~ Daniel ~
Agad kong pinark ang sasakyan ko at bumaba agad, tumakbo ako papasok ng hospital. Bawat hakbang na tinatahak ko ay dagdag sa bigat na nararamdaman ko. Yung puso ko parang tatalon na palabas sa sobrang kaba. "Miss, si Mariestella Racal po?" sabi ko sa nurse, "Dandan!" isang pamilyar na boses ang narinig ko paglingon ko ay nakita ko si Manong Jeric na papalapit sa akin kaya sinalubong ko din sya. "Manong, si Maris?" sabay hawak ko sa balikat ni Manong. Kinuha naman nya ang mga kamay ko at hinawakan nya ng mahigpit. "Huminahon ka, nasa kwarto na sya ngayon. Halika sumama ka sakin."
Sumakay kami ng elevator papunta sa palapag kung na saan amg kwarto ni Maris, "What happened?" tanong sabay pindot ng button ni Manong Jeric. "Nagkaroon ng gulo sa school nila, balita ko dahil sa issue ninyong dalawa." parang binagsakan ako ng mundo ng marinig ko ang sinabi ni Manong, parang gusto ko suntukin yung elevator sa narinig ko, "Nakaaway nya yung isa sa mga estudyante, nagkasampalan at sabunutan. Dahil rambulan na yun hindi namalayan ni Maris na nasa dulo na sya ng hagdan hanggang mahulog na nga sya." dagdag nya pa, hanggang hindi na nakapagsalita si Manong Jeric, pagtingin ko sa kanya ay umiiyak na pala sya. "Nakita ko lahat yun, Dan. Pero wala akong na gawa, tumakbo ako papunta sa kanya pero huli na lahat, may dugong dumadaloy mula sa ulo nya at wala na syang malay nung makita ko." humahagulgol na sabi nya. Nilapitan ko sya at niyakap.
Wala akong masabi, I can't say that everything is okay cause it's not. Maya-maya pa ay tumunog na ang elevator at nagbukas ito. Lumabas kami at naglakad papunta sa kwarto ni Maris, si Manong Jeric naman ay pinipigilan na umiyak pa ulit.
"Sabi ng doctor, maswerte daw si Maris dahil minor head injury at fracture sa braso lang inabot nya buti daw hindi masama ang pagkahulog nya, kung hindi baka.." napaiyak na naman si Manong Jeric, agad ko naman sya inakbayan ng mahigpit sabay punas naman nya ng mga luha nya. "Sa ngayon, wala pa syang malay, pero naniniwala ako na mabuti ang Dios. Magigising din si Maris." dagdag nya pa may ngiti sa labi. "Oo naman, ipagdadasal natin yan. We will never stop praying for her." sabi ko.
Huminto na kami sa tapat ng isang pinto, kung saan nakalagay ang pangalan ni Maris sa labas. Naunang pumasok si Manong Jeric tapos at sumunod ako. Nandun din yung lalaking nakasuntukan ko nung nakaraang araw. "Anong ginagawa mo dito?!" napatayo sya na may inis sa kanyang mga mata.
"Miguel, lumabas muna tayo." sabi ni Manong Jeric. "Ayoko! Dito lang ako, di ko iiwan si Maris kasama yang lalaking yan!" sigaw nya. Hinawakan naman ni Manong ang tenga nito at pinikot, "Wag mo kong sigawan, di ako bingi! Halika na, lumabas na tayo kung ayaw mong masaktan." sabay hila ni Manong sa binata.
Nang makalabas na sila ay naging tahimik na ang paligid, tanging naririnig ko na lang ay machine at oxygen na nakakabit kay Maris. Nakasemento ang braso nya, may mga pasa at kalmot sya sa mukha at katawan habang yung ulo naman nya ay may benda.
Nanginginig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan ko ang kalagayan ni Maris. Umupo ako sa tabi nya, dahan-dahang hinawakan ang kamay nya na may dextrose. Ang dating maaliwas nyang mukha at ang labi nyang laging nakangiti, malayo sa Maris na nasa harap ko ngayon, walang malay at puro sugat at pasa. Bawat parang sinasaksak puso ko. Si Maris. Ang Maris ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak ako habang hawak-hawak ko ang mga kamay nya. "I'm sorry.." sabi ko habang gumahagulgol ako sa pag-iyak. "Kasalanan ko lahat toh, kasalanan ko. I'm sorry. Kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari sayo toh."
Binitiwan ko saglit ang mga kamay nya at pinunasan ang mga mata ko, ayoko talaga kasi ng umiiyak pero pagdating kay Maris di ko mapigilan.
"Ang tanda naging bata din, napaka iyaking bata." natigilan ako sa narinig ko, pagtingin ko kay Maris ay nakadilat na ang kanyang mga mata at nakangiti sa akin. "Bata.." sabi ko sabay daloy ulit ng mga luha ko, parang nabunutan ako ng tinik nang makita ko na gising na sya at nakangiti pa. "How do you feel? Do you need something? Just tell me." natataranta kong sabi.
BINABASA MO ANG
More Than Words
FanfictionAng pag-ibig nga naman, dumarating sa panahong di mo inaasahan at sa taong di mo din inaasahang mahalin. Lahat ng mga standards na sinet, naglaho. Ito ang nangyari kay Daniel, a guy who is almost perfect meet the cute little girl--Maris, who made hi...