Chapter 11

13 4 4
                                    

Solemn's POV

Tatlong araw na mula noong sinabi niyang liligawan niya ako pero parang wala namang nangyari. He won't come to our house mula nung kinausap siya nina kuya at daddy.

I haven't messaged him, too. Pero ngayon sa tingin ko ay kailangan ko na siyang itext dahil kinakabahan na ako sa hindi niya pagpaparamdam sa akin. I was typing my message ng may narinig akong kumatok sa pinto.

"Princess, may bisita ka," narinig ko ang boses ni mommy. Bigla akong umupo mula sa aking pagkakahiga sa kama at binuksan ang pinto.

"Sino po?" kunot noong tanong ko.

"Sino pa ba? Di ang manliligaw mo," bored na sagot ni kuya sa likuran ni mommy. Napansin ko pa ang pag-irap nito.

Napatawa naman ako, "Ang bitter mo kuya, gutom na ako Ma."

"Sakto nga ang dating ng hayop na yan, makikikain lang yata," sagot na naman ni kuya, palibhasa hindi makaamin dun sa bestfriend n'ya eh.

"Wag ka ngang ganyan Klyde, tara na at kakain na rin naman tayo. May dala ring pagkain si Lander," sagot ni mommy at umuna na. Sumunod na rin naman kami agad ni kuya pababa.

Nakita ko namang nakaabang si Ku-- este Lander sa baba at pinigilan naman ako ni Kuya Klyde sa braso.

"Wag ka munang lalapit dyan, matapos hindi magparamdam dadating dating," pigil ni kuya na nasundan na naman ng pag-irap. Narinig ko naman ang tawa ni Lander at ni mommy sa baba.

"Ikaw ba ang nililigawan ha? Bitter mo, meron ka ba?" sabi ni Lander at lalong napatawa si mommy at napasama na rin ako. Umiling na lang sa amin si Kuya at bumaba na. Sumunod naman ako at agad akong nilapitan ni Lander.

"Sorry ngayon lang ako nakapunta, may ginawa kasi ako," sabi niya sakin. Napairap naman ako at hindi na lang umimik sa kanya, gutom na kasi talaga ako.

"Tampo ka agad? 'Di pa nga ako nanliligaw," sabi nito at akmang yayapusin ako pero nakalayo ako.

"Tumigil ka nga, landi mo. 'Di ka pa naman sinasagot. Gutom na ako bilisan mo," sabi ko at umuna na lang.

"May dala pa naman akong cheesecake, yung paborito mo. Tara na nga," narinig ko ang pagbuntong hininga niya at nagpunta na rin sa hapag. Ako naman ay umaliwalas ang mukha at parang tangang nakangiti sa kawalan.

"Hoy babae akala ko gutom ka na? Mamaya ka na ngumiti dyan, gutom na din kami," dinig ko na naman ang pag-epal ni Kuya at pagtawa nina mommy. Naramdaman ko naman na nag-init ang pisngi ko at namula dahil sa kahihiyan.

"Bwisit ka Kuya!" sigaw ko at padabog na umupo sa upuan.

Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan lang kami sa mga nangyari noong mga nakaraang linggo, mula noong naghiwalay kami ni Kris at ang pagsabi sa akin ni Lander na liligawan niya ako. Hanggang sa napunta na kay kuya ang usapan.

"Baka naman ang panganay ko ay may nililigawan na? Ang dalas mong mawala sa bahay ah, Klyde? May nililigawan ka nga ba?" nagbibirong tanong ni mommy kay Kuya at sumabat naman agad kami ni Lander dahil sa amin din siya madalas magkwento.

"Nako Tita sinabi niyo pa! Nagpasama pa yan sakin pagbili ng pagkain para daw sa lunch date kuno nila!" sabi ni Lander na nasundan naman ng halakhak namin.

"Oo nga Ma! Kaso basted yata, may pagsusumbong at pagtawag sa akin kasi daw may ibang gusto yung mahal niya," sabi ko at tumawa ulit.

"Sino ba yang nililigawan mo ha, Klyde?" usisa ni mommy kay kuya.

"Si Ate Jul--" naputol ang sasabihin namin ni Lander nang batuhin kami ni Kuya na mukhang naiiyamot na ng tinapay na nasa bandang likuran niya.

"Tumahimik nga kayo! Ang dadaldal niyo! Ma wag kang maniwala sa mga yan!" sigaw ni Kuya sa amin.

"Asus, ang anak ko binata na, naglilihim na," pang-aasar ni mommy kay Kuya.

"Ewan ko sayo Ma! Ang kukulit niyo!" hindi na pinansin ni Kuya ang pagtawa namin at kumain na lang. Nanatiling tahimik ang hapag nang biglang tanungin ni mommy si Lander.

"Lander hijo, bakit ka nga ba nawala ng tatlong araw? Ano bang ginawa mo?" pag-uusisa ni mommy kay Lander. Nakita ko namang medyo nabigla si Lander sa tanong ni mommy sa kanya.

"Ah, yun po ba Tita? Inaral ko po kasing magluto kahit yung mga paborito lang ni Solemn, ako po naggawa nung cheesecake na dala ko," sagot ni Lander na nakapagpangiti sa amin ni mommy.

"Tss. Ang harot," rinig naming bulong ni kuya pero hindi na lang namin ito pinansin dahil halata naman sa pinipigilan niyang ngiti na natuwa ito sa ginawa ni Lander.

"Ah ganun ba?" nasabi na lang ni mommy at tumango na lang si Lander ng nakangiti.

Natapos na kaming kumain at naupo na lang ako sa isa sa mga sofa sa sala at nanonood ng movie sa netflix sa aming tv nang bigla akong tanungin ni Lander kung may gagawin pa ako, sinagot ko naman siya ng wala kaya pinagbihis niya ako at pinagpaalam kina mommy at kuya dahil nasa trabaho naman si daddy.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na papasok na sa sasakyan nito.

"Saan tayo pupunta at bakit hindi mo na dinadala ang motor mo?" tanong ko sa kanya.

"Basta. It's a surprise, tapos hindi ko naman dinala yung motor ko kasi may cheesecake akong dala kanina," pagsagot nito sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang tumahimik.

Nabigla na lang ako nang biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang hindi gaanong kalaki na building.

"Nandito na tayo?" takang tanong ko, tumango lamang siya bilang sagot sa akin. Taray naman nito, siya naman ang nangliligaw.

Pinagbuksan kami ng guard ng pinto at umuna ako ng pasok sa kanya. Ngunit nabigla na lang ako sa nakalagay sa gitna ng function room na pinasukan namin.

"Oh my... oh my gosh, seryoso ba 'to?" Masaya na tanong ko kay Lander na may halong pagkabigla. Humarap naman ako sa kanya na nakangiti na pala sa akin.

"Yes, and welcome sa launching ng panibago mong published book," masaya nitong sabi sa akin.

Napayapos ako sa kanya ngunit nabigla ako sa taong nakita ko sa labas na pilit ngumingiti habang may mga luha sa mata.

=====

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon