Chapter Nine

4.5K 83 25
                                        

∽ Maris ∽

"I tell you one thing we're always better when we're together. ♪♬"

Feel na feel ko na pagkanta habang ginagawa kong mic ang spatula habang nagluluto ako ng French toast, wearing my cute apron.

"Mmm, it's always better when we're together

Yeah, we'll look at the stars when we're together

Well, it's always better when we're together ♪♬♪"

Patuloy ko na pagkanta habang dahan dahan kong nilalagay sa plato ang French toast.

"Yeah! It's always better when we're together! ♪♬♩"

"Wow! Ang bango ah!" isang husky voice ang nakaagaw ng atensyon ko, paglingon ko ay nakita ko si Tanda na kinukusot ang mga mata nya na nakasando at pajama.

"Good Morning Tanda! Breakfast is ready! Kain ka na!" masigla kong sabi sabay lagay ko naman ng pinggan at kape nya sa lamesa, nang biglang naramdaman ko ang isang mainit na yakap mula sa likuran ko at madiin na halik sa may ulo ko. "Good Morning, Bata." medyo antok nyang bati sa akin.

Tumingin ako sa kanya at isang matamis lang na ngiti ang binigay nya sa akin sabay upo nya, napangiti na lang din ako. Kahit parang araw-araw na routine nya na ang hug and kiss sa head sa akin, nagugulat pa rin ako. Haaays, Spartan moves, pero ayoko bigyan ng malisya sadyang ganun lang talaga siguro sya sa mga tinuturing nyang kapatid o kapamilya. Ayoko mag assume ng kung ano dahil nakakamatay ng puso 'yun.

Pero sa totoo lang sa loob ng dalawang buwan, mula nung una kong magkakilala ni Tanda ay marami ng nangyari. Sino mag-aakala na ang super hunk at gwapo na tulad nya ay magiging Tanda ko.

"Mabubusog ka nyan kakatitig sa akin." biglang imik nya habang ngumunguya ng French toast.

"Huh? Anong pinagsasabi mo jan?" taranta kong sabi sabay inom ko ng gatas.

"Kanina ka pa nakatingin sa akin eh, nakoconscious ako." seryoso nyang sabi, "Wow ah! Feeler! Nakatingin ako sa French toast noh!" sabay kuha at kagat ko naman ng French toast at inirapan sya.

"Talaga? Sana pala French toast na lang ako para sa akin ka na lang nakatingin." sabay kindat nya, abay talaga naman! May pinapatunayan tong matandang toh ah!

"Yuccck!" sigaw ko habang tawa naman sya ng tawa sa akin, "Please lang, Tanda. Nanahimik yung French toast, wag mo na idamay sa kalokohan mo. Please lang!" dagdag ko.

"And why not?" kunot noo nyang sabi.

"Kasi di bagay sa French toast ang may abs at muscles!" sabay marahas kong kagat sa French toast ko.

"Bagay kaya! Tapos it will be named Spartan toast." sabay ngiti nya sa akin na nakakaloko.

Pinipigilan kong tumawa sa joke nya na yellow corn, pero in fair naman kasi, havey!

"Ewan ko sayo!" natatawa kong sabi sa kanya, sabay tawa naman nya. "Hmm, Tanda?" dagdag ko.

"Hmm?" sabay tingin nya sa akin, "Aalis ako mamaya ah, pupunta ako sa school." sabay inom ko naman ng gatas.

"Bakit magsusummer ka?"

"Hoy! Grabe toh! Wala akong bagsak noh! Mag i-enroll ako!" napakamapanghusga talaga tong matandang toh.

"Oh, chill lang! Sorry okay? Sorry." nakataas nyang kamay na sabi, "You want me to come with you?" dagdag nyang sabi.

"Gusto mong magkagulo sa school? Baka nakalimutan mo ikaw si Daniel Kenji Matsunaga, picture mo pa lang pinagkakaguluhan na sa school tapos pupunta ka pa dun eh hindi ako nakapag enroll!" pairap kong sabi.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon