Max's POV
Today is Monday and first day of classes ngayon. I'm with my beshy, Lexi na bored na bored ang mukha. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa cafeteria na mukhang dining restaurant.
" Biyernes Santo ba ngayon?" I asked that made her look at me.Of course in a girly tone..babae ako e.
"Bakit?" nakapangalumbaba niyang tanong.
" Bagsak na bagsak mukha mo e."
" Aish... si kuya kasi.." inis na sabi niya.
" O bakit? anong nangyari sa kanya?! okay lang ba siya?! Hindi ba siya nasaktan?! sabihin mo saki-"
" Tumigil ka nga! Ang OA mo rin e. Patapusin mo muna ako..tss. Si kuya kasi...alam naman niyang may pasok ako ngayon,di ako ginising. Ayan tuloy napagalitan agad kanina. First day na first day, late agad. Grrr!! Kainis!"
Kulang nalang e iuntog niya yung ulo niya sa desk para mawala yung inis niya. Ma-try nga..
" Bes, may mesa oh." pag aalok ko.
" Aanhin ko yan?"
" Untog mo ulo mo, baka makatulong." pamimilosopo ko kaya nakatanggap ako ng isang hampas. Nanching talaga to o! inggit sa muskels ko yan e.
" Isa ka din e! Di ka nakakatulong."
" Bakit kasi hindi ka nag set ng alarm?"
" E nakalimutan ko e!" kamot-batok nitong sabi. " Tsaka maganda panaginip ko e. Alam mo namang hindi ako madaling magising pag maganda yung tulog ko."
" So kasalanan pa ng kuya mo yan? Ang tanga mo rin kasi minsan e. Maghanap ka nalang kasi ng jowa nang may gigising sayo everyday."
"Ayoko ngang magjowa. Study first tayo diba? Kaya ikaw, iwas-iwasan mo yung pagsamasama sa mga nightouts na yan ah! Baka malaman ko na lang nakabuntis ka na."
" Ewww! don't say bad words! Kadiri to! Never akong papatol sa mga dyosang tulad ko ano!"
"Ew, ew daw pero mag-aasawa din naman ng babae sa huli."
" Stop it beshy! Sumasakit yung eardrums ko e!" sabi ko with matching takip tenga. Ayaw kong makarinig ng bad words.
" Kahit anong gawin mo, sa babae pa rin ang bagsak mo!"
" Sigurado ka? Pustahan, pag ako anak ni Adan ang mapapangasawa, tatanda kang dalaga." taas noo kong hamon sa kanya.
" Sige ba! Pero pag ikaw babae ang makakatuluyan...."
" Ano? ano?"
" Sandali, nag-iisip ako e." sabi niya at inilagay ang daliri sa ilalim nga baba na parang isang detective. Akala mo naman bagay sa kanya. Nagmumukha siyang trying hard.
"...alam ko na! Magkakaanak ka ng tatlo." pinal na sabi niya. Para akong nasusuka sa sinabi niya. Anak?..with a girl? That's a big no! no!
" D..deal!" utal kong sabi. Kinakabahan ba ako? No! I shouldn't be.
" Deal!" and we sealed it with a handshake.
------- 4 hours later-----
" Beshy! let's go!"
" Dumaan muna tayo kay kuya, may sasabihin lang."
" Itext mo na lang kaya. Uso cellphone bes."
" Lowbat ako."
" Use mine then." sabay alok ng cp ko.
" Di ko saulo number ni kuya. Wala ka rin namang number niya."
BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...