Chapter Eighteen

3K 93 44
                                    

~ Maris ~

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin, dahilan para lalo kong yakapin ang malambot kong unan habang dinadamdam ko ang aking kumot na mainit na bumabalot sa buo kong katawan. Kahit kakapatay ko lang ng alarm clock ko, sa mga ganitong panahon parang gusto mo pa mag-extend ng five minutes kasi di mo pa kayang bumangon. Habang tumatagal lalo akong hinihila ng kama ko, pero unti unti ng sumisikat ang araw at tinatamaan ako ng sikat nito, na para bang ginigising ako.

Bumangon ako at inayos ang kama ko, masigla akong nag luto sa sarili kong kusina sa sarili kong maliit na bahay, na pundar ko ito mula sa ipon ko simula nung nagworking student ako nung high school at college. Sa unang taon ko mula nung umuwi ako sa Tagum ay naging mahirap ang adjustments pero dahil naging napakasupportive ng family ko at mga kaibigan ko ay nakaadjust din ako. Natapos ko ang high school at nakagraduate sa college. Matapos ko makagraduate sa college ay nagpasya ako na maghanap ng trabaho sa Manila, nung una ayaw ng mga magulang ko dahil natakot sila pero wala din silang nagawa.

Naging napakahirap ng unang tatlong buwan kong paghahanap ng trabaho sa Manila, hanggang makapasok na nga ako sa isang preschool bilang isang music teacher. Malayo ito sa course nakinuha ko pero malapit naman ito sa puso ko. Minsan kahit gaano pa tayo kalayo o naligaw man tayo ng tinahak na landas, babalik at babalik pa rin tayo sa kung ano talaga yung gusto ng puso natin.

Matapos kong maluto ang french toast at bacon ay umupo na ako para kumain, nang biglang narinig ko ang phone ko nag nagring. Tumayo ako at hinanap ang phone ko na nakalimutan ko kung saan ko nailagay.

Hanggang makita ko ito sa may couch, "Hello?" sabi ko na nakaupo sa sahig, "Hello Mars! Good morning!" sigaw ni Ellah, "I'm back!" dagdag nya pa. Kahit limang taon na ang nakalipas ay di pa rin nagbabago si Ellah maliban na lang sa status nya, last month kasi ay ikinasal na sya at syempre kami ni Clarisse ang bridesmaids.

"Talaga? Uy yung pasalubong ko ah!" sabi ko, "Napaka mo! Pasalubong agad? Di mo man ba ako na miss?" tampo nyang sabi, napatawa na lang ako sa sinabi nya, "Syempre na miss kita at gusto na kitang makita pero mas excited akong makita ang pasalubong ko!" isang malakas na tawa na naman ang binigay ko, "Kahit kailan mapang asar ka talaga eh noh? Oh well, kaya kita tinawagan dahil gusto ko magkita tayo mamaya nila Clarisse kasi miss ko na kayo at para mabigay ko na mga pasalubong ko." sabi nya, napatayo naman ako at naglakad ulit pabalik sa kusina. "Sige pero mamayang gabi na lang, may pupuntahan pa ako ngayong umaga eh. Alam mo naman mahalaga tong araw na ito sa akin." sabi ko habang paupo sa harap ng lamesa, habang rinig ko ang pag buntong hininga ni Ellah sa kabilang linya, "Oo nga pala, death anniversary nya pala ngayon, parang kailan lang." malungkot na sabi ni Ellah. "Oo nga eh. Sige Ellah, ibababa ko na toh kailangan ko pa pumunta sa flower shop. See you later!" sabi ko "Bye Mars! See yah!" sabay baba ko ng phone.

Matapos kong mag ayos ay pumunta na ako sa flower shop para kunin ang bulaklak na pina arranged ko. Napakaespeyal ng araw na ito kaya gusto ko hangga't maari ay maging perfect ang lahat.

Naglakad ako papunta sa puntod nya habang dala-dala ko ang bulaklak, mula sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang puntod nya. Kabisado ko na kasi, sa unang taon na namatay sya ay halos araw araw akong nasa puntod nya. Dalawang taon na ang nakalipas ng mawala sya pero parang kahapon lang ng makasama kami. Kahit nasa Tagum na kasi ako, gumagawa pa rin sya ng paraan para makapunta sa Davao at dun kami magkita. Hindi man naging kami, pero naging malaking bahagi sya ng pagkatao ko.

Tumigil ako sa paglalakad at napatitig sa kanyang puntod, dahan-dahan kong inilagay ang bulaklak sa tabi ng puntod nya. Tinanggal ko ang mga iilang dahon na tumatakip sa kanyang pangalan.

"Hi Miggy, long time no see!" sabi ko habang hinihimas ko ang pangalan na nakaukit sa lapida. "It's been two years. Miss na kita.." dagdag ko habang unti unting bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari nung gabing iyon.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon