Chapter 4

33 25 2
                                    

Solemn's POV

"Sige, hija, hijo, mag-iingat kayo. Salamat sa pagbisita," Sabi sa amin ni sister noong nagpaalam kami dahil paalis na kami, may pupuntahan pa daw kami ni Kuya Lander.

"Eraine, alis na ako ha," paalam ko kay Eraine. Nakita ko naman sa mga mata niya na nalungkot siya.

"Babalik po ba kayo?" nakasimangot na tanong niya. I smiled, "Oo naman, babalik ako. Bibisitahin kita."

Nakita ko namang napangiti siya, "Promise mo po yan ate ha. Pinky promise?" sabi niya bago itinaas ang kanyang pinky finger.

My smile faded, Kris and I used to do this. Bago nagkagulo ang lahat. I smiled at Eraine, habang nakikita kong nag-eexpect siyang makakabisita ulit ako.

I raised my pinky finger too and locked it with hers, "Pinky promise."

"Yay! Sige po ate, mag-iingat po kayo," masayang banggit nito.

"Ikaw rin, magpakabait din kayo kay sister," huling sabi ko at lumapit na kay Kuya Lander.

"Ang saya mo ha, hindi mo na nga ako pinapansin kanina." Naglolokong sabi nito at sumimangot pa.

"Arte mo Kuya, tumigil ka nga. Minsan ko lang makita yung mga bata eh," sabi ko at umirap. Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Tara na? May pupuntahan pa tayo," yaya ni Kuya.

"Pero gabi na ah?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala, ipinagpaalam kita," sabi ni Kuya.

Nagtaka lang ako kasi hindi naman ako pinapayagang magpagabi kapag lalaki ang kasama.

Ano kayang sinabi ni Kuya? Nagring naman ang cellphone niya pero hindi ko nakita yung pangalan ng kausap niya.

"Hello Andi? Nandyan ka na? Sige, mabilis lang kami," yun lang ang sinabi niya sa kausap niya at ibinaba ang tawag.

"Andi? Sino yun Kuya? Wala kang pinapakilalang Andi sakin ah?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

He chuckled, "You'll see." sabi niya at ngumiti. Pinagbuksan rin niya ako ng pinto sa passenger seat at saka umikot para sumakay sa driver's seat.

"Asan yung motor mo? Sino nagdala ng sasakyan mo dito?" takang tanong ko sakanya.

"Dumaan dito si Klyde," sagot nya kaya humarap nalang ako sa bintana at nagmasid, napahikab naman ako at mukhang napansin yun ni Kuya Lander dahil napasulyap siya sa akin.

"Inaantok ka na ba? Ibaba mo muna yang back rest ng upuan mo tapos may unan dyan sa back seat. Medyo matagal pa tayo," sabi niya habang nakatingin sa daan at nagmamaneho.

"Hmm... wag na, baka antukin ka rin Kuya, maaksidente pa tayo," sagot ko naman at humalakhak.

"Wala ka palang tiwala sa skills ko," simangot neto kaya napatawa ako ng mahina pero di ko pinahalata.

"Arte mo. Mabilis ka po kasing mahawahan ng antok. Bahala ka nga," kunwaring inis na sabi ko.

"Tampo ka na niyan? Uy, tampo baby ko," pang-aasar niya.

"Kuya, di na ako sanggol, tumigil ka nga," pagpigil ko sa kanya.

"Hindi ka rin naman akin."

"Ano, Kuya?" tanong ko sa kanya kasi may ibinulong siya at hindi ko naintindihan.

"Ha? Wala," sabi niya.

Pinagmasdan ko na lamang ang mga daanan hanggang sa makarating kami sa isang open field malapit sa subdivision kung saan kami nakatira.

"Kuya, anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko.

"Star-gazing. May meteor shower din mamayang twelve midnight pero dahil eleven pm pa lang naman ay may ipapagawa ako sayo," sabi niya at hinigit ako sa bandang gitna ng field.

"Kuya, kailangan ba dito talaga sa gitna?" I asked.

"It's much better kung sa gitna ka ng field. Now, I want you to shout," sagot niya.

"Shout? Why?" naguguluhang tanong ko.

"Shout. Lahat ng nararamdaman mo. Lahat ng hinanakit mo. Lahat ng galit mo. Ilabas mo. I promise, mas gagaan ang loob mo," paliwanag niya.

"As in right now? You want me to shout?" I asked him again.

"Yes. Don't worry, hindi kita pipigilan. Lumapit ka sa akin pag tapos ka na, may ihahanda lang ako. Shout. Hanggang sa ayaw mo na. Go," sagot niya naman at nag-umpisa na akong sumigaw.

"Tangina mo Kris!" una kong sigaw na nasundan pa ng iba.

"Pero kahit isa kang dakilang tangina mahal pa din kita!" sigaw kong muli at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko na walang kaubos ubos.

"I hate you pero kahit kinasusuklaman na kita ikaw pa rin!" sigaw ko habang umiiyak at napaluhod na sa sakit.

"Kaya ko maghintay pero hindi pwedeng magpapakatanga na naman ako dahil lang sinabi mo!" pilit kong sigaw dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ako.

"For the last time, I love you Kris! At kakalimutan ko na lahat ng nararamdaman ko sayo..." halos pabulong na sabi ko at napatingin sa gawi ni Kuya Lander na nakatingin lang sa'kin at may kumikinang sa ilalim na parte ng mga mata niya at tumuloy na lang pag-aayos ng kumot na inilalatag niya sa damuhan.

"K-kuya..." mahinang tawag ko sa kanya.

"You done?" tanong niya sa akin.

Tumango na lamang ako bilang sagot at tumakbo papalapit sa kanya upang yumakap. Naramdaman kong bahagya siyang natigilan ngunit yumakap din pabalik at hinagod ang buhok ko.

"Magpahinga ka muna. Alam kong napagod ka kaiiyak mo, malapit na rin namang mag-umpisa ang meteor shower," bilin niya sa akin.

Nagpahinga ako sandali at nung napatingala ako ay nag-umpisa na ang meteor shower. Pumikit ako sandali at humiling.

Sana makalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Kris.

Pagkamulat ko ay nakita kong nakatingin sakin si Kuya Lander.

"Tapos ka na? Anong wish mo?" tanong ko.

"Secret. Sana nga magkatotoo," malungkot na sabi nito, "Tara na?" yaya niya sakin.

"Aalis na tayo?" tinanong ko siya at tumango na lang ito bilang sagot at umuna na sa sasakyan.

Nang mapansin kong pamilyar na ang mga daan na tinatahak namin ay nagtaka ako dahil akala ko ay may pupuntahan pa kami.

"Kuya akala ko may pupuntahan pa tayo?" naguguluhang tanong ko.

"Wala naman akong sinabi," sabi na lang nito sa akin.

Pagkarating namin sa bahay ay patay ang mga ilaw dahil nga gabi na. Pero nagulat na lang ako ng nagbukas ang mga ito at nasa gitna ang matalik kong kaibigan na nakangiti sa akin.

"Charmelle? Nakauwi ka na?" masaya pero naguguluhang tanong ko. Pero bahagyang nanlaki mata ko dahil sa sinagot nya sakin.

"Yes, my dear bestfriend. At marami kang DAPAT ikwento sa akin."

Paktay na.

======

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon