Chapter Ten

4.3K 95 47
                                    

∽ Maris ∽

After ko mag enroll sa school ay umuwi na agad ako sa condo ni Tanda, kahit lumuluhod na si Ellah sa kakapakiusap sa akin sumama ako sa kanila na manood ng sine, di pa rin ako sumama. Wala ako sa mood gumala, paano ako mag eenjoy eh mababaliw na ako kakaisip kung ano gagawin ko, darating na si Ate Tin bukas at wala pa akong dorm na makita na pasok sa budget ko kung meron man wala ng vacancy. Binalikan ko 'yung huling tinignan ko na dorm nakuha na 'yung huling room na dapat ay kukunin ko.

Pagpasok ko sa condo ni Tanda, isang sintunadong lalaki na nagbivideoke ang sumalubong sa akin.

"Itanong mo sa akin

Kung sino'ng aking mahal

Itanong mo sa akin

Sagot ko'y di magtatagal ♪♬"

Napakunot ang noo, nang marinig ko ang boses ni Tandang Daniel, lakas ng loob ah! Dahan dahan akong naglakad papunta sa salas kong saan andun sya.

"Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo'y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman ♪♬"

Kaya pala malakas ang loob ni Tanda kasi kasama nya si Manong Jeric na nagvivideoke, may mga pagkain pa sa center table at iilang bote ng beer.

"Isa lang ang damdamin

Ikaw ang aking mahal

Maniwala ka sana

Sa akin ay walang iba♪♬♩"

Feel na feel ni Tanda ang pagkanta nya habang si Manong Jeric naman ay nagsesecond voice habang pasway sway pa sa pagsayaw, na papafacepalm na lang ako at napangiti habang tahimik na pinapanood sila. Nang biglang na palingon si Manong Jeric at na pansin ako.

"Oh! You're back!" tuwang tuwa na sabi ni Manong, sabay nang pagsigaw nya ay napalingon din si Tanda na hawak hawak pa rin ang mic at patuloy pa rin sa pag kanta.

"Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo'y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman♪♬"

Nakatingin lang sya sa akin na habang unti unting may bumabakas na ngiti sa mukha nya habang kumakanta.

"Ang nais ko sana'y inyong malaman

Sa hilaga o sa timog o kanluran

At kahit sa'n pa man

Ang laging isisigaw ♪♬"

Napangiti ako sa kanya, habang patuloy sya sa pagkanta ay patuloy din si Manong Jeric sa pagsayaw at se-second voice, "Ahh.. ahh..ahh..♪♬" Di ko mapigilan na tumawa sa kanila.

"Ikaw ang aking mahal...♪♬"

Habang kumakanta sya lalong lumalalim ang tingin nya sa akin, na para bang kinakantahan nya ako, parang bigla ko tuloy nakalimutan na sintunado sya.

"Ikaw ang aking mahal... ♪♬"

Na para bang bumilis bigla tibok ng puso ko, 'yung kakaibang titig nya na ganyan. Ilang beses ko na nakikita at nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin na di ko maintindihan kung ano. Titig na hindi pang manyakis ah, kundi 'yung klase nang titig na totoo, masaya at may pagmamahal.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon