Chapter Two

6.5K 98 19
                                    

∽Maris∽

"Maris.. Maris...wanna bite?" tanong ng fried chicken, "Oo! Sobra!" sagot ko habang pilit ko syang inaabot. Kaso bigla syang tumakbo, "Habulin mo 'ko!" kaya hinabol ko din sya. Aba akalain mong mabilis pala tumakbo mga fried chicken? Kaso mas mabilis ako kaya naman naabutan ko sya. Teka, ang weird naman, chicken tumatakbo?

"Gotcha!" sabi ko habang hawak ko ang isang pakpak nya, sabay kagat sa fried chicken. Teka bakit ganun, ang tigas naman nitong fried chicken na 'toh, di kaya double dead toh?

Mas lalo ko pang diniinan ang kagat ko, kaya na pasigaw yung fried chicken. Sa sobrang lakas ng sigaw nya bigla na lang akong na gising.

Pagkadilat ko ng mga mata ko, ay nakita ko yung gwapong matandang lalaki na nagpasakay sa akin sa sasakyan nya, halos lumuluha na ang kanya mga mata nang na patingin ako sa kamay ko ay hawak hawak ko pala ang braso nya at kinakagat ko ito.

Agad kong binitawan nag braso nya. "Sorry po. A-akala ko kasi fried chicken eh." grabe nakakahiya ka talaga Maris. Kaya pala matigas 'yung manok 'yun pala braso na pala kinakagat ko.

Hinawakan nya 'yung braso nyang kinagat ko, bumaon 'yung kagat ko at nagsisimula na itong mamula.

"Are you an aswang?!" galit na sabi nya.

"Sorry po talaga. Eh di ko naman na braso nyo pala 'yung kinakagat ko sa panaginip ko kasi fried chicken eh. Dala lang siguro ng gutom kaya pati sa panaginip may pagkain." nakayoko kong sabi.

"So, hindi ka pa kumakain simula kaninang umaga?"

"Uh huh." tango kong sagot.

Bumuntong hininga sya sabay labas ng kotse, tapos ay pumunta sya sa may pintuan ko at binuksan ito.

"Out!" inis nyang sabi.

Ako naman sa sobrang hiya sa kanya, lumabas na din ako sa kotse nya, tsk! Pag minamalas ka talaga, 'yung kaisa isang taong tinulungan ako kinagat ko pa, ngayon mukang badtrip at pinapaalis na ako.

Pag labas ko sa kotse na pansin ko na nasa isang underground parking lot kami, tatanungin ko sana sya kung na saan kami kaso nung nilingon ko na sya ay naglalakad na sya palayo.

Agad ko naman syang hinabol, "Uy wait lang po Kuya!" patuloy pa rin sya sa paglalakad.

"Anong lugar toh?" hindi nya pa rin ako pinapansin. Nang makarating na kami sa may elevator, pinindot nya ang up button at tahimik na nag antay sa pag baba ng elevator.

Dahan dahan kong sinilip ang mukha nya, nakoooo Maris! Mukhang na galit talaga si Kuya sayo. Paktay ka talaga! Pero ganun ba talaga kasakit 'yung kagat ko at ganyan talaga sya kabadtrip. Sa bagay kung ako kakagatin ng ganun mababadtrip din ako. Tinignan ko ulit sya, infair ah! Kahit seryoso 'yung mukha nya, ang gwapo nya pa rin.

Yung height nya, sakto lang. Yung ilong nya matangos, sana binayayaan din ako ng ganyan ka tangos na ilong, yung jaw line nya? Check! Yung mga biceps nya, check! Yung lips nya, kissable din kaya, check na check!

"Stop it." biglang sabi nya. Hindi pa rin sya nakatingin sa akin.

Bigla kong inalis ang pagkatingin sa kanya at yumuko ako, ganun ba ka obvious yung tingin ko? Biglang tumunog na ang elevator at pumasok na sya sa loob. Habang ako naman naiwan lang sa labas nakayoko hanggang unti unti nang masara ang elevator. So I guess this is good bye.

Nang bumukas ulit ang elevator.

"Anong ginagawa mo?" tanong nya na nakakunot noo.

"Hmm.. nakatayo?" sagot ko. Eh yun naman talaga ginagawa ko eh.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon