" Red, red, red. Asan ka na?"
" Tumigil kana nga sa kakaputak diyan. Hindi yan lilipad papunta sayo no. Maghanap ka na nga lang."
sabi ko dahil kanina pa ang bruha sa kakaputak." Nagbabakasakali lang. Malay mo makita niya yung maladyosa kong fes, pupunta ito sakin." taas noo niyang sabi. Maladyosa daw? Maladurian siguro pwede pa.
" Ay talaga? San banda bes? Sa talampakan ko ba?" pang-aasar ko. Hahahahah...tingnan natin.
" Nakakainis ka ng bakla ka ah! Pag ikaw di tumigil...hahalikan kita! Makikita mo!"
" So eww mo girl! Nakakadiri ka you know? Subukan mo lang majojombag kita." pagbabanta ko. She's nakakadiri.
" Kaya nga tumigil ka e. Support mo nalang ako."
" Really girl? You're so maingay kaya..how can I stop you from talk-"
I was stopped from talking because I did not expect that she'll do something that shocked me. Did she just kiss me?...on my cheek? OH MY GOLLY GOSH!! Aykenat!
Ngayon lang nagprocess sa very matalino kong brain yung nangyari kaya napatili ako at umaatras papalayo sakanya na sana ay di ko ginawa dahil napatid ako sa isang sanga at napaupo. Ang bruha naman tumawa lang. Mabilaukan ka sana dyan.
Akala ko hanggang dun lang pero ang mas nakakagulat ay yung may natouch atashi na madulas at mahaba. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Napalunok akong lumingon dito at tama nga ang hinala ko.
" AHAS!!!! AAAAHHHHHH!!!!!"
tili ko sabay atras. Huli na para pagsisihan yun dahil nahulog na ako sa isang bangin. Naunang tumama yung likod sa lupa at gumulong diretso pababa. Napasigaw ako dahil tumama yung kanan kong paa sa bato. Mabuti na lang at hindi yung head ko kundi...hello heaven na." Bakla! Uy bakla nasan ka?!"
" Besh!" pilit kong sigaw. Sana naman hindi yun tanga para di malaman yung nangyari. Tumawa-tawa pa siya nun.
Maya-maya'y nakita ko rin yung ulo niyang nakadungaw sakin.
" Uy bakla! anong ginagawa mo dyan?!" nakasigaw na tanong nito. Napatampal naman ako sa sarili kong noo.
Sigurado ako hindi niya alam yung nangyari." Uy! Ba't di mo sinabing magtatago-taguan tayo? Sana naman sinabi mo para nakapagready ako." tatawa-tawa niyang sabi. Ang tanga, tanga, tanga, tanga, tanga,tanga,tanga niya to the 100th power. Ba't ko ba itech naging friend...
" Gaga! Tulungan mo kaya ako! Masakit yung paa ko oh!"
" Ba't ka ba nandyan? Anong nangyari sayo?"
" Nahulog ako, bruha ka!"
" Hala! Naku! Okay ka lang?!" Tanga talaga. Kita na ngang di okay magtatanong pa.
" Siyempre hindi! Ikaw kaya mahulog!" inis kong sigaw.
" Hahahahaha...hinding-hindi mangyayari yan. Di kasi ako l- AAAHHHHH!!!"
" AAAHHHHHH!-hmp! Aray ko!"
Sabay na sigaw namin. Paano ba naman ang bruha..tatayo na nga lang nadulas pa. Ayan tuloy ako yung binagsakan. Ang sakit na nga ng katawan ko dadagdagan niya pa...nakakaembey!
" Umalis ka nga dyan! Ang sakit na ng katawan ko oh!" at pilit siyang itulak.
" Sandali lang, masakit yung paa ko...huhuhu."
" Aish! Masakit din yung katawan ko!"
" Oo na!" at umalis na sa kakadagan sa akesh.
Naupo naman ito sa tabi ko na hawak ang paang nasaktan.
Napatingin din ako sa foot ko na namamaga na. Nagviolet na siya...mahirap pa namang magpaling nito.
BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomansaI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...