~ Maris ~
"Hello, Mars! Asan ka na? Kanina pa ka namin hinahanap namin ni Ellah!" alalang-alala na sabi ni Clarisse. "Okay lang ako Clarisse. Sobrang na pagod lang ako kaya magpapahinga na lang muna ako ngayon. Wag kayong mag-alala sinamahan naman ako ni Miguel pauwi, ihahatid nya ako sa dorm." sabi ko, Narinig ko ang pag buntong hininga ni Clarisse sa kabilang linya. "Ganun ba? Good thing at kasama mo si Miguel at least di na kami mag-aalala pa. Sige just text or call us na lang if you need something ah.."
"Okay. Thank you Clarisse.. Bye." Sabay baba ko ng phone. "I told you'll need it." nakangiting sabi ni Miguel habang nagdadrive. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Thank you."
"Thank me after you gave back my phone!" pabiro nyang sabi. Umiling ako, "Hindi sa cellphone, I mean, Oo thankful ako dahil pinahiram mo ako ang phone. Pero mas thankful ako kasi lagi kang nanjan. Minsan naiisip ko baka nakakaabala na ako sayo." Nakayoko kong sabi.
"Bakit naman nakakaabala ang isang taong gusto ko pagkaabalahang mahalin?" nakangiti nyang sabi, lalong lumiliit tuloy ang kanya mga mata tuwing ngumingiti sya.
"Miguel.."
"Maris.." biglang putol nya sa akin, "I have never felt this way before. Dati sobrang immature ako, napaka selfish. I only think is how to make myself happy and satisfied. I don't care about what other people feels pero simula nung makilala kita. " tumingin sya sa akin, "For the first time, I want to do something para ibang tao. Makasama lang kita, makita lang kitang nakangiti, I feel satisfied." bumuntong hininga sya na may ngiti sa labi at binaling ulit ang tingin sa daan. "I have said this almost everyday to you, Maris." dahan-dahang huminto ang sasakyan, nasa harap na pala kami ng dorm ko. "I love you so much, Maris and I will do anything for you even if causes my heart to shuttered into pieces. Di man ako ang laman ng puso mo ngayon. Okay lang, handa ako maghintay hanggang pwede na ako pumasok sa puso mo." kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ng mahigpit, tumingin naman sya sa akin habang nakangiti, "Miguel, Oo mahal mo ako kahit di mo sabihin nararamdaman ko yun. Pero kasi.." napayoko ako, hindi ko masabi sa kanya ng diretso na masasaktan ko lang sya pag pinagpatuloy nya toh. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili si Daniel sa puso ko.
Maya-maya pa ay bigla nyang hinawakan ang pisngi ko, dahan-dahan nyang inangat ang mukha ko at tinitigan ang mga mata ng diretso. "Okay lang. Kung hindi mo man masuklian ang pagmamahal ko sayo. Okay lang. Kung matatagalan man ang pag hihintay ko sayo. Okay lang. Pero alam mo ba kung ano ang hindi okay sa akin?" umiling ako bilang sagot, "Yun ay pigilan mo akong mahalin ka." pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang 'yun, doon ko napagtanto kung gaano ako ka-selfish kay Miguel. Sa puntong din na yun hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak muli.
Nang tumahan na ako sa pag-iyak ay pinagbuksan na ako ni Miguel ng pinto para bumaba sa sasakyan. "Just call me, if you need something." sabi nya sabay sarado ng pinto. "Okay. Thank you ulit, Miguel." sabi ko. "Bye." dagdag ko. "I'll see you tomorrow." nakangiti nyang sabi.
Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad papunta sa gate, kaso nilingon ko ulit sya. "Miguel?"
"Hmmm?" sagot nya, na nakasandal lang pala sya sa kotse nya habang hinahantay akong makapasok na sa loob. Naglakad ako papalapit sa kanya, kahit medyo may katangkaran sya ay pilit kong inabot sya at niyakap ng mahipit. "Thank you." kumalas na ako sa pagkayakap sa kanya at ngumiti.
~ Daniel ~
Agad kong tinawagan si Manong Jeric para ipagdrive ako para hanapin si Maris, hanggang na isipan namin na magbaka sakali sa dorm na tinitirhan nya. Pagkahinto ng kotse ay bumaba na agad ako at tumakbo papunta sa gate ng dorm ni Maris.
"Maris!" sabay katok ko ng gate ng dorm, I know I'm being scandalous but I was very desperate to talk to her. "Maris! Bata!"
"Can you just leave her alone?" isang boses ang narinig ko mula sa likuran ko, paglingon ko ay isang batang lalake na may singkit na mata at parang kaedad lang ni Maris ang nakatayo malapit sa isang pulang kotse, napakunot-noo ako ng mas lalo ko pang titigan ang mukha nya, pamiliar sya sa akin. Parang nakita ko na sya pero hindi ko matandaan kung saan at kailan.
BINABASA MO ANG
More Than Words
FanfictionAng pag-ibig nga naman, dumarating sa panahong di mo inaasahan at sa taong di mo din inaasahang mahalin. Lahat ng mga standards na sinet, naglaho. Ito ang nangyari kay Daniel, a guy who is almost perfect meet the cute little girl--Maris, who made hi...
