Chapter 19

4 1 0
                                    

Klyde's POV

Hinatid ko sa condo si Solemn matapos namin magdrama at hinintay ko lang s'yang makatulog bago ako umalis. Pero hindi ako dumiretso sa bahay kahit medyo gabi na kasi inayos pa ni Solemn mga gamit n'ya.

Pumunta ako sa hidden falls sa lugar namin. Delikado na kasi madilim na at gubat pa ang dadaanan. Nang makarating ako sa end ng road ay bumaba na ako sa kotse at naglakad papunta sa falls. Rinig ko ang dausdos ng tubig kaya 'di ako maliligaw.

Tambayan namin ito ni Julia nung highschool palang kami pero ngayon kasi may kanya kanya na kaming buhay. May sari-sariling career na pinag-iigihan. Ni minsan, hindi n'ya ako tiningan ng katulad ng mga tingin at ngiti na binibigay n'ya sa boyfriend n'ya ngayon.

This place is so important to me kasi dito ko sya unang nameet. She's so unique. Dito s'ya dumidiretso after class para lang pagmasdan yung pagdausdos ng falls.

Sabi n'ya parang music sa tenga n'ya yung tunog ng tubig at ansarap daw langhapin ng amoy ng hangin dito, I find her weird that time pero I understood her habang pinapagmasdan ang tanawin dito.

Hindi ko alam kung paano ako unang beses napunta dito pero ang alam ko lang ay may sinusundan akong babae and I think si Julia yon.

It was just a dream and I did what I did when I was in my dream kasi hindi ko nakita yung mukha ng girl na sinusundan ko that time and I guessed na si Julia nga iyon. Never thought na mamahalin ko s'ya ng sobrang tagal kahit sobrang sakit na.

Unexpectedly, sa gitna ng pag iisip ko ay may narinig akong hikbi ng babae. Hindi ko alam kung matatakot ba ako or what pero sinundan ko iyon. Napansin kong may babaeng nakatayo sa bato malapit sa falls at tila bumilis tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

"Miss!" sabi ko kaya napalingon s'ya sa'kin at tila gulat s'ya kaya agad akong tumakbo palapit sakanya dahil madudulas s'ya at 'di ako nabigo nang mahawakan ko ang kamay n'ya at nahila ko s'ya papunta sa'kin.

Ramdam ko panginginig ng katawan n'ya.

"What in hell do you think you're doing?!" galit na tanong ko sa dalaga at yakap parin s'ya kasi ramdam kong matutumba s'ya sa sobrang panghihina ng tuhod n'ya, ramdam ko kasing nakatuon na ung bigat n'ya sa braso kong nakakapit sakanya.

"Gago ka ba?! Muntik na ako madulas dahil sa sigaw mo!" galit na saad n'ya habang hinahampas yung dibdib ko pero nanginginig pa rin.

"Bat ka ba kasi nakatayo don?!" bulyaw ko at hinawakan balikat nya para iharap s'ya sakin.

"Klyde?"

Napakunot noo ko nang tawagin n'ya ako sa pangalan ko.

"Do I know you?" tanong ko at huminga s'ya ng malalim bago ngumiti.

"Cheska," sambit n'ya at nanlaki mata ko.

Pinsan s'ya ni Julia.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya at napabuntong hininga s'ya bago naglakad palayo sa akin at naupo sa bato malapit sa puno.

"Some bullshits are happening right now sa buhay ko and I don't know what to do," mahinang saad n'ya na para bang sarili lang n'ya kausap n'ya pero sakto lang para marinig ko.

Lumapit ako sakanya at naupo sa tabi n'ya, "And what were you doing kanina?"

"Crying, obviously," sarkastikong saad n'ya. Kahit kailan talaga ay napakasungit ng babae na 'to.

"Sa dinami dami ng lugar ns dadayuhan mo ng paghagulhol, talagang sa delikadong lugar pa na to? Tsaka isa pa, pano mo nalaman itong lugar na 'to?" mahabang lintanya ko kaya nilingon nyako bigla at pinahid luha n'ya.

"Una sa lahat, tambayan ko tong lugar na 'to mula noong elementary ako at inagaw n'yo ni Julia sakin. Pangalawa, delikado man dito, I still feel safe. At panghuli, this place is my comfort zone," nakatitig na sabi n'ya sa'kin, "Ikaw bakit ka nandito?"

"I miss her," sabi ko habang nakatingin sa kawalan at tumayo para magpunta malapit sa batong tinatayuan n'ya kanina para mas matingan ng malapitan ang falls kaso sobrang dilim na tanging buwan nalang nagbibigay liwanag.

"You still love that girl? Why? Ano ba meron sakanya?" tanong n'ya pero 'di sya lumapit sa'kin sadyang natural na palengkera boses n'ya, sobrang lakas.

"Maybe because naniniwala ako na s'ya yung babae para sa'kin. Want to hear a funny story?" tanong ko at nilingon si Cheska.

"Go on," maikling sagot neto.

"I dreamt about a girl walking through the woods, I was following here pero hindi ko alam kung bakit. And then I just found myself sa totoong buhay na ginawa yung pangyayare na yon. Maybe it's cupid's way of introducing my soulmate to me, unluckily she never felt the same," napabuntong hininga na kwento ko at umismid s'ya.

"That's funny for you? I have a funnier story but I won't tell you, alis na ako," sabi neto at tumayo na sa kinauupuan n'ya.

"Sabay kana sakin," sabi ko at naglakad na rin pasunod sakanya.

"Hatid mo'ko kela Julia," utos neto.

"Wow, ano ka amo ko?" taas kilay na sabi ko.

"Bading ka ba? Yung totoo?" titig neto sa'kin habang nakacross ang braso.

"Tss," tugon ko at sumakay na sa sasakyan.

"Hatid mo'ko ah. Muntik na'ko mahulog kanina dahil sa'yo," sabi n'ya pagkasakay at inirapan ako.

"Pasalamat ka nga sinalo pa kita," sabat ko sakanya at inistart na engine ng sasakyan.

====

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon