Third person's POV
Naalimpungatan si Lexine dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nito. Napatakip naman siya ng mata at dahan-dahan ulit itong idinilat. Pagkaupo na pagkaupo niya ay napahawak siya sa ulo niya ng bigla itong sumakit. Babangon na sana ito ng higaan ng mapansin niya ang kamay na nakapatong sa tiyan nito. Inikot naman niya ang kanyang paningin at tumigil ito sa isang maliit na frame na nakasabit sa dingding. Nakikilala niya yung mukha ng dalawang tao ron. Sila Ella at isang lalaki na sa tingin niya at si Nathan na asawa ni Ella. Naalala niyang kinuwento ni Ella yung buhay may asawa nito sa kanya.
Binalik niya naman yung tingin niya sa kamay na nakapatong parin sa tyan nito. Sinundan niya ito ng tingin dahil alam na niya kung ano yung nangyari. Ang ipinagdadasal nalang niya ay sana hindi siya.
Pero mukhang mapaglaro talaga yung tadhana at mukha nanaman nito ang bumungad sa kanya. Napatingin naman siya sa katawan nito at pansing wala itong damit maging siya. Napatampal nalang siya sa noo at napahilamos. Nagyari nanaman yung ayaw niya ng mangyari.
Dahan-dahan niyang inalis yung kamay nito at bumangon. Oplan-takas nanaman siya. Pero bago pa ito makaalis ay bigla nalang siyang napabalik sa pagkakahiga at di na makaalis dahil sa kamay na nakapulupot sa katawan niya.
Napaangat naman siya ng tingin sa taong yun at napalunok nang makitang nakatitig ito sa kanya. Nagulat nalang siya ng biglaan siya nitong ninakawan ng halik kahit di pa siya nakapagtoothbrush.
" Goodmorning." nakangiting bati ni Max sa kanya.
" G...goodm..morning din." nauutal na bati niya pabalik at tumalikod para umalis pero pinigilan nanaman siya nito.
" I won't let you leave me again." at mas kinabig papalapit sa kanya yung babae. Ramdam niya ang init ng katawan nito dahil tanging kumot lang ang naghahati sa kanila.
" This is not right Max." nakayukong sabi niya.
" What? There's nothing wrong with it."
" You're gay."
" So what?"
" You're my beastfriend."
" I can be your lover." napatingala naman siya sa sinabi ni Max.
" Di parin tama. I'm sorry." at tumalikod para bumaba ng higaan. Tumayo siya nang nakahubad di alintana yung matang nakatingin sa kanya. Pinulot niya yung mga damit niya at sinuot ito sa harapan mismo ng bakla. Di na niya kailangang mahiya dahil nakita narin naman niya ito ng dalawang beses na o higit pa nga.
Naglakad na ito papuntang pinto para lumabas pero lumingon muna ito sa pwesto ng bakla.
" Let's not see each other from now on."
Nagtatakang napatingin naman si Max sa kanya mula sa pagkakayuko. Agad nitong pinulupot sa katawan ang kumot at pinigilan ang babae sa pag-alis.
" What? No. I'll take the responsibility of what happened. Wag mo lang sabihing you don't want to see me anymore."
" Just forget what happened. And please..stop approaching me."
" Why? I won't let you leave not until you tell me your reason." pero nagpatuloy lang ito sa paglabas ng pinto.
Pinigilan naman siya ni Max at isinara yung pinto." Sabihin mo nga kung bakit?! Bakit ka aalis?! Bakit ayaw mo kong makita?! Bakit ni ayaw mo akong kausapin?! Bakit di ka makatingin sakin ng diresto?!"
" Dahil nahihiya ako!" humihikbi na sabi nito.
" Ba't ka nahihiya? Dahil ba bakla ako?"
Umiling naman siya. " Nahihiya ako sa sarili ko. Para naring ang landi ko dahil pati bestfriend ko, pinatulan ko. Nahihiya ako dahil wala akong mukhang maihaharap sayo. Nahihiya ako dahil simula palang, kasalanan ko na to." humihikbing sabi niya.

BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...