Chapter Five

7.5K 108 33
                                    

∽ Maris∽

Isang malakas na sikat ng araw ang gumising sa akin, agad naman akong nag unat tapos ay gumulong gulong sa higaan habang nakabalot ako sa isang makapal ba kumot. Grabe, ang lambot ng na kama at ang bango ng kumot.

Nang bigla kong napagtanto na hindi pala ako na tulog sa kwarto ko and the last I remember nasa sahig ako.

Napabangon ako bigla at tama nga ako nasa kama na ako ni Tandang Daniel, pero wala naman sya dito sa kwarto.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at hinanap sya, nakoooo! Sana naman walang nangyari sa kanyang masama. Kasi ikaw Maris eh, makatulog ka wagas!

Pumunta ako sa kitchen at doon nakita ko ang isang machong lalaki na naka T-Shirt at pajama na may suot na apron. Nilingon nya ako na may matamis na ngiti sa labi nya.

"Good Morning, Bata!" masiglang bati nya sa akin. "You're just in time, breakfast is almost ready."

Lumapit ako sa kanya sabay hampas ng braso nya.

"Ouch! What the?" nakakunot noo nyang sabi.

"What the, what the ka pa jan! Bakit di mo ko ginising? Akala ko ano na nangyari sayo! Tapos nagkikilos ka pa ngayon, paano kung mabinat ka! Aish! Sakit mo sa ulo matanda ka. Tska paano ako na punta sa kama--" hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko dahil bigla nya hinahawakan ang bewang ko sabay angat, kinarga nya ako na parang kakatayin na baboy papunta sa dining table.

"Hoy! Ibaba mo 'ko!" sigaw ko habang hinahampas ko ang likod nya.

"Alam mo ang aga-aga, ang init ng ulo mo." Inurong nya ang isang upuan at dahan-dahang pinaupo ako.

"Ito kumain ka muna," sabay latag nya ng bacon, fried eggs and bread sa lamesa. "Oh wait, forgot your milk." sabay kuha nya ng gatas sa loob ng ref.

"May lagnat ka pa ba?" sabi ko habang nakatingin sa bacon. Saraaap!

"Honestly, I feel much better." sabay lagay ng isang basong gatas sa harap ko at umupo sya sa harap ko.

Kumuha ako ng bread sabay lagay ng bacon at egg, ginawa ko itong sandwich sabay kagat. Haay, sarap na miss ko 'tong mga ganitong food. Pasalamat ka sa bacon matandang Daniel, kundi pitik sa noo abot mo. Haay, grabe saraap! Mula nung nag dorm ako pero de lata at noodles na lang kasi nakakain ko.

"Bafghshfhd nafg tsa kamfhs?" sabi ko.

"Ano? Wait! Pwede ba lunukin mo nga muna yang nasa bibig mo. Di kita maintindihan eh." sabay inom nya ng kape.

Uminom ako ng gatas para malunok ko 'yung kinain ko.

"Sabi ko, bakit ako nasa kama mo?" sabay kagat ulit ng sandwich ko.

"Ahh, 'yun ba. Eh paano kasi pakalat-kalat ka sa sahig ng kwarto ko. Muntik na akong masubsob dahil sayo." nakakunot noo na naman nyang sabi. "Kaya kinarga kita, at nilagay kita sa kama ko."

"Makapag sabi ng pakalat-kalat naman toh, ang shaket ah!" sabay inom ng gatas, "Bakit di mo na lang ako ginising?"

"Ginising kita, kaso mantika ka matulog kaya di ka nagising. Nakabukaka ka pa matulog tapos tulo laway pa, baka nga--"

"Isstahp it!" sabi ko habang nakaharang ang kamay ko sa mukha nya. "'Wag ka na magsalita, mashaket sa tenga."

Natawa lang sya sa sinabi ko, hindi ko na lang sya tinignan sa sobrang hiya.

Grabe nakabukaka talaga ako? Tapos tulo-laway pa? Ba yan Maris! Nakakaloka ka!

Nang matapos ko na ang sandwich ay ininom ko na din ang gatas nang matigilan ako ng makita ko si Tandang Daniel nakatingin sa akin na nakangiti. Binaba ko ang baso kong wala ng laman sabay tingin sa kanya.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon