakit daw tiyan nito. Pack up your things and you can go. Don't worry, walang bawas sa sahod mo ito." natatawa niyang sabi kaya napatawa na din ako. Nagpasalamat nadin ako at tumango naman siya. Iniligpit ko na yung mga gamit ko at umalis.

Bumaba ako ng ground floor at hinanap yung motor ko. Nang makita ko ito ay isinuot ko yung helmet at umaangkas tsaka pinaharurot. Sa ngayon, pinag-iipunan ko muna yung pambili ng sasakyan.

Pagkarating na pagkarating ko sa building kung saan gaganapin yung photoshoot, nakita ko si Martin sa labas na parang hindi mapakali at pabalik balik ng lakad. Humanap ako ng mapagpaparkingan at napansin ko ang isang Buggati Veyron na sasakyan na nakapark sa pwesto ko. No choice kaya sa tabi na lang nito ako nagpark.

Naglakad nako para salubungin si Martin. Nang makita niya ako, dun lang siya napatigil sa kakapanic at napahinga ng maluwag.

" Thanks God you're here. Tara na, wala ng oras!" at hinigit ako papasok sa loob.

" Ano bang nangyari?" tanong ko.

" E kasi..yung dapat na magmomodel ngayon, di raw makakarating, sumakit daw yung tiyan." sagot niya habang higit-higit parin yung braso ko.
" E si Cam?"

" Nasa Canada ang bruha. Si Don naman nagbakasyon daw sa probinsya nila. Ikaw lang naman ang alam kong malapit kaya no choice."

Nang makapasok agad akong pinaayusan at pinasuot ng di ko alam kung anong tawag. Basta para siyang damit na sobrang nipis at sobrang iksi. Para tuloy akong prosti dito. Ayaw ko sanang suotin kaso, double amount kasi yung ibabayad. Gipit pa ako ngayon. If your'e asking kung saan si Mama, nandun siya sa probinsya kasama sila lola. Napagpasiyahan namin ni kuya na dun nalang siya para may makakasama din siya. Pareho kaming busy ni kuya sa trabaho kaya minsan di na kami nakakauwi. Si kuya naman nagtatrabaho na as Professor sa Highschool na pinasukan ko dati. Same as ate  Alex na five months preggy pero home office lang siya. They're 2 years married and will be having their first baby. Tsaka...maya na lang ang chika, may trabaho pa ko. Back to the present tayo.

So ayun nga, nakaupo lang ako dito sa dressing room at hihintayin ko lang daw yung turn ko at yung partner ko.  Nakatingin lang ako sa mukha ko sa salamin. Alam kong maganda ako...walang aangal. Pero mas lalo akong gumanda kapad naayusan...hihi...kinikilig ako. Part time ko yung pagmomodel dahil may trabaho parin ako sa opisina. Every weekends lang yung job ko nato pero ngayon kasi urgent kaya napasubo tuloy ako. Buti na lang at mabait si boss. Dragon yun pero tiklop pagdating kay Justin. Nagagawa nga naman ng love.

BEKI'S INLOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon