Chapter 20

5.3K 143 15
                                    

Warning: Konting SPG

Third person's POV

Nagising si Lexine nang maramdaman niyang may kumikiliti sa talampakan niya kaya tinaboy niya ito at nagpatuloy sa pagtulog. Ilang secondo at ganun ulit yung nangyari. Itinaboy niya ulit ito at baka yung aso niya lang yung iniistorbo siya sa pagtulog. Ipinagpatuloy naman niya ulit yung pagtulog at nagtalukbong ng kumot.

Ilang minuto narin at napabangon siya dahil naalala niyang wala pala silang aso sa bahay. Napatingin siya sa paanan ng kama niya at kamuntikan na siyang malaglag sa kama dahil bumungad sa mukha niya yung kinaiinisan niyang mukha araw-araw. Pakiramdam niya ay nag-uusok na yung ilong at tenga niya habang nakatingin ng masama sa kaharap. Agad naman nitong kinuha yung kumot at ibinalot ang sarili. Doon niya lang naalala na nakasando at short shorts lang pala siya. Ang mas matindi, wala siyang suot na bra dahil palagi niya itong tinatanggal tuwing matutulog.

" Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" napatakip naman ng tenga yung kaharap sa biglaan nitong pagsigaw.

" Aray naman teh! Malapit lang tayo, wag ka ngang sumigaw." ismid na sabi nito.

" Anong pakialam mo? Sisigaw ako sa ayaw at gusto. This is my room anyway."

" Whatever! Mag-ayos ka na, may pupuntahan tayo." at tumalikod.

" H..hoy!" pagpigil nito pero hindi siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad palapit ng pinto.

" Sandali lang! Hoy Max!" lumingon naman itong nakangisi.

" Yes dear?" nakangiti niyang tanong at nag-crossarms na sumandal sa amba ng pinto.

" Dear your face! Anong sinabi mong aalis tayo? At isasama mo ako? Huh! No thanks! Mag-isa ka." at naglakad papuntang pinto ng banyo.

" Sasama ka sakin whether you like it or you like it."

" Utot mo! Umalis ka na nga!"
pagtataboy niya.

" Not until you say yes." at nangalumbaba sa kama nito.

" E kung ayoko ko?" nakapamewang niyang sabi habang may nakasabit na tuwalya sa balikat nito.

" You know....I have a nice view here."  at pinatitigan ng mabuti yung kabuuan ng babae. Nagtataka naman si Lexi sa pangisi-ngisi nito. Napataas ang kilay niyang napatingin sa lalaki/ bakla na nakatitig parin sa kabuuan niya. Dahil sa pagtataka, napatingin din siya sa sarili at dun lang rumehistro sa kanya kung ano ang ayos niya.

Dali-dali niyang ibinalot yung tuwalya sa katawan at pumasok ng banyo. Napatingin siya sa repleksyon nito sa salamin at napansin niya ang konting pamumula ng pisngi. 
Sinampal-sampal naman nito ang magkabilang pisngi para maalis yung pamumula at maalis yung mga nasa isip niya.

Nakita niya kaya?
sabi niya sa kanyang isip at naligo na.

Nang matapos, lumabas siya ng banyo para makapagbihis. Naglakad siya sa cabinet nito at kumuha ng damit. Ang di niya alam ay may matang nakatingin or should I say nakatitig sa kanya. Nang pumihit siya paharap, ganun nalang ang gulat at napahawak sa dibdib kaya nabitawan nito ang dalang damit. Di parin siya makaalis sa kinatatayuan nito at nakangangang nakatingin sa lalaki.

Naglakad ito papalapit sa pwesto niya at kinakabahan siya sa gagawin nito kaya bago pa yun ay tinakpan niya agad yung bunganga niya at pumikit. Ilang segondo lang din at wala siyang naramdaman kahit ano kaya dinilat nito ang mga mata. Tumambad sa mukha niya yung kulay pula na bagay na hawak ng kung sino. Napakurap siya ng ilang beses at dun niya lang napansing hawak nito kanyang bra. 

Dali- dali naman nitong kinuha yun at pinulot yung iba niya pang damit. Aalis na sana ito nang may humawak sa pulso niya at bumalik sa pwesto nito kanina. Napaigtad naman siya ng mas lumapit yung mukha ng lalaki sa kanya. Nakorner na siya nito kaya napatingin nalang siya sa bintana na nasa kaliwa nito.
Naamoy niya yung pabango ng lalaki kaya ilang beses din siyang napapalunok lalo na nung nararamdaman niya yung hininga nito sa leeg.

BEKI'S INLOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon