Chapter 8

15 5 5
                                    

Solemn's POV

Ang dami pala naming may gusto sa kanya tapos may mahal pa siya. Ano nga namang laban ko sa taong mahal niya diba?

Napalingon ako sa babae sa isang gilid ko dahil sa sinabi niya. Then parang may naramdaman akong kirot sa bandang dibdib ko kaya hinampas ang bandang dibdib ko.

"Hoy, anong ginagawa mo? Okay ka lang? Nababaliw ka na naman, sinasaktan mo ang sarili mo na'ko," puna sa akin ni Kuya Lander.

Ay loka, katabi ko na pala siya, akala ko kasi nandun pa siya sa mga babae niya.

"Tsaka bat ka ba umalis? Kinausap ko lang yung mga babae dun," tanong niya ulit sa akin.

"Eh kasi po may gusto akong tingnan, busy ka pa ata," hindi ko alam kung bakit pero nagagalit ako sa kanya.

Bawat "po" ko ay may pagdiin. Hindi ko alam kung bat bigla akong nagkakaganito.

"Ikaw naman ang ikli ng pasensya. Sorry na. Uy, selos siya," asar niya at tumawa.

Hinampas ko naman siya agad. Natahimik ako.

Selos ako? Hindi naman ah.

Pero bakit hindi mo itinanggi?

"Hindi nga sabi!" biglang sigaw ko.

"Solemn? Sinong kaaway mo? Bakit ka sumisigaw?" naguguluhang tanong niya, "May problema ka ba? Kanina ko pa napapansing may iba sayo."

"Wala Kuya, uwi na tayo. I'm tired," sabi ko na lang dahil hindi ko na maatim na makasama pa siya kung masasaktan lang ako lalo.

"Ayaw mo na tingnan yung sinabi mong gusto mo?" tanong niya muli.

Umiling ako at bumulong sa sarili ko.

Ginawa ko lang naman yun para mapansin mong kasama mo pa ako.

"May sinabi ka? Bakit bumubulong ka dyan?" Tanong nito sa akin.

Umiling na lang ako muli at umuna na sa paglalakad pabalik sa parking ng mall na pinanggalingan namin kanina.

Tahimik lang ako habang naglalakad hanggang sa naramdaman ko na may umakbay sa akin at sumabay sa paglalakad ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Gulat naman akong napalingon dito. Nakita kong si Kuya Lander lang naman ito.

Nagtataka ako dahil naramdaman ko ito noon kay Kris kaya bakit nararamdaman ko ito ngayon kay Kuya? Siguro namimiss ko lang si Kris.

Tama. Namimiss ko lang si Kris.

Pagkarating namin sa may sasakyan ni Kuya ay binuksan na niya ang pinto ng passenger's seat para maupo ako at umikot naman ito papunta sa kabila para sumakay sa driver's seat.

Habang nasa byahe kami ay nagulat ako ng lumiko si Kuya sa intersection dahil deretso lang naman and daan pauwi sa amin.

"Kuya akala ko ba uuwi na tayo?" medyo naguguluhang tanong ko.

"May pupuntahan pa tayo, hindi pa tayo uuwi," maikling sagot niya sa akin.

"Kuya uuwi na nga ako! Ano ba!" sigaw ko sa kanya sa loob ng sasakyan.

Itinigil niya ang sasakyan sa gilid at may nakita akong mga puno sa tabi.

"Ano bang problema mo? Ganyan mo ba talaga ako kaayaw kasama?! Ako kasi gusto pa kitang makasama!" sigaw rin niya sa akin at halatang naiirita na rin siya.

Nagulat naman ako sa huli niyang sinabi at nakita ko namang nagulat din siya sa nasabi niya.

Lumabas na lang ako ng sasakyan dahil inis at pagkabigla na nararamdaman ko ngayon.

Narinig ko namang sumara ang pinto ng sasakyan at may mga tunog ng paghakbang sa likod ko. Dire deretso akong naglakad.

Medyo humina rin ang mga tunog ng hakbang sa likod ko kaya sa tingin ko ay tumigil ito sa pagsunod sa akin.

Lumingon ako sa paligid at siniguradong wala nang nakasunod sa akin nang makita kong nakatingin lang siya sa akin at may naguguluhang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko ito pinansin at naupo na lang sa damuhan.

"Bakit ba ginugulo mo ang isip ko? Bakit mo rin ginugulo ang puso ko? Hindi ba dapat si Kris lang ang laman nito?" naluluhang bulong ko sa sarili ko.

Tahimik lang akong umiyak hanggang sa naramdaman kong may naupo sa tabi ko at hinagod ang likod ko. Napatigil ako ng maamoy ko ang pamilyar niyang amoy.

"I'm sorry, nabigla lang ako kanina. I didn't mean to shout at you," sabi niya ng may halong pagsisisi. Tumahimik ako at nag-isip.

"Hey, galit ka pa? I'm sorry. I really am. Please stop crying. Ano bang gagawin ko para patunayan yun?" pilit niya pa rin akong kinakausap.

"Nothing, Kuya. But I do have a question, will you answer it?" tanong ko sa kanya.

"Sure. Though you're already asking a question," tanging sagot niya at pilit na tumawa bago ako harapin.

"Kuya, I'm not kidding," seryosong sabi ko habang pakiramdam ko ay nababasa na ulit ang mga mata ko.

"I was just trying to make you smile but it didn't work. So, ano yung tanong mo?" he tried smiling but failed.

"I think it's nothing important pero... the last words that you said, totoo ba yun?" tanong ko sa kanya habang humihikbi at kinakabahan sa magiging sagot niya.

I don't know pero gusto kong marinig ang pag-oo niya. I want to hear his yes and a confirmation of his statement.

"Ah that? Yes, that's true," pagkumpirma niya sa sinabi ko. Natahimik akong muli, hindi ko alam kung bakit, kung sa tuwa ba o pagkabigla, hanggang sa nagsalita siyang muli.

"Looks like I'm caught. I think you know why," sabi nito.

"No, I really don't. Would you tell me why? Sabihin mo sa akin," sabi ko sa kanya.

"Will things stay the same after this?" tanong neto na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Yes, kahit ano pa yan," ngiti ko pero bakas sa mukha ko ang pagkagulo.

"Really? Yan ba ang iniisip mo? Because for me, I think not," malungkot na sabi niya.

"The reason bakit ko nasabi yun? It's been years Solemn, It's been years mula nung nakilala kita and I still feel the same feeling towards you..." dugtong nito.

"What feeling, Kuya? You're like a sibling to me diba, Ku--" naputol ang pagsasalita ko nang bigla itong sumigaw at tumayo.

"Bullshit! Stop calling me kuya will you?!" sigaw nito sa akin.

"W-why? You're my--" sumigaw itong muli sa akin at hindi ko inaasahan ang mga katagang sasabihin nito sa akin.

"I love you, Solemn! That's why!"

"W-what did you say?"

Mahal niya ako? He's referring to me kanina?

"I love you," pag-ulit nya.

"U-uwi na t-tayo," utal na sabi ko.

Pagkauwi ko ay dumeretso ako sa kwarto at tinawagan si Charmelle.

"Hello? Kamusta? Masaya ba?" sabi nito pagkasagot ng tawag ngunit sinagot ko lang ito ng mga hikbi.

"Oh my gosh! Bakit ka naiyak?! Anong nangyari?!" nagpapanic na sigaw nito.

"P-please come h-here, I need a f-friend," nauutal na sabi ko at pinatay ang tawag.

Nahiga naman ako sa kama muna at pinigilan ang pagtulo ng luha ko.

Narinig ko namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, nandito na agad si Charmelle? That fast?

Tumayo agad ako para buksan ang pinto, not minding what I look like kasi si Charmelle lang naman 'to.

I opened the door and shock was written on my face as I saw the person standing in front of me.

"Kris? What the hell are you doing here?"

======

Hope you can support my story "Perfectly not a Perfect You & Me"

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon