Chapter 17

6 3 0
                                    

Solemn's POV

Magkasama kami ni Charmelle ngayon sa mall para daw mabawasan yung init ng ulo ko sa mga sinabi ni Lander sa'kin noong nakaraang linggo. Hanggang ngayon ay hindi ko s'ya kinikibo.

Nakita ko si Kuya Klyde, "Hoy sundan natin si Kuya Klyde oh, baka makikipagkita kay Ate Julia hehe," sabi ko dahil tuwang tuwa ako sa dalwang yon.

"Nasaan?" tanong n'ya at itinuro ko sakanya. Agad naman n'yang hinigit kamay ko para sundan si Kuya.

Pagpasok ni Kuya Klyde sa isang kainan, agad kong hinigit si Charmelle palayo. "Bakit ba? Sabi mo sundan natin ta's ngayon---"

"Si Baekhyun oh," turo ko sakanya dahil napansin ko yung jowa n'ya sa arcade.

"Oo nga noh, saglet lang puntahan ko lang," kinikilig na sabi n'ya at pagkalayo n'ya sa'kin ay agad akong pumasok sa restaurant na pinuntahan ni Kuya. Naupo ako sa isang sulok malapit sakanila.

Habang nakain ako ay nakikinig ako sakanila at nabigla ako sa mga narinig ko kaya nabilaukan ako at agad na nagbayad dahil muntik na nila ako mapansin. Paglabas ko ay nakita ko si Lander kaya hindi ako dumiretso don, paglingon ko naman ay nabangga ako sa lalaki.

"Sorry," sabi ko pero 'di padin ako binibitawan, sinalo kasi n'ya likod ko para 'di matumba, "Ano ba?!" tulak ko sakanya at tumawa s'ya.

"Gago kala mo naman pagnanasaan kita, mandiri ka nga," pagkarinig ko ng boses ay napatingala ako at agad ko tinulak mukha n'ya.

"Kupal ka! Bakit mo kasama si Kris ha?!" kunot noong tanong ko para kunware wala akong alam at piningot n'ya ilong ko.

"Sinabi na kasing masamang nakikinig sa usapan ng iba, Solemn. I guess alam mo na lahat. It's for you to decide, bunso," ngiti sa'kin ni Kuya at ginulo buhok ko. Napabuntong hininga naman ako, "Act like you don't know anything ha?"

"Okay, Kuya."

Pumasok ako sa loob ng restaurant dahil andun parin s'ya.

Tinap ko likod n'ya at paglingon n'ya ay ngumit ako, "Kamusta? Bakit mo kasama si Kuya Klyde kanina?"

Nakatitig lang s'ya kaya umupo muna ako sa inupuan ni Kuya Klyde kanina.

"Ha? Nagkamustahan lang, ano pala ginagawa mo dito?" tanong n'ya at napaisip rin ako.

Ano nga ba ginagawa ko ngayon dito? Nag-isip nalang ako pwede ko sabihin, "Hmm wala lang nag-iikot kasi kami ni Charmelle kanina then Nakita n'ya jowa n'ya sa arcade na nagtetekken, ayun nawili si gaga kaya iniwan ako konalang at naggala mag-isa, sakto naman nakita ko si Kuya Klyde tas sabi n'ya nagkita kayo."

I hope 'di halatang gumagawa lang akong kwento jusko.

"May gagawin ka pa ba?" tanong nya sakin at naalala ko naman yung mga narinig ko kanina, namuo luha sa mga mata ko pero inalis ko nalang sa isip ko pansamantala..

"Wala naman, ayoko pa nga lang umuwi," sagot ko sakanya at huminga ng malalim bago tumungo.

"Nood tayo cine?" aya nya sa'kin kaya nabaling tingin ko sakanya bago ngumiti ng kusa ung labi ko.

"Pwede ka? Wala ka bang ibang lakad? Showing ngayon yung Frozen 2!" masiglang sagot ko at napangiti s'ya bigla.

"Oo naman, pwede ako basta para sa'yo. Tara?" aya nya at sumunod naman ako sakanya agad.

Naglakad na kami papunta sa cinehan at bumili s'ya ng dalawang tickets, dalwang drinks at isang large popcorn na cheese flavor.

Nginitian nya'ko, yung abot sa mata kaya 'di maiwasang kumirot ng puso ko at nginitian ko din s'ya.

"Sa taas tayo ha," sabi ko nalang at nanguna na para 'di n'ya mapansin na pumatak luha ko, pasimple ko iyong pinunasan habang naakyat.

Napansin kong hinahanap n'ya ako kaya kumaway kaway ako at nakangiti at napansin ko ang sumilay na ngiti sa labi n'ya kahit nasa malayo s'ya.

Nung simula ay natawa tawa ako gawa nung kay Olaf and Samantha sht hahaha~ pero nung part na Nakita ni Elsa yung mga nangyare sa past, yung missing pieces sa buhay nya nagsimula nang pumatak luha ko tapos nawala pa si Olaf pero nung kumanta na si Anna, si Kris na reason kung bakit ako naiyak. Nag-echo yung mga narinig ko kanina sa tenga ko.

"What the fvck, Solemn? Bakit ka naiyak?" nag-aalalang tanong ni Kris at nilingon ko naman s'ya.

"Listen to the song na kinakanta ni Anna. You'll get me," sabi ko at natatawang pinahid luha ko.

I really hate how Disney songs hit me so bad.

"Can there be a day beyond this night?

I don't know anymore what is true

I can't find my direction, I'm all alone

The only star that guided me was you

How to rise from the floor?

But it's not you I'm rising for"

Naramdaman kong nilingon ako ni Kris pero nakafocus lang ako sa panunuod. I hope whatever I heard awhile ago, wala ni isa ang totoo.. sana joke lang tong araw na toh.

"Solemn," He called me.

"Hmm?" tugon ko pero nanunuod parin.

"I felt the song, and I just want you to know that the only star that guided me was you.. so please come back and be the light that never stopped guiding me just like before," seryoso at dire diretsong sabi n'ya at nilingon ko s'ya agad at pinagmasdan ko s'ya. Ni minsan 'di nya ako sinaktan dahil lang ginusto n'ya.

Pero 'di ko alam sa nararamdaman ko ngayon pero parang ang sakit sakit ng mga sinasabi n'ya. Hindi ko alam pero siguro kasi dahil sa ginagawa at sinasabi n'ya ngayon ay nakumpirma ang lahat ng hinala ko na baka totoo mga sinabi n'ya kanina.

"What did you say?" tanong ko sakanya at nagmaang maangan na 'di ko naintindihan mga sinabi n'ya.

"Come back and let me love you again, Solemn," diretsong sabi n'ya.

"Sure," ngiti ko sakanya at tila naguguluhan s'yang napatitig sa'kin.

"Ha?"

"Don't get me wrong ha, 'di ako babalik dahil sinabi mo," sabi ko sakanya.

"Then why? May sinabi ba sa'yo si Kl---"

"I won't come back because you want me back, I will come back because I want us back,"

======

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon