Chapter 16

4.6K 122 4
                                    

                3 years after

" Lex!! Hintay!" tawag ng isang paparating na tao sa babaeng naglalakad. Tumigil naman ito at lumingon sa kaibigan.

" Bilisan mo!"

" Sandali lang!" at mas binilisan yung lakad. Agad naman siyang nakarating sa kinatatayuan ng babae.

" Ang bagal mo naman!" reklamo nito.

" Sensya na! Kasi naman yung isa dyan, hindi manlang nagsabing maaga pala siyang papasok-aray!" napahawak naman siya sa parte ng nabatukan nito.

" Kakasabi ko lang sayo kagabi. Tinulugan mo ako no?" taas kilay na tanong niya sa kaibigan.

" Hehe...sensya naman." pilyong ngiti niya.

" Ano ng balita? May laman na ba?" tukso nito.

" Gag* you! Pinagsasabi mo dyan?" naiilang na sabi nito kaya napatawa naman yung huli.

" Sus! Di mo matatago sakin yan. I know you."

" Wag mo na ngang ipagsigawan! At tandaan mo mas matanda ako sayo kaya wag mo kong sigaw-sigawan!" suway nito na hindi naman pinansin nung huli. Napatingin naman ito sa kanya dahil sa sinabi nito.

" So totoo nga?!" excited na tanong niya at tumigil sa paglalakad.

" Di pa namin nalalaman. Kakasimula pa nga lang namin eh."

"Eeee!...Ikaw na!" napatawa naman silang dalawa sa sinabi ng babae.

Agad naman silang nakarating sa opisinang pinagtatrabahuhan nila. Ang Montereal Company.

" Good morning Ma'am Angela! Good morning Mrs. Montereal!" bati ng guwarda ng companya sa kanila.

In the past three years, natanggap as an office employee si Lexi sa Montereal Publishing Company. Tumigil siya sa pag-aaral pero agad namang nakahanap ng trabaho. Ang di niya inaasahan ay yung CEO ng kompanyang tinatrabahuhan niya ay yung asawa ni Justine na nakilala niya sa barko. Muli silang nagkita nung nag-apply siya ng trabaho. Kasalukuyan palang secretary si Justine nun at yung asawa niya yung CEO. Noon palang sumakay si Justine ng barko papuntang probinsya ay pumunta siya sa bahay ng lola nito. Isa na din ay dahil gusto niyang magpalamig ng ulo.

Agad namang natanggap sa trabaho si Lexi dahil narin sa tulong ni Justine. Mas naging malapit sila dahil araw-araw silang magkakasama. Nagkukuwento naman si Justine sa kanya tungkol sa kanilang mag-asawa at kung gaano nila kagalit yung isa't isa. Minsan pa nga naririnig niyang nag-aaway yung asawa at ang mas nagpabilib sa kanya ay kayang tapatan ni Justine yung kasungitan ng asawa. Natatawa siya na na-aamaze sa dalawa. Sa ngayon ay bati na yung dalawa. Nagka-aminan at yun...araw-araw ng naglalambingan.

Pumunta naman siya sa naka-assigned na cubicle para magsimula ng trabaho. Si Justine naman ay pumunta sa opisina ng asawa dahil secretary siya nito.

   ------------ Samantala-------------

" Omg! Look girls! Ang gwapo niya!"

" Kyaaahh!! para siyang k-pop!"

" Kuya! Ang gwapo mo!"

" Kuya! Pahinging number!"

Hiyawan at sigawan ng halos kababaihan sa airport.  Naglalakad na tila walang pakialam sa paligid at nananatiling blangko yung mukha. May bitbit itong maleta at nakasuot ng sunglass kahit walang araw sa loob ng airport.

" Uy bakla! Hintay naman!"
napatigil siya sa paglalakad dahil sa boses ng taong yun. Napapatingin naman yung ilan sa sumigaw. Di nalang niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

BEKI'S INLOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon