Chapter 12 Part 2

8 4 2
                                    

Solemn's POV

Papunta sa orphanage... Nagtaka ako kung bakit parang alam n'ya ung daan papunta roon.

"Bakit parang alam mo yung daan papunta sa orphanage?" tanong ko dito.

"Sinama niyo ako doon dati nung may event kayo remember?" sagot nito sa akin nang hindi tumitingin sa akin.

"Ah, okay," sabi ko na lamang dito. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating na kami sa orphanage. Napansin ko namang madilim na at patay na ang mga ilaw sa loob.

"Hala Charmelle, wala yata sila. Baka umalis," sabi ko rito.

"Hintayin na lang natin sila, baka pauwi na rin yun," sagot nito sa akin at hinila ako papasok.

"O, bukas yung pinto?" takang tanong ko. Nagkibit balikat na lang ito at patuloy akong hinila.

"Ate Solemn!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

Eraine? Si Eraine ba yun? Akala ko wala sila?

"Oh my gosh! Is that Eraine?" narinig kong sigaw ni Charmelle.

"Yep." I said, popping the 'p'.

"Eraine? Come here,"  I said at tila isang signal ito na pumunta sa akin si Eraine na may dala dalang papel.

"Ate, read this. Nakita ko po sa may bed ko tapos nakalagay naman po name niyo. Baka po for you," sabi nito sa akin. Tumango naman ako and I opened the letter.

Happy birthday lovely girl,
Time is turning like a swirl.
For the present year I give you
What you like and what you want to do.
For now I want you to follow my order,
And that is to follow the yellow flowers,
In order to find your happiness,
And put together the broken pieces.

What is this for? Sino ba 'to?

Napalingon ako kung saan saan hanggang sa may umilaw na lang sa bandang likuran ko at may nakita akong petals ng yellow roses at puzzle pieces na nakakalat sa sahig. Then sa unang piece, may katabi sya na board which I think dun bubuuin ung puzzle.

Sinundan ko na lang ito tulad ng nakalagay sa sulat at binuo ang puzzle hanggang sa makarating ako sa bakuran ng orphanage na sobrang dilim. Pero I'm still able to see the surroundings. Kaso ung malapit lang sakin.

Tiningnan ko naman ang puzzle at nakita kong may direksyon itong itinuro ngunit pag punta ko roon ay nanatiling madilim ang lugar.

(Play the song above)

"May tao ba dito?" tanong ko sa sarili ko.

Nagmasid muna ako ng dahan dahan dahil baka may madali ako sa dilim hanggang biglang lumiwanag ang paligid at nakita kong kumakanta si Lander sa gitna.

I might never be your knight in shining armor

And as he sang the first line of my favorite song, I smiled at him and my tears started rolling down my cheeks, causing him to have a surprised look on his face. Kitang kita ang pagkagulat niya maging ang kapatid ko at ang matalik kong kaibigan.

Ngunit patuloy lang sa pagkanta ang lalaking minamahal ko sa harapan ko. I know he has a good voice, because he is a member of a small band in our community.

‘Cause I’m not good at making promises.

He started walking slowly, with his hand on his back, smiling widely at me. He’s happy, that’s for sure. I am too. Masaya ako. Masaya akong hindi ko kailangang habulin ang taong mahal ko.

Masaya akong nakilala ko ang taong mamahalin ko ng mas maaga, maaga na sapat na para makilala ang isa’t isa, maaga na sapat na para may mabuong koneksyon sa aming dalawa at higit sa lahat, maaga na sapat na para mahalin namin ang isa’t isa.

Baby, I’m perfect for you.

Sabay ko sa pagkanta niya. It was the first song we jammed into. Simula nang matuto akong magplay ng piano, naging bonding na namin yun.

If you like to do whatever you’ve been dreaming about
Baby, you’re perfect
So let’s start right now

We sang the last lines and he gave me a bouquet right after. I can hear his breathing from the speakers because his mic is still near his mouth.

“Happy birthday, Solemn,” pagbati nito sa akin. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at nagpasalamat sa kanya. Tiningnan ko ang kabuuan ng venue at nakita kong nakangiti sa akin sina Charmelle, Kuya Klyde, mga magulang ko at iba ko pang kaibigan. Tumakbo naman papalapit sa akin si Charmelle habang sumisigaw.

“Happy birthday bestie! Nasurprise ka ba?” tanong nito at tumawa pagkayapos sa akin.

“Heh! Tumigil ka nga, kinabahan nga ako kasi bigla kang nawala,” sagot ko na medyo naiiyak na natatawa dito ngunit tinawanan lang ako nito kasama si Kuya Klyde na nasa tabi ko na pala.

“Happy birthday, princess,” sabi nito sa akin. Niyapos ko lamang ito nagpasalamat.

“Thank you Kuya! Love you!” sagot ko at humiwalay dito, hinarap ko naman ang parents ko

“Mom, Dad,” tawag ko dito at ngumiti dahilan para ngumiti din ang mga ito.

“Salamat po Mom, Dad. Akala ko kanina basta niyo lang ako binati eh,” sagot ko dito at ngumuso.

“Hay nako, kami pa bang parents mo? And don’t thank us, si Lander. Siya ang nagplano ng lahat ng ito. Go, puntahan mo na siya, dito lang kami,” sabi sa'kin ni Mom. Niyapos ko na lamang sila ni Dad at tumakbo papunta kay Lander.

“Lander!” sigaw ko dito nang medyo malapit na ako sa kanya.

“Oh? Miss mo na agad ako?” pang-aasar nito sa akin at tumawa.

“Tumigil ka nga!” saway ko dito at hinampas.

“Aray! Hindi na nga, bakit ba?” tanong nito.

“Salamat,” sabi ko dito habang pinipigilan ang ngiti.

“Salamat? Para saan?” takang tanong nito.

“Nalaman ko kina Mama na ikaw may pakana nito, kaya thank you,” sabi ko at tsaka ngumiti.

“Hug?” nakangiting tanong nito sa akin habang nakabuka ang mga braso.

“Eto na nga,” sabi ko at niyapos siya.

Habang yapos yapos ko siya ay may pamilyar na lalaki akong nakita sa may sulok ng venue. Nakangiti ito sa akin.

“Happy birthday,” bati nito na di ko man narinig ang boses nya ay nabasa ko naman sa bibig nya habang nakangiti at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata.

“Thank you,” bulong ko sa hangin. Nakita ko namang tumalikod na ito at umalis. Naramdaman ko pagkirot ng puso ko.

Kris, masaya ako pero masaya ka ba talaga?

=====

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon