Chapter 1

57 26 2
                                    

Solemn's POV

Pagmulat ko ng mata ko ay ramdam ko ang malamig na hangin na binubuga ng aircon ko. Napatingin ako sa yakap ko at pagkakita roon ay naalala ko ang nangyare kahapon.

Nagsimula nanaman ako sa pag iyak at naupo ako sa sulok ng kama habang yakap ang stuff toy.

First boyfriend ko si Kris at first heartbreak ko.

Ganito pala yung feeling? Parang gumuguho yung mundo, pakiramdam ko mababaliw ako sa sakit.

Parang dinudurog ung puso ko, parang sinasaksak yung kalamnan ko. Pakiramdam ko sasabog yung ulo ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

I'm not the strong type of girl na pag iniwan at sinaktan ay magsusweet revenge kuno, magpapaganda, at ipapamukha sa nang iwan sakanila yung iniwan nila.

Hindi ako isang fiction character na makakahanap ng tutulong sakin para makamove on.

Wala ako sa fairytale para magkaron ng happy ending.

Isa akong normal na babae na nasaktan, iniwan, at pinagpalit.

Ako si Solemn Haley Chua. May isa akong bestfriend pero nasa states s'ya ngayon dahil summer vacation namin.

Pinilit kong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto pero wrong move dahil nakita ko lang yung mga litrato namin na nakalagay sa picture frames na nakasabit sa pader.

Nilapitan ko yun at kinuha ang isa, lumupagi ako at sumandal sa pader.  Habang tinitingan yung litrato ay hinahaplos ko ang mukha n'ya roon na nakangiti.

Nakangiti s'ya kasi masaya kami... Napangiti ako habang pinagmamasdan yun at naramdaman ko nanaman ang mainit na likido na tumakas mula sa mata ko.

Wala namang mali eh, hindi naman kami nag aaway, hindi naman sya nagpakita kahit kailan na nagsasawa na s'ya...

O yun ang mali? Masyadong perpekto ang relasyon namin kaya nasira...

Binato ko yung frame sa kabilang dulo ko at umub ob sa maliit na upuan na nakalagay sa tabi ko.

"I hate myself... Pakiramdam ko kasalanan ko lahat kung bakit nasira relasyon natin... Kris.. Balik ka na oh.." sabi ko habang nakaub ob at humahagulhol.

#####

Nagmulat mata ko at napansing nakaub ob parin ako sa upuan. Tumayo ako at tiningan kung anong oras na.

"7pm?!" gulat na saad ko pero wala akong pakialam.

Kumuha lang ako ng baso at nilagyan iyon ng fresh milk.

Habang nainom ako ng fresh milk ay tumutulo nanaman luha ko... tuwing umaga, maaga s'yang napunta para ipaghanda ako ng agahan at pagkakagising ko ay ang bubungad sa'kin ay si Kris na may hawak na fresh milk at iaalok nya sa'kin yun.

Hindi ko alam pero kusang itinapon ng kamay ko ung baso sa sahig. Napatakbo ako sa kwarto kaso naapakan ko ung bubog na tumalsik. Kahit masakit ay tinanggal ko lang yun at dumapa ako sa kama para umiyak.

Masakit ung paa ko pero mas masakit ung puso ko. Naiyak lang ako hanggang sa muling makatulog.

#####

"Solemn?!" rinig ko at ramdam ko ang pag angat ng katawan ko at muling pagbaba ngunit pahiga na.

"What the fuck did you do?!" rinig kong sigaw n'ya kaya minulat ko mata ko.

"Kris?" tawag ko rito at pinitik nito ilong ko.

"It's Klyde, your brother, stupid. Si Kris ba may kasalanan kung bat ka nagkakaganito?" tanong neto habang nililinis ung sugat ko sa paa.

"Kuya.. He broke up with me.." hagulhol ko at niyakap ang stuff toy na bigay ni Kris.

"Huh? How?" tanong neto kaya binato ko sakanya yung stuff toy.

"Tinatanong pa ba yun?!" pasigaw na tanong ko at nagbuntong hininga lamang s'ya.

"Bata ka pa naman." sabi neto habang binabalot ang paa ko.

"Bata?! Lakas mo magsalita eh isang taon lang tanda mo sakin!" bulyaw ko pero ramdam ko ang panghihina.

"Uwi ka muna sa Bahay," sabi neto at itinayo ako. Bago pa makaisang hakbang ay naramdaman ko ang panghihina kaya napakapit ako kay kuya.

"Are you okay?" alalang tanong neto at inantabayanan ako para hindi matumba.

"Mukha bakong okay?" tanong ko at nagkaroon pa ng lakas para irapan s'ya.

"Kumakain ka ba?!" gulantang neto at umiling lang ako. Napamura s'ya at inalalayan ako pero ramdam ko ang pagbigay ng mga binti ko.

Nagdilim paningin ko at ramdam ang pagbagsak sa bisig ng kapatid ko.

"You stupid little girl," rinig kong saad neto bago tuluyang mawalan ako ng malay.

Kris, I miss you already... I miss us..

==========

Vote °^° Comment °^° Follow

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon