Chapter One

9.5K 137 30
                                    

∽Daniel∽

Nagising ako sa malakas na alarm ng mula sa digital clock ko, tinignan ko ito it's 5am. Ang bigat ng ulo ko, paano ba naman kasi late na ako nakauwi mga 3am ata. Tapos mamayang 8am may meeting ako with my manager.

Ilang araw na akong puyat dahil sa sunod sunod ng taping at photoshoots. Bumangon ako sa kama at pumunta sa kitchen upang magtimpla ng kape. Tapos ay naligo at nag ayos na. I picked up my bag and a piece of bread sabay kagat at umalis na sa condo ko.

Sa isang coffeeshop sa Makati ako bumaba. Pumasok ako doon at agad kong nakita ang manager ko, kinawayan nya ako at ngumiti ako tapos ay naglakad na ako papunta sa table nya, kaso noong papalapit ako may nakita akong babae.

"What took you so long?" tanong ng manager ko.

"Sorry. Traffic kasi." I said as I took a sit.

"Don't tell me kaw na naman nag dadrive ng kotse mo?" nakataas kilay ng manager ko.

"Yup. Day off ng P.A at driver ngayon." nakangiti kong sabi.

"Hay nako! Bahala ka na nga, pag may nangyari sayo dahil wala kang kasama humanda ka talaga sa akin!" sabay inom ng kape nya.

"Anyway" dagdag nya. "I guess you know Ms. Stacy Conjuangco. Isa sa mga sikat ngayon sa showbiz industry."

I looked at her and gave her a smile. She's wearing a elegant white dress, silver earings and a shades place on the top of her head. Honestly, she's beautiful. A typical dream girl every guy would be dying to have.

"Hi Daniel! I hope you can still remember me. We worked before, in a clothing brand." She smiled as she rest her chin on her left hand leaning towards me.

"Ohh.. yeah I remember." I said then I turn to my manager. "So.." giving him an explain-to-me look.

"Ahhm.. You see Daniel, dahil sa estado ni Stacy sa showbiz, her manager and I decided na pasamahin kayo."

"Like a loveteam?" I said with disbelief. I mean don't get me wrong, maganda si Stacy pero love team sa taong halos di mo kilala? Seriously?

"Yes! Like loveteam!" Masiglang sabi ng manager ko.

Napasandal ako sa kinauupuan ko "Ha.ha

ha. Loveteam. Okay."

"Don't worry Daniel, we look good together. Magiging bagay tayo as loveteam." sabi ni Stacy.

"Tama si Stacy. Hahaha!" tuwang tuwa na sabi naman ng manager ko.

Tumahimik na lamang ako habang sila dalawa naman ay nagpaplano para sa loveteam namin. To be honest, hindi naman sa pagmamayabang, pero kaya ko naman sumikat kahit walang ka-loveteam o ginamit na tao eh.

Natigil lang silang dalawa sa pagkukwentuhan ng mag ring ang cellphone ni Stacy.

"Excuse me, I have to take this call." sabi ni Stacy sabay alis sa table.

Tumingin sa akin ang manager ko pero di ko sya pinapansin.

"I know that look." biglang imik ng manager ko sabay inom ng kape nya.

"I just don't understand why you have to do that! Kilala mo naman si Stacy di ba? Tska diba may rumor about her na may boyfriend na yung tao."

"It's just a rumor. Kaya kailangan din ni Stacy ang loveteam nyo para mawala na yung rumor na 'yun." nakataas kilay na sabi nya. "Besides, para din toh sa ikakabubuti ng career mo."

And that was final. Dahil manager ko sya dapat daw sundin ko lahat ng sasabihin nya dahil 'yun daw ang nakakabuti sa career ko.

Kaya 'yun, wala din akong nagawa. Maya maya pa ay bumalik na si Stacy sa table namin.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon