Chapter Thirteen

2.7K 84 24
                                    

~ Maris ~

"Sige na Mars!" kulit ni Ellah sa akin sabay hila ng uniform ko, "Oo nga! Please Mars? Pretty please?" hirit din ni Clarisse sabay hila din sa uniform ko. Simula nung nalaman kasi nila na close ko si Tanda, hindi na nila ako tinantanan at panay kulit na sa akin ng fan sign ni Daniel. Ano ba kasi meron sa fan sign na yan? Aish! Kung di ko lang talaga kaibigan tong mga toh!

Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan silang dalawa, "Pag kayong dalawa hindi nyo binitawan 'yung uniform ko pag uuntugin ko talaga kayo!" taas kilay kong sabi, nakukunot na yung uniform ko kakahila nitong dalawa, hirap pa naman magplansta.

Agad naman nila binitawan ang uniform ko, "Eh kasi.." hirit ni Ellah.

"Nope!" Sabi ko with a pop sound sabay lakad palayo sa kanila nang biglang nag ring ang phone ko. Napangiti naman ako ng mabasa ko ang caller ID na nakaflash sa screen ng phone ko.

"Hello?" sagot ko, "Hello is this Mariestella Racal?" Isang husky voice ang narinig ko sa kabilang linya. "Yes, Speaking!" nagpipigil kong tawa na sabi, ano na naman kayang pakulo ni Tanda ngayon?

"Mr. Daniel Matsunaga has a message for you," pormal nyang pagkasabi. "He said I miss you Bata." Kinikilig nyang sabi.

Natawa ako sa sinabi nya, daming churva pwede naman sabihin sa akin ng diretso, "Hmm.. Okay." sabi ko, habang pigilan kong wag magpahalata na kinikilig ako.

"He also asked if pagod ka na ba daw.." sabi nya na medyo seryoso ang boses. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko, "Huh? Bakit? Pagod saan?" tanong ko.

"Kasi, buong araw ka na daw kasi tumatakbo sa isip nya."

Natawa na lang ako sa banat ni Tanda, akalain mong humihirit pa. Napabuntong hininga ako sa kalokohan ni Tanda, "Oo nga eh, sobrang na pagod ako kakatakbo sa isip nya, parang gusto ko tuloy magpahinga sa puso nya."

"Talaga?" mabilis na tanong nya, "Nope!" sabay tawa ko ng malakas sa kanya. "Bataaa! You're make fun of me ah!" tampo nyang sabi pero patuloy pa rin ako sa pagtawa, "So-sorry!" sabi ko habang tumigil sa pagtawa.

Pero hindi na sya nagsalita, "Hoy,Tanda! Joke lang 'yun ah!" sabi ko. "Ikaw kasi dami mong churva pwede naman sabihin sa akin ng diretso."

"Eh kasi nahihiya kasi ako." paliwanag nya, "Wow ah! Nahihiya ka pa sa lagay na yan!?" tukso ko sa kanya, nang biglang sumulpot n naman ang dalawang kaibigan kong makukulit sa harapan ko. Sabay titig sa akin na para pang nagmamakaawa at nakikiusap, malamang na sense nila na si Tanda ang kausap ko.

"Tanda??" sabi ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko. "Yes Bata?" sagot nya.

"Can you do me a favor? Pwede mo bang batiin ang mga kaibigan ko ng matahimik na sila!" halos mangisayngisay naman sila Ellah at Clarisse sa narinig nila. "Sure!" sabi nya. Inilagay ko s Daniel sa loud speaker mode para marinig ng dalawa.

"Hello! Nice to meet you guys!" masiglang bati ni Tanda sa kanila. Nang narinig nila ang boses ni Tanda, agad silang sumigaw at nagtatatalon, "Waaaaahhhhh!" Sigaw ni Ellah, "This is so OMG!!!" kilig na kilig na sabi ni Clarisse. Naghawak kamay sila at nagtatalon ng sabay paikot-ikot sa harapan ko. Napailing na lang ako sabay lakad paalis sa harapan nila, dahil sobrang iingay!

"Hello Tanda!" sabi ko, "Wala ka bang work?"

"Meron! I have my 15 minutes break kasi, kaya naisipan kong tawagan ka." Napangiti ako sa narinig ko, "Bata..." sabi nya na naglalambing na boses.

"Hmmmm?" sagot ko naman.

"I really miss you na. I wish I could see you today, everyday." sabi nya na medyo malungkot ang kanyang boses. "Wag ka mag-alala Tanda, magkikita din tayo." sabi ko naman, kahit minsan hindi na kami nag kikita o nakakapag-usap dahil sa sobrang hectic ng schedule nya ay wala pa rin nagbago sa amin ni Tanda. "Tska ang totoo nyan Tanda, namimiss--"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon