Chapter 8

4.3K 119 1
                                    

Max's POV

Today is our field trip camp. Nandito na kaming lahat maliban nalang sa bruha kong bestfriend. Pa-VIP yung bruha e. Pati ako kinukulit ng mga mujer dito.

" Uy Max. Sasama ba si Lexi?"
tanong ng isang babaeng i-don't-know-who. Kaklase siguro ng bruha.

" Di ko din alam. Wala naman siyang sinabi sakin."

" Di mo siya kasama kanina?" ang kulit din ng lahi nito e.
Umiling na lang ako muli.

Asan ka ng bruha ka?

Pagkasabi ko nun sa isip ko ay ang pagdating naman ng bruha. Teka...lumayas ba to sa kanila. Ang dami naman ng dala niya. Isang backpack lang yung dala namin e. Siya nakamaleta. Take note, naka sunglass pa yung lola niyo.

" Aalis na ba?" nakatingin lang kami sa kanya ng walang expression. Imbis na sumagot ay iniwan nalang namin siya at sumakay na ng bus. Bahala siya.

Nang nakasakay na kaming lahat agad naman kaming umalis. Yung medicine at engineering department ang magkakasama sa isang bus. Si James kasama si Connie sa kabilang bus at ang lola niyo naman ang kasama ko. Ano pa bang magagawa ko.

" Gusto mo?"

Napatingin naman ako sa kanya at dun na ako napanganga. Magdala ba naman ng isang bag ng junk foods...at may soda pa. This bruha is unbelievable.

"No thanks, masisira poise ko." sabay flip ng imaginary hair.

" Bakla, napapansin ko lang dumadalas na yung pagsasalita mo ng bekimon words mo."

" Maganda kasi atashi. Support mo na lang akesh."

" Bahala ka." at di na ako muling pinansin. Galit pa kaya to?

" Beshy." tawag ko pero di niya parin ako pinapansin. Okay naman kami kanina ah. Nag-alok pa nga siya ng pagkain.

" Beshy...galit ka pa ba?"
at kinalabit siya.

" Sorry na please..." sabi ko with pleading eyes. Nagmumuka akong shonga ditech.  Kumawit nalang ako sa braso niya inihilig ang ulo sa balikat niya. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.....

                      *****
" Oh my gosh! look at them!"

" Eeee! ang cute nilang tignan."

" Kunan mo bilis!"

" Hihihihi.."

Nagising ako sa ingay at sa tingin ko ay flash ng camera.
Istorbo tong mga to. Ano bang pinagkakaguluhan nila?

Idinilat ko yung kaliwa kong mata at sunod naman yung kanan. Nakatingin sila sa pwesto namin kaya nacurious ako. Uupo na sana ako ng maasyos ng may mabigat na nakapatong sa balikat ko. Napatingin naman ako dun at ang bruha lang pala nagb-borlog. Nakanganga pa ang lola niyo. Ginalaw ko naman yung balikat ko para magising siya.

" Day! gising na. Babana na tayo." at tinapik yung pisngi niyang magaspang pa sa balat ng durian.

" Mmm. Five minutes pa."

" Uy gaga, pag di ka gumising dyan iiwan ka na namin. Sabihin mo lang." sabi ko at agad naman itong nagising at kinusot ang kanyang eyes.

" Baka naman nilawayan mo na yung damit kong very expensive ah." sabi ko.

" Di ako naglalaway pag tulog ano.  May pa expensive-expensive ka pang nalalaman galing lang naman kay Ate Maxine yan."

" Whatever..galing paring Paris no."

Mahabang katahimikan ang nangyari pagkababa namin ng bus. Yung mga kasama naman namin may pinagkakaguluhan na ewan...bahala sila. Wiz aketch pakils.

BEKI'S INLOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon