Lexine's POV
" Kuya, kelan ka pupunta kay ate Alex?" I asked in the middle of eating.
" Bakit? sasama ka nanaman? Alam mo, hindi na kami nakakapagdate ng Boss ko dahil palagi mong kinukuha yung oras namin e. Maghanap ka nga ng boyfriend para naman hindi ka na manghiram."
Totoong kinukuha ko yung oras nila tuwing may plano silang mag date. At dahil spoiled ako kay ate Alex, hindi niya ako matatanggihan. Minsan nga iniisip ko, mas malala pa pala ako sa third party...hahaha.
7 years na yung relationship nila kuya. Since highschool pa ata naging sila e. Di ko alam na sila pala nung nakilala ko si ate Alex.
" Palagi naman kayong magkasama ni ate Alex sa school niyo e."
" Magkasama nga kami, di naman kami palaging nagkikita. Busy na kapag graduating ka na. At tsaka, wala na din kaming oras magdate tuwing weekends, busy din kami sa kanya kanya naming trabaho." kuya.
Ate Alex is 20, same as kuya and yet she's the CEO of their company. Kung titigan, ang bata-bata pa niya pero siya na yung humahawak ng companya nila. Bilib din talaga ako kay Ate Alex. Kaya love na love ko yan e. Sa lahat ng naging girlfriend ni kuya, siya lang yung pinakaclose ko. Hindi din siya tulad ng ibang babae na ipinapangalandakan yung kayamanan nila. She's simple in her own way.
Naaalala ko tuloy nung pinakilala siya ni kuya samin ni mama. Ang ganda ganda niya nun...siyempre hanggang ngayon. Hahaha..natatawa tuloy ako nung makita ko yung dalawa.
Nakacouple shirt silang dalawa nun. Kay kuya, nakasulat yung ' The Boss' tsaka yung kay ate Alex ' The Real Boss'. Tapos nung nag-uusap na kami, kawawa si kuya nun dahil para siyang bugbog sarado kay ate Alex. Hindi girly kumilos si ate Alex sa totoo lang. Boyish yan pero maganda, lalo na pag naayusan.
Yung pinakaayaw niya sa lahat ay yung may humahawak sa baby niyang si Timmy, yung Duccati bike niya. One time lang ako nakasakay dun. Sa kanilang dalawa ni kuya, si ate Alex yung sigain. Hahaha..di ko nga alam kung paano siya niligawan ni kuya. Ang cute siguro ng love story nila. Di kasi kinukwento ni kuya. Nahihiya naman akong magtanong kay ate Alex.
Pero back to the present......
" Nga naman Sen. Bigyan mo naman ng oras mag date yung dalawa. Kayo na lang ng BOYPREN mong si Max yung mag date din." ngising sabi ni mama.
" Bakit niyo ba sinasabing boyfriend ko si bakla? Bakla nga yun, di kami talo."
" E boypren mo naman talaga yun diba? Anong tawag mo sa babae at lalaki na parang may relasyon kung kumilos? ha?" mama.
"E bakla naman si Max e. Ilang beses ko bang ulitin na kaibigan ko lang si bakla."
inis na sabi ko. Paulit ulit nanaman kami rito e. Bakit ba si Max nalang palagi nilang napapansin." Kahit na. Lalaki parin yun no. Tsaka kaibigan ba yung may yakapan? may pahalik halik sa pisngi? may holding hands? hmm?" may pataas taas ng kilay na tanong nito.
" Natural lang naman sa magkaibigan yun e!"
Para na akong sasabog sa inis dito habang si mama naman patuloy na nang-iinis. Si kuya kung umakto parang walang nangyayari, kain lang kain pero may ngisi sa labi. Sigurado akong nagsasaya yan ngayon. Ako nanaman kasi yung nakita ni mama.
" Kahit bakla yun, makakabuntis parin yun. Sa mata ng ibang tao, magsyota kayo." pangisi-ngisi nitong sabi.
" Aaiisshh!! bahala kayo!"
at inis na tumayo at maglalakad na sana palayo nang tumunog yung doorbell.Bago pa lumakad si kuya para pagbuksan yung taong nasa labas ay agad na itong bumukas at speaking of the devil....ano nanamang gingawa ng bruhang baklang yan dito.
BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...