Epilogue

2.8K 71 31
                                    

~ Maris ~

Okay class, on Friday each and everyone of you will perform in front of the class with your own choice of instrument. Is that clear?" sabi ko habang todo ngiti ako sa harap ng makukulit pero cute na mga batang estudyante ko. "Yes, Teacher Stella!" sagot naman nila na sabay sabay. Napangiti ako at mabilis na pinagmasdan ang bawat isa sa kanila.  Sa school, Stella ang tawag nila sa akin, mas teacher at mature kasi daw ang dating, noong una hindi ako komportable pero na sanay din. "Okay, everyone stand up." sabi ko sabay tayo naman nila lahat, "Goodbye class!" sabi ko, "Goodbye and thank you Teacher Stella! Goodbye classmates, see you tomorrow again." sabay sabay nilang paalam, tapos ay isa isa nilang kinuha ang mga gamit nila at pumila palabas ng classroom. Grabe ang cute nilang tignan lahat, kahit makukulit at minsan nakakaubos pasensya. Isang ngiti lang nila at thank you sakin dahil sa mga tinuro ko o dahil na pasaya ko sila tuwing kinakantahan ko sila, pawi lahat ng stress.

Nagliligpit na ako ng gamit ko ng na pansin ko may isang estudyante ako na lumapit sa akin. Tinignan ko sya at tinitigan naman nya ako, "Can I help you Mr. Sunga?" sabi ko, pero nakatingin lang sya sa akin, tulala. "Psst! Jacob, okay ka lang?" sabi ko sabay snapped ko ng mga daliri ko. Agad naman nabalik ang wisyo nya, "Uhmm.. I-I think I can't perform on Friday." sabi nya sabay yoko. "Oh, why? What's wrong?" sabi ko, "I just don't want to!" biglang pasungit nyang sabi.

Agad naman ako lumapit sa kanya at umupo sa harapan nya, "If there's a problem you can tell me, malay mo matulungan kita." nakangiti kong sabi, "I just don't like singing!" pasungit nya ulit na sabi, "But you can try, don't worry I'll give you a good grade." sabay kindat ko sa kanya, minsan mga bata kailangan utuin kaso mukang itong si Jacob hirap utuin.

"I said no! You're so makulit!" pasungit nyang sabi sabay buntong hininga nya, "And you're so masungit!" sabi ko naman, grabe tong batang toh, liit liit pa eh napaka sungit na, ang conyo pa! Parang pinaliit at pinabatang version lang ni Tanda toh ah!

Pero dahil mas nakakatanda ako at teacher hindi na ako nakipag argue. "Okay fine! I'll just give you something else, and we will talk about it tomorrow, okay?" sabi ko, tumango naman sya bilang sagot. Tumalikod naman sya at mahinahong lumabas ng classroom.

Mamaya pa ay lumabas na din ako, habang naglalakad ako papunta sa faculty ay napalingon ako kay Jacob na nakaupo sa may bench, tahimik na nag aantay ng sundo nya. Bigla ako natawa at napailing, ano ba pumasok sa isip ko at naikumpara ko si Jacob at si Daniel. Grabe, nahihibang na ako.

Pagkapasok ko sa faculty room ay nilapitan agad ako ng co-teacher ko, "Oh bakit ngayon ka lang Teacher Stella?" sabi nya, "Kinausap ko pa kasi yung isa sa estudyante ko." sabi ko sabay tingin ako sa kanya, "Bakit? Wag mo sabihin.." napatigil ako sa pagsasalita dahil ngiti palang nya at ng mga ibang co-teachers ko sakin ay alam ko na pinahihiwatig nila.

"Sige na Stella, minsan lang eh." hirit pa ng isang co-teacher namin. Napangiti na lang ako at kinuha ang gitara ko at umupo sa may gitna ng faculty. Simula kasi nung naging teacher ako dito, lagi nila akong pinapakanta bago mag uwian. Di ko alam kung bakit, sabi nila maganda daw boses ko, nakakarelax, nakakagoodvibes daw kaya pinagbibigyan ko naman sila parang bonding time na din namin toh.

"Anong kanta?" tanong ko, "Kahit anong kanta, kaw bahala. Gusto mo yung kanta mo para sa mahal mo!" sabay tukso naman nila sa akin, napatawa na lang ako. Pero sa pagkakataong yun alam ko na kakantahin ko, sayang nga lang at wala sya. Pero kung na saan man si Daniel ngayon, sana marinig nya ang puso ko na kumakanta para sa kanya. Kinuha ko ang gitara at umupo sa harapan ng mga co-teachers ko. Huminga ng malalim habang unti unting pinikit ang mga mata ko.

"When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks "

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon