Chapter Fifteen

2.4K 72 29
                                    

~ Daniel ~

"Daniel, totoo ba ang balita na nakipagrelasyon ka sa isang 16 years old?" tanong sa akin ng isang reporter habang hinahabol ako papasok sa network building, "Daniel, alam ba toh ng mga magulang nya?" tanong naman nung isang reporter, "Gaano ka totoo na ginagamit ka lang nya para mapag-usapan sya?" singit naman ng isang reporter, haharapin ko sana sya ng biglang inakbayan ako ng manager ko, "Wag mo na silang patulan." sabay yakap nya sa braso ko at pasimpleng hinila papasok ng building kung saan wala ng mga reporters na makakapasok.

"Bakit mo ko pinigilan kanina? Nakakapikon na yung mga tanong nila!" inis na inis kong sabi habang nasa hallway kami, "At kung hinayaan kita ano gagawin mo? Gagawa ka na naman ng gulo?" nakataas-kilay na sabi ng manager ko. "Gusto mo talaga sirain yung career mo eh noh? Kahit saan ka mag punta ngayon may nakabuntot na reporter at sigurado may mga reporter din na nakabuntot kay Maris ngayon." natigilan ako sa sinabi ng manager ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita ulit ng manager ko, "Pag pinuntahan mo si Maris ngayon lalo lang sya mapapahamak, lalo lang kayo pag iinitan ng press, lalo na si Maris." tumingin ako sa kanya ng diretso, habang nanginginig ang buong katawan ko sa inis dahil wala akong magawa para iligtas si Maris sa lahat ng kaguluhan na toh.

Nang bigla akong napaisip, kinuha ko ang phone ko at itinext si Manong Jeric, cause honestly for now, yun lang kaya kong gawin.

~ Maris ~

Dali-dali akong hinila ni Miguel papunta sa parking lot at pinasok sa sasakyan nya. "Saan ba tayo pupunta Miguel?" tanong ko pero hindi sya kumibo at tuluyan nyang binuhay ang makina ng kotse. "Miguel.." muling tawag ko ulit sa kanya, sa pagkakataong ito ay humarap sya sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko, "Do you trust me?" seryoso nyang sabi, "Oo naman." sabi ko. "Then just sit back and relax, okay?" nakangiti nyang sabi, natigilan naman ako ng napansin kong may sugat ang mga labi nya, siguro dahil sa suntukan nila kahapon ni Daniel.

Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng kinikilos ni Miguel ngayon, hindi ko tuloy alam kung ano dapat kong ikilos sa harap nya, kung ano dapat sabihin sa kanya simula nung kaguluhan kahapon.

Nang biglang may mga nagkukumpulang mga tao na may dalang malalaking camera at microphone—reporters, ang nakaabang sa may gate.

"Maris, suot mo tas yumuko ka.." bilang imik nya sabay bigay ng sombrero sa akin. "Huh?" napakaclueless kong sagot, "Sige na" sungit nyang sabi, sabay suot ko at yoko ko naman. Sa pag yoko ko ay huminto ang kotse sa may guard house. Pinapatabi ang mga taong nakaharang sa gate, sa pag daan ng sasakyan kahit nakayoko ako ay naaninag ko ang mga flash ng mga camera nila. May iba pa ngang reporters nakikita kong pasimpleng sumisilip sa loob ng sasakyan, pero dahil nakasombrero ako at nakayoko ay hindi kita ang mukha ko. Kahit nasa loob ako nang sasakyan naririnig ko ang mga boses nila, yung gulo sa labas.

Sa pag daan namin nakaramdam ako ng takot at kaba kaya napapikit ako, humihiling na sana mawala na sila sa harapan ko. "Pwede ka ng dumilat, nakalabas na tayo." mahinahong sabi ni Miguel. Dahan-dahang idinilat ko ang mga mata ko at itinaas ang ulo ko. Pag tingin ko sa daan ay nasa may highway na kami at wala na ang mga tao.

"Alam mo ba halos buong campus na naghahanap sayo?" seryosong sabi nya habang nagdadrive. "Ako? Bakit nila ako hinahanap?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

Maya-maya pa ay kinuha nya ang phone nya at binigay sa akin, "Dahil dito." sabi nya, kinuha ko ang phone at nang buksan ko ito ay may nakita ako video, pinanood ko ito.

Isang video record ng nangyari gulo kahapon. "A friend of mine sent me that video.." imik nya, "he said it's already viral. Nang makita ko yan, naisip kong hanapin kita kaagad." dagdag nya pa.

"Si Daniel.."  ang unang taong pumasok sa isip ko nang makita ko 'yun. "Kailangan malaman ni Daniel yung tungkol dito." sabi ko, sabay kuha ng phone ko sa bag. "Sigurado alam nya din at sa mga sandaling ito gaya mo, sigurado pinagkakaguluhan din sya ng mga reporters."

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon