Chapter 10

21 5 5
                                    

Solemn's POV

Matagal kong binabalewala lahat ng nararamdaman ko para sa isang tao. Sabi nila kaya mong maloko ang lahat pero sarili mo kahit kailan 'di mo maloloko.

Ilang taon ko rin pilit na tinago sa sarili ko ung nararamdaman ko. Pinilit kong sabihin sa sarili ko na si Kris ang mahal ko.

Kaya pala kahit kailan hindi kami nagkaron ng malaking pagtatalo... kasi alam n'ya na posibleng mawala agad ako. Yun yung mali na hinahanap ko sa relasyon namin kung bakit magkakadahilan si Kris na magsawa.

Pero ang totoo pala ay ako yung nagsawa pero s'ya patuloy sa paglaban, patuloy sa pagmamahal sa'kin.

Kaya pala nasasaktan lang ako pag naaalala ko ung pinagsamahan namin pero nababaliwala ung sakit pag nandyan si Kuya Lander.

Buti pa si Kris, alam n'ya kung ano ung totoong nararamdaman ko. Kahit alam na n'ya 'di pa rin s'ya tumigil sa pagmamahal sa'kin.

Siguro nga ganun talaga kapag mahal mo, kahit masakit kailangan mong tanggapin.

Nakaupo lang ako sa dulo ng cliff at nakatitig sa sunset.

Ang ganda ng sunset pero yun ibig sabihin n'ya kabaligtaran.

"Alam mo ba na kapag daw nanuod kayo ng sunset at sunrise ng taong magal mo ng sabay sa iisang lugar, magtatagal daw kayo..." sabi ni Kris.

"Pano pag isa lang?" Tanong ko habang nakaakbay s'ya sakin at nakasandal ako sa balikat n'ya habang pinapanuod ang sunset.

"Sunset represents ending. Sunrise represents new beginning." Tiningan ko s'ya at nakita kong nakangiti s'ya habang nakatingin sa palubog na araw.

Napapikit nalang ako at naramdaman ang pagdaloy ng luha sa pisnge ko.

Pakiramdam ko nasa'kin ung mali, pakiramdam ko ako ung mali. Pakiramdam ko kasalanan ko kung ba't may nasasaktan at kasalanan ko rin kung ba't ako nasasaktan.

Kasabay ng pagmulat ko ang pagyakap sakin ng isang tao mula sa likod na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Don't run away from me," bulong neto na nagdala ng kilabot sa katawan ko. Pati luha ko ay tumigil sa pagpatak.

Natulala ako sa natitirang sinag ng araw na palubog na.

"Sorry..wag kana magalit kay Kuya.." bulong ulit n'ya pero hindi parin ako makakilos hanggang sa tuluyang lumubog na ang araw.

"Hindi kita bibitawan hanggat hindi nawawala galit mo," sabi neto na nakayakap padin.

"Edi wag ka bumitaw," irap ko pero namula ako nung maisip ko na iba pala ibig sabihin ng sinabi ko.

"Hindi na talaga, sinabi mo eh," kahit hindi ko s'ya tingan ay alam kong nakangisi s'ya.

"Humiwalay ka nga sa'kin," inis na sabi ko kaya napilitan s'yang alisin pagkakayakap. Tumayo ako at nilagpasan sya.

"Tamo toh -.- meron ka ba ngayon?!" sigaw n'ya na nakapagpatigil sa'kin at mukha na akong kamatis.

"Gago ka ba?!" lingon ko sakanya at nakita ko ang pagngisi nya.

"Hindi, in love lang," sabi neto at inirapan ko s'ya bago talikuran s'ya at sumakay sa sasakyan n'ya.

"Sinong may sabing sumakay ka?" kunot noong tanong n'ya. Kaya naman nag uusok na ilong ko ngayon.

"Ginagago mo talaga ako?" timping tanong ko sakanya.

"Minamahal," ngisi neto bago iistart ang engine.

Bat ba biglang nainis ako sakanya? Eh nagsesenti lang naman ako kanina? Ewan ko biglang kumulo dugo ko nung bumanat na s'ya.

"Mahal ka talaga nya noh?" out of the blue na simula ni Kuya Lander.

"Ha?" lingon ko sakanya na nakatingin lang sa daan habang nagmamaneho.

"Wala sabi ko ang ganda mo bingi nga lang," irap neto, parang bading eh =.=

"Bading," bulong ko at tumingin nalang sa bintana.

"Anong sabi mo?" tanong n'ya.

"Sabi ko bading ka na nga bingi pa," irap ko at biglang tumigil ung sasakyan kaya nauntog ako sa bintana.

"Masakit ah!" bulyaw ko habang hinahaplos noo ko.

"Mas masakit mabalewala," timping sagot n'ya na nagpakunot ng noo ko.

"Kelan kita binalewala?!" inis na tugon ko sakanya.

"Hindi ako! Ung nararamdaman mo para sakin!" sabat n'ya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Bago mo pa ako makilala may gusto na ako sa'yo. Sabi sakin ni Klyde, wag muna. Dahil sa punyetang wag muna na yan, naunahan ako ni Kris. Pero may narinig ba kayo sa'kin? Wala, kasi matimpi akong naghintay. Tapos ngayon malalaman ko mismo kay Kris? Kaya Solemn, hindi nako magsasayang ng oras. Let me court you," mahabang lintanya n'ya na nagpagulo sa utak ko.

Bago pa'ko makapagsalita ay pinaandar na ulit n'ya ung sasakyan. Tahimik lang ako na nakatingin sa daan. Tulala lang ako habang paulit-ulit na nag eecho sa utak ko ung sinabi n'ya.

Bago mo pa ako makilala may gusto na ako sa'yo

Let me court you

Bumilis tibok ng puso ko at napalingon sakanya na tutok lang sa pagmamaneho.

Napaisip ako... ganito rin kaya si Kuya Klyde kay Julia? Mas pinili n'yang maging bestfriend para hindi mawala sakanya si Julia?

Si Kuya Lander, mas pinili n'yang maging kuya kuyahan ko para hindi ako mawala sakanya kahit nung kami na ni Kris.

Nagvibrate phone ko at nung tingan ko yun ay natulala ako at tila lalong naguluhan pero di ko maiwasang mapangiti dahil kahit kailan 'di n'ya ako sinaktan para lang sa mababaw na dahilan...

From: Kris
Kung san ka masaya, dun ako.

======

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon