Chapter Eight

4.8K 109 42
                                    

∽ Daniel ∽

"Mahal kita and I will do everything it takes just to be with you." I cupped her face as I leaned closer to her.

"I'm sorry but I can't be with you. Dahil di kita mahal." she said as she ran away from me. I was left there alone looking at her until she was gone.

"CUT! Ano ba Daniel? Paulit ulit na lang?! Nakatingin ka nga kay Stacy pero wala emotions! Ano ba? We don't have all day just to take this scene!" sigaw ng direktor namin.

It was 2AM in the morning pero di pa tapos ang taping ng teleserye na kung saan kami ni Stacy ang bida at magkaloveteam.

∽ Maris ∽

Nawindang ako sa sigaw ng direktor, kanina nya pa pinapagalitan si Tandang Daniel, sa scene na toh kasi naka 10 takes na ata sila.

Pinagtataka ko lang hindi naman umaabot ng ganito ka daming takes si Tanda, first time na ganito kadami.

"Sorry po Direk." sabi ni Daniel habang nakayoko, nahihiya na siguro sya, last scene na toh pero hindi matapos tapos dahil sa kanya.

"I don't need your sorry, I need you to give the right emotions for the right lines and scene! Nagmahal ka na ba?" sabi ng direktor.

Natigilan si Tanda at napatingin kay Direk, "Sabi ko naranasan mo na bang mainlove? Have you ever felt how to be in love?"

Napayoko ulit si Tanda, "Yes." sabi nya.

Lumapit sa kanya si Direk, "Imagine that girl that you love, leaving you. For some reason she can't pursue you. What would you feel?"

"Masasaktan po." sabi ni Tanda na nakayoko pa rin.

"Now, I want you to have that emotion for this scene. Isipin mo sya yung kausap mo ngayon, sya yung sinasabihan mo ng mga linya na yun."

"Okay po, got it." nakangiting sabi ni Daniel.

"Good." sabay talikod ni Direk, "Okay, let's do this. Ready!" sigaw ni Direk, lahat sila back to position para itake ang scene.

Nakatingin ako kay Tanda, alam ko pagod na sya at sobrang napipressure na.

Pero habang nakatingin ako sa kanya, bigla din syang napatingin sa akin, ngumiti ako sa kanya at ganun din sya pero para bang ang lungkot ng mga mata nya.

"Action!"

Nakatayo si Tanda sa harap ni Stacy na may dala dalang bag, unti unting lumapit si Daniel sa kanya, "May na gawa ba akong mali para umalis ka?"

"Wala." pailing na sabi ni Stacy

"Kung ganoon, bakit kailangan mong umalis?" hinawakan nya ang balikat ni Stacy, "Kung ano man ang rason mo, I will accept it, wag mo lang akong iwan."

Umiling si Stacy sabay tumingin kay Daniel, "Hindi naman ganoon ka dali yun, sana maintindihan mo ko!" sabay tabig ng kamay ni Daniel na nakahawak sa kanya.

Umaktong paalis na si Stacy sa harap ni Daniel nang bigla nya itong niyakap patalikod. Wait! Wala naman akong na basa sa script na yayakapin nya mula sa likod si Stacy ah. Hmmm...

Mahigpit na yumakap si Daniel kay Stacy habang nakapikit itong umiiyak, "Pero mahal kita and I will do everything just to be with you."

Tinanggal ni Stacy ang pagkayakap ni Daniel at hinarap ito, "I'm sorry but I can't be with you. Dahil hindi na kita mahal."

Nagulat si Daniel sa sinabi ni Stacy, mabilis na umalis si Stacy habang naiwang nasasaktan at umiiyak si Tanda.

Grabe, kahit alam kong acting lang lahat naiiyak ako sa eksena. Parang totoo na yung emosyon ni Tanda, may hugot eh! Ang lalim!

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon