Chapter Four

6.1K 110 53
                                    

∽ Maris ∽

"Baby, baby, baby oh! My baby, baby, baby. No! ♪♬"

Bigla akong naalimpungatan sa ingay na narinig ko, pag dilat ko nakita ko si Manong Jeric nagwawala este kumakanta ng Justin Bieber song habang nag dadrive.

Napansin ni Manong Jeric na gising na ako. "Oh! Gising ka na pala mahal na prinsesa." pabiro nitong sabi. Ngumiti lang ako, tulog pa ata utak ko.

Mang uunat na sana ako nang naramdaman kong may mabigat sa kanang balikat ko.

Si Tandang Daniel pala, nakasandal ang ulo nya sa balikat ko, kaya pala ang bigat bigat. Hay nakoo!

Iginalaw galaw ko yung balikat ko para magising sya, pero wa epek! Tulog pa rin ang gwapong lolo nyo! Aba matindee!

Yumuko ako konti para silipin kung tulog pa ba sya o nagtutulugtulugan lang.

Nakita kong nakapikit pa rin ang mga mata nya, sobrang lapit ko sa kanya rinig ko ang bawat paghinga nya, kitang kita ko 'yung ilong nya na matangos, 'yung labi nyang namumula-mula pa at 'yung amoy nya grabe ang bango bango.

Nang biglang huminto 'yung sasakyan, halos tumilapon kami ni Tanda sa lakas, at na untog ang mga ulo namin sa isa't isa dahilan para magising sya.

"Aray! What was that!?" nakapikit nyang sabi habang hinahawakan yung noo nya habang ako tahimik ding hinihimas himas ang noo. Shocks! Ang sakit!

"We're here!" masiglang sabi ni Manong Jeric na parang walang nangyari.

Bumaba ako sasakyan at bumungad sa akin ang isang general hospital. Bumaba si Tanda at si Manong Jeric sa sasakyan na may dala dalang isang basket ng prutas.

Nauna nang pumasok na si Tanda sa loob habang ako naman ay sumabay na lang ako kay Manong Jeric.

"Manong Jeric, sino po nasa ospital?" tanong ko habang papasok kami ng ospital at naglakad papuntang elevator.

"Gusto dalawin ni Sir Daniel 'yung anak ni Karen." sabay pindot ng up button sa elevator.

Napakunot ako ng noo sa narinig ko, "Oohhh, sinong Karen? Girlfriend nya?" sabay tumunog yung elevator at pumasok kami sa loob, sabay pindot naman ni Manong ng button number four.

"Baliw na bata toh! Girlfriend agad? Di pwedeng personal assistant muna?" nailing iling na sabi ni Manong Jeric.

"Oohhh..sya pala 'yung original." tumatango-tango kong sabi. "Pero taray ah, talagang dinayo pa ni Tandang Daniel ah. How sweet! May something?"

Tumawa si Manong Jeric sa sinabi ko sabay tunog at bukas ng elevator at lumabas kami, "May something ka jan. Sadyang mabait lang si Sir Daniel, tska di nya type mga tulad ni Karen." sinabi nya habang naglalakad kami sa hallway.

"Ay sandali lang hija," biglang napatigil sa paglalakad si Manong. "MagsiCR muna ako ah. Di ko na talaga kaya eh. Mauna ka na lang sa 403 at ibigay mo ito. Susunod na lang ako." sabay iniwan sa akin ang basket at pumasok sa CR.

Naglakad ako at lumiko sa dulo ng hallway, napatigil ako nang makita ko si Tandang Daniel kausap ang isang babae na medyo chubby, iyon ata si Karen.

"Sir, maraming salamat talaga ah." mangiyak ngiyak na sabi ni Ate Karen.

"Wala yun. You're like a family to me. Kayo nila Manong Jeric, kaya if you need something just tell me, okay?" sabay yakap nya kay Ate Karen, akalain mo 'yun may natitira naman palang kabaitan tong tanda na toh.

Nang kumalas na sa pagkakayakap 'yung babae, bigla syang napatingin sa akin dahilan para mapatingin din si Tandang Daniel.

"What are you doing there?" masungit na sabi ni Tanda, sabay ganun? Biglang sungit?

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon