Chapter 13

4.7K 144 21
                                        

Warning: May konting SPG.

Lexine's POV

Sa buong pag-aaway na meron kami ni bakla, ito ang pinakamatagal. Three weeks ko na siyang sinusuyo pero wala parin akong napala. Hindi parin niya ako pinapansin kaya mas nag effort akong bigyan siya ng bulaklak at chocolates araw-araw. Di lang yun dahil sumusulat narin ako ng letters sa kanya at nililibre siya ng lunch which is tinatanggihan niya rin naman. Di ko na alam yung gagawin ko pero di ako susuko. Ang ayoko sa lahat ay yung nag-aaway kami ni bakla. Apektado hindi lang yung friendship namin kundi pati na rin yung studies. Yes, ganyan kami kapag may away. Hindi ako masyadong makapag-aral dahil sumasagi sa isip ko yung sitwasyon namin ni bakla.

And what's worst? Yung Trixie eklavu..umeepal. Araw-araw na siyang naglalagi dito. Home schooling daw siya kaya malaya siyang gawin yung gusto niya. At dahil anak din siya ng may-ari ng school kaya pwede siyang pumasok kahit kailan niya gusto. Wala namang masama dun maliban sa pagdikit niya kay bakla. Dahil sa pang-eepal ng bruhildang yun..mali..yung witch na yun, hindi nako napapansin ni Max minsan. Parang wala na rin namang halaga yung effort ko para suyuin siya. Palagi na silang magkakasama dalawa. Nakisit-in pa nga siya sa bawat klase ni Max. Makakatay ko talaga yang babaeng yan...

" Tapos kanang torturin yan?"
napatigil naman ako sa pagpupunit-punit ng papel dahil sa nagsalita.

" Kakatayin kitang epal ka." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig ni Estong.

" Kailang mo naman gagawin? Araw-araw ko ng naririnig sayo yan, di ka parin tapos dyan?" tanong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Di talaga siya nakakatulong.

" Nakakainis na rin kasi e. Ako yung beshy niya pero siya itong kasama niya." nakabusangot kong sabi at nangalumbaba.

" Nagseselos ka?" napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

" Why would I? Mandiri ka nga Estong." at bumalik sa pagkakasubsub.

" Di ka magkakaganiyan kung di ka nagseselos."

" Bakit nga kasi ako magseselos?"

" Kasi may gusto ka or kasi mahal mo." napahinto naman ako sa pagsasalita dahil sa sinabi nito.

" Huy! Di ako tomboy ah! Ba't mo nasabing may gusto ako sa Trixie na witch na yun? Di kami talo nun ah!"

" Di ko naman sinabing si Trixie." sabay lapag ng gamit nito sa ibabaw ng mesa.

" Kung ganun, sino?"

" Sino ba nasa isip mo?"

" Si bakla."

" Edi siya." napailing na lang ako sa sinabi nito. Tama siyang hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa dalawang yun pero hindi ako nagseselos. Wala akong gusto sa baklang yun ah.

         **** Next days ****

As usual, ganito parin ang routine ko araw-araw araw. Gigising ng maaga para dun kumain ng agahan kina Tita Ems pero wala akong Max na nadatnan. Naglalagay pa rin ako ng rosed at chocolates sa locker niya. Ewan ko lang kung nagsasawa na siya dito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbukas ng locker ni bakla para ilagay yung roses, chocolates at letter ko nang dumating siya kasama ang tuko na si Trixie na nakakapit sa kanya. Tumaas naman ang kilay ko dahil mukhang ang saya saya pa niya. Nang nasa harap ko na sila hindi ko na nilagay sa locker yung roses at etc at binigay na lang kay bakla ng personal. Di naman ito yung una dahil ilang beses ko na rin siyang bigyan. Tinanggap niya naman ito at hindi ko inaasahan na ibigay niya kay Trixie yung chocolates.

" Uy! Ba't mo sa kanya binibigay? Sayo ko yan binigay ah!"

" Sumasakit ngipin ko kakakain ng chocolates kaya kanya nalang."

BEKI'S INLOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon