~ Daniel ~
Lumabas ako ng ospital kasama ang Papa ni Maris at pumunta kami sa pinakamalapit na coffeeshop. Matapos ko makuha ang order namin ay dinala ko ito sa kung saan pumwesto at nakaupo kami, malapit sa balcony ng coffeeshop.
Pareho kaming tahimik na para bang naghihintay kung sino ang unang babasag ng katahimikan na pumapagitan sa aming dalawa. Habang tumatagal, pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako. Hindi rin naman ganoon kalamig ang simoy ng hangin pero nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko.
"Gaano na kayo katagal magkakilala ng anak ko?" biglang salita ng Papa ni Maris, napatingin naman agad ako nang diretso sa kanya, "Almost 8 months na po." mabilis kong sagot, "I see.. Medyo matagal na din pala. Knowing my daughter, you must be a good man." sabi nya. Napangiti naman ako sa narinig ko, "Thank you, Sir." sabi ko.
Matapos nun ay naging tahimik ulit sa mesa namin, maya-maya pa ay kinuha nya ang kape nya at ininom ito. Nang matapos nyang uminom ay tumingin sya ulit sa akin, "Mahal mo ba ang anak ko?" Natigilan ako sa narinig ko, hindi ko inaasahan na ganito agad ang magiging tanong nya. Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso sa kanya, "Yes, Sir. I love your daughter and I would do anything just to prove it, Sir." seryoso kong sabi. Tinignan nya ako ng napakatagal, sabay buntong hininga, sumandal sya sa kinauupuan nya. "Kung ganun, layuan mo ang anak ko." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig matapos kong marinig ang mga salitang 'yun. Hindi ako nakapagsalita, napayoko ako na parang biglang lumutang ang isipan ko at di makapag-isip ng diretso.
"Honestly, natutuwa ako sa ginawa mo na ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para makapunta kami dito. I appreciated it. Pero sa lahat ng gulo at nangyari sa anak ko, I'm sorry Daniel pero sa nakikita ko ngayon hindi ka nakakabuti para sa anak ko." mahinahon nyang sabi, napatingin naman ako sa kanya at pinilit na ngumiti. "Wala po kayong dapat ikahingi ng patawad, dahil naiintindihan ko po ang rason nyo." sabi ko, napangiti naman sya sa sinabi ko, "Salamat, Daniel." tumango na lamang ako, pinipigil na umiyak. Masakit isipin na pati din ang Papa ni Maris ay tutol sa kung ano man ang meron kami.
"Nga pala.." muli syang nagsalita ulit, "Pagbalik natin sa ospital ay kakausapin ko ang doktor ni Maris para tanungin kung kailan sya pwede ma-discharge, para din makapagbook na kami ng ticket pauwi ng Davao." dagdag nya pa.
"Davao?" gulat kong sabi, "Oo, naayos ko na ang problema ng business namin sa Tagum at dahil na rin sa mga nangyari napagdesisyonan namin magpamilya na sa Davao na ipagpapatuloy ni Maris ang pag-aaral nya." sabi nya sabay inom ulit ng kape, hindi na ako nakapagsalita pa. Alam ko na sa oras na dumating ang Papa ni Maris dito ay hindi malabong hindi nya kasamang umuwi si Maris. Pero iniisip ko pa lang, nadudurog na ang puso ko.
"At Daniel.." muling imik nya, "Yes, Sir?" sabi ko. Tumingin sya sa akin na para bang may lungkot sa mata nya, "Matapos ang gabing ito, sana ay wag ka na magpakita pa kay Maris. Masyado pang bata ang anak ko at may mga pangarap sya, mga priorities at di nya 'yun magagawa kung nandyan ka." sa puntong yun ay bumagsak na ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan, "Lalo lang sya mahihirapang umalis dito kapag araw-araw ka nyang makikita. Sana maintindihan mo kung bakit kailangan ko itong gawin. Kung mahal mo talaga ang anak ko, Please Daniel. As a father, I'm asking you to stay way from my daughter." kahit tulala ay tumango ako bilang sang-ayon ko tapos ay tumingin ng diretso sa kanya, "I understand. Just like you Sir I also want what is best for Maris. I don't want to jeopardize her future." ngumiti sya matapos kong sabihin yun, "Good to hear that. I'll go ahead then." matapos nyang sabihin ang mga salitang yun ay tumayo na sya at umalis sa harapan ko.
Naiwan akong tulala at habang tumutulo ang mga luha ko. Kahit sumang-ayon ako, alam ko sa puso na tutol ako sa mga sinasabi ng utak ko. Hindi ko inaasahan na hanggang ngayong gabi ko na lang pala makakausap at makakasama si Maris. Iniyak ko ang sama ng loob na nararamdaman ko. Oo, masama ang loob ko pero hindi sa Papa ni Maris, hindi sa mga taong tutol sa amin, hindi sa mga taong nanakit sa amin. Masama ang loob ko kasi sa lahat na nangyaring ito, sa lahat ng sakit na nararamdaman ko, wala akong masisi.
BINABASA MO ANG
More Than Words
FanfictionAng pag-ibig nga naman, dumarating sa panahong di mo inaasahan at sa taong di mo din inaasahang mahalin. Lahat ng mga standards na sinet, naglaho. Ito ang nangyari kay Daniel, a guy who is almost perfect meet the cute little girl--Maris, who made hi...