Chapter 7

28 14 8
                                    

Solemn's POV

Pagkalabas namin sa sinehan ay tahimik pa rin ako. Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kanina.

Ang gaga gaga ko kasi nakakainis pero nabigla talaga ako sa paghalik ko sa pisnge ni Kuya Lander kanina. Hindi ko naman talaga sinasadya pero nadala na lang ako sa feelings ko at parang may sariling isip yung katawan ko kaya ko nagawa yun.

"Ang tahimik mo naman, naalala mo yung kiss? Sabi na eh may lihim kang pagnanasa sa akin dati pa," biro niya at tumawa.

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko at pag-iba ng tibok ng puso ko ngunit nagpanggap akong wala lang at hinampas siya sa braso.

"Grabe ha, Kuya! Hindi kaya! Assuming mo!" medyo inis kong sabi.

Nakita ko namang may dumaan na hindi ko masabing pakiramdam sa mga mata niya at ngumiti na lang siya pero hindi umabot sa mga mata niya.

"Aray ha, ang sakit!" sabi niya pero parang hindi naman siya nasaktan sa hampas ko.

"Ang hina hina nga ng hampas ko sayo!" pasigaw na depensa ko.

"Hindi naman ako dun nasaktan eh."

May narinig na naman akong binulong niya pero noong tinanong ko ay talagang masakit lang daw akong manghampas, sumang-ayon na lang ako kahit alam kong hindi naman siya nasaktan doon.

"Saan mo naman gustong pumunta?" tanong na lang nito sa akin.

"Tinatamad na ako dito sa mall Kuya, punta na lang tayo sa park dyan sa malapit," sagot ko.

"Sige. Maglakad na lang tayo, malapit lang naman."

Shit. Dagdag kahihiyan nakakainis. Tatahimik na lang ako, sandaling lakad lang naman siguro yun diba?

"Sige Kuya."

Habang naglalakad kami ay hindi ko alam kung bakit parang may kung anong koneksyon na nagpapakaba sakin.

Ang awkward sa pakiramdam pero hinayaan ko nalang hanggang sa binasag n'ya ang katahimikan.

"So, bakit ang tahimik mo?" usisa sa akin ni Kuya pagkalabas namin sa mall.

Kinabahan naman ako bigla, "A-ah wala Kuya, may iniisip lang."

"Is it about Kris? Did he sent you a message or something?" tanong niya muli.

Buti nga sana kung kay Kris lang kasi mas maiintindihan ko pa, pero ung nararamdaman ko ngayon para akong-- nauubusan ng hangin habang magkasama kami.

Pero hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ito nangyayare sakin noon kasi wala talagang malisya. Pero simula nung kanina na-- ayoko na waaaaaaaaaaaa skjskjskjkskjs

"It doesn't concern him, Kuya. Hindi ko na rin siya masyadong naiisip," sinagot ko na lamang ang tanong nya at napaisip rin sa sinabi ko.

Come to think of it, hindi ko na nga siya naiisip masyado, parang nasanay na akong si Kuya Lander ang lagi kong kasama at hindi si Kris mula nung magpunta kami sa orphanage.

Sa kanya na ako malimit magkwento at hindi ko na masyadong hinahanap ang presensya ni Kris kagaya ng dati.

And I'm thankful na nandyan si Kuya Lander as my other brother except kay Kuya Klyde.

"Really, huh?" paninigurado niya.

"Yes, Kuya."

"So anong iniisip mo kung hindi tungkol kay Kris ito?" pagtatanong ulit niya.

"It's nothing, Kuya. Nandito na pala tayo sa park oh," pag-iiba ko ng topic.

"Nice try in changing the topic, but I won't let you. Ano nga ang iniisip mo kanina pa mula paglabas natin sa sinehan?" pakiramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko. Kanina pa pala niya napansin.

"Wala nga kasi eh," nasabi ko na lang.

"Are you sure?" he asked me again at medyo naiilang na'ko.

"Yes, very sure," hindi ko kasi masabing tungkol yun sa pagkiss ko sa cheeks niya kanina. Hindi ko naman kasi siya kadugo kaya nahihiya ako.

Bakit kasi kiniss ko siya sa cheeks kanina?

"So it was about the kiss on the cheeks kanina," biglang sabi ni Kuya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. Nasabi ko ba ng malakas?

"You just said it. Kinakausap mo yung sarili mo kanina," he blurted out.

Naramdaman ko namang lalong uminit ang pisngi ko at sigurado akong ang pula pula ko na ngayon. Hindi na lang ako nagsalita at tumahimik.

"So what's the deal? Ayos lang yun. It's not like hindi mo kinikiss si Klyde sa cheeks at kuya mo naman kami," hindi ko alam kung bakit may narinig akong pait sa paraan ng pagkakasabi niya.

Nako, masyado na akong nagpapadala sa mga pang-aasar ni Charmelle.

"Kuya may tanong ako," pag-iiba ko ulit ng topic. Sana gumana.

"Ano yon?" tanong naman niya. Nakaramdam naman ako ng tuwa.

"Si Charmelle ba yung 'Andi' na kausap mo sa phone nung iginala mo ako?" nagtatakang tanong ko.

"Yung Andi? Oo, si Charmelle yun, bakit?" sagot nya.

"Wala lang kuya, bakit pala Andi?" Tanong ko pa rin kahit nasasaktan ako ng hindi ko nalalaman.

"Charmelle Xandra. Kinuha lang namin sa Xandra. Tsaka kaya Andi ay wala kang kilalang Andi ang pangalan, para rin masurprise ka," paliwanag niya.

"Kasabwat ka nila dun?" manghang tanong ko.

"Oo. Hindi ka naman nila papayagan na lumabas ng bahay ng dis oras ng gabi," dugtong niya.

Kaya pala pinayagan nila akong abutin ng hatinggabi nun.

"Ah. Okay," sagot ko na lang dahil wala akong masabi.

"Ang tahimik mo, may problema ka pa ba bukod kay Kris?" tanong na naman niya.

"Wala, Kuya."

"Eh? Ngiti ka nga," pagpapangiti niya sakin.

Ngumiti ako kahit alam kong peke ito.

"Hindi naman umabot sa mata mo yang ngiti mo eh," sabi niya.

"Kasi kuya I think I'm---" naputol ang sasabihin ko ng may tumiling babae.

"Omg! Lander? Kyaaaah!" sigaw nito.

"Oh, kilala niyo ako?" tanong niya sa mga ito.

"Yes! Kilala ka namin! I like you, Lander!" sabay sabay na sigaw ng mga babae.

"Sorry, but i love someone else," sagot niya sa mga ito.

Ang dami pala naming may gusto sa kanya tapos may mahal pa siya, ano namang ipapalag ko dun sa taong mahal niya?

=======

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon