Max's POV
" Anak! Gising na may pasok ka pa!" sabay yugyug sa akesh.
" Five minutes Ma." at nagtalukbong ng kumot.
" Ano ka ba! Bumangon ka na nga diyan! Ilang araw ka ng ganyan Max ha. Bilisan mo at may naghihintay sayo sa baba."
Bumangon nalang atashi kesa marinig yung sermon ni mudra sa akesh. Dumiretso akong banyo to shower. Pupungay-pungay pa yung eyes ko habang binubuksan yung shower.
Pagkatapos kong mag-ayos, nakayuko akong bumaba sa dining room para kumain. I sat on the chair opposite to mom and started eating. Tahimik yung atmosphere sa mesa kaya nagsalita ako.
" Ma, aalis nga pala ako this weekend. My friend Nikko invited me to a party."
Hindi naman ito nagsalita kaya nagtanong ulit ako without looking at her. Baka makita niya yung secret ko. That will be a war. Ayokong makita niya yung fes ko dahil sigurado akong magpapanic nanaman yun.
" Okay lang naman Ma diba? That will be at Tagaytay sa resort ng lola niya. I'll be spending a night there." sabi ko pero wala parin akong natanggap na response kaya wala akong choice kundi ang umaangat ng tingin. Bahala na kung makita niya yung secret ko. Baka putak ako ng putak dito tapos siya inaatake na pala. Wag naman sana.
So I looked up only to find out na hindi si Mama yung nasa harap ko. Naibuga ko sa sobrang gulat ko yung nginunguya ko at napaubo. Inabutan naman atashi ng tubig nito na agad ko ding ininom. Mamaya ko na lang paaandarin yung galit syndrome ko sa kaharap ko. Baka pag hindi pa atashi makainom, didiretso na akong punerarya nang hindi nabubungangaan tong bruha nato.
Nang mahimasmasan na atashi, huminga ako malalim. Yung abot hanggang hukay.
Tumingin naman ako sa bruhildang nasa harapan ko. Anong ginagawa ng merlat na to dito?" What are you doing here? Ang alam ko bawal yung mga bruha dito." taas kilay kong tanong pero siya pangiti-ngiti lang kaya lalong tumaas yung kilay ko. Ewan ko lang kung may maitataas pa to. Nakashabu ba to?
" I'm asking you what are you doing here in my house." I asked for the second time. Pag di pa to sasagot hahampas ko sa kanya tong mga plato.
" Kumakain?" napataas naman ulit ako ng kilay sa sagot nito. Dalawang kilay na.
" Kumakain? Bakit? namumulubi ka ba kaya nakikikain ka nalang?"
" Di no! Sinabi ko kay Tita na dito nako mag aalmusal simula ngayon." nakangiti niyang sagot. Naaalibadbaran ako sa ngiti ng bruhang to. Yucks!
" Di ka na nahiya no? May kasalanan ka na nga sakin, nakikikain ka pa sa BAHAY KO." I said emphasizing the last words. Bahay ko naman talaga to ah.
" Wow! Bahay mo lang? FYI, bahay din ni Tita to no."
" Kahit na. Nanay ko siya kaya pamamahay ko na din to."
" Edi dito na lang din ako uuwi para naman magiging Mama ko na rin si Tita Ems. At, hindi na ako makikikain dahil bahay ko na rin to."
Nagrarambulan naman yung heart ko kaya napahawak akesh ditech. Bakit tumibok yun? Di kaya may heart disease na ako. Kung ano-ano kasi pinagsasabi ng bruhildang to. Sarap sungalngalin ng plato yung bibig.
" Tsk. Bahay ka diyan.." naiilang na sabi ko. Di ko nga alam kung bakit naiilang ako sa bruhang to. Di naman ako ganito. Pangiti-ngiti naman itong nakatingin sakin.
" What?" asik kong tanong. Di ba niya alam na naiilang ako sa tingin niya.
" Oh! tapos na ba kayo?" napatingin naman kami kay Mama na galing sa kusina.
BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...