Chapter 16

15 3 0
                                    

Kristopher's POV

Paggising ko ay naramdaman ko ang pagkirot ng sintido ko at sinubukang alalahanin ang tungkol sa nangyare kagabi. Hindi ko alam kung alin sa naaalala ko ang totoo at kung alin ang panaginip.

Bumangon na ako at pagkapa ko ng noo ko dahil medyo hihilutin ko sana ay naramdaman kong may nakadikit. Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang kwarto ko na tila luminis. At napansin ko rin ang nakahandang pagkain sa side table ko.

Doon palang ay nasigurado ko na kung alin ang totoo sa naaalala ko, andito si Solemn kagabi.

Napangiti ako at kinuha cellphone ko para itext s'ya upang magpasalamat.

Kinuha ko ang tray ng pagkain at dinala sa baba para initin. Nakita ko si Beatrice na naglalakad papunta sa sala habang may dalang tinapay at tasa. Napansin ko rin na nakabenda ung binti n'ya.

Napapatingin ako sa braso ko at napansin kong may benda din iyon.

Nilagay ko sa microwave ang bowl ng sopas at habang nagkikilos kilos ako ay naramdaman ko na pagkirot kirot ng braso ko na 'di ko iniinda.

Habang nakain ng sopas ay napapangiti ako sa thought na nakasama ko yung mahal ko kagabi nung oras na kailangang kailangan ko s'ya.

Medyo nabigla ako nang marinig na may nagsasalita sa likuran ko.

"Kris, nabasa ko yung medical records---"

"Don't mention that," pagputol ko sakanya.

"But--"

"It's better na walang alam yung mga tao para 'di na lalaki pa yung problema, naiintindihan mo?" paglingon ko sakanya at nakita ko na nakatitig s'ya sa laman ng tasa n'ya.

"Don't worry about me, you know I can handle some things on my own," paninigurado ko sakanya at tumayo na sa kinauupuan ko bago lumapit sakanya. Ginulo ko buhok n'ya bago ngumiti, "Thank you for making her come and sorry about last night."

"If you want to go back to her for the mean time habang hindi pa tayo kasal, you can," sambit n'ya kaya napatigil ako sa paglalakad papunta sa hagdan.

"Mas magiging mahirap lang yung sitwasyon para sakanya, Beatrice. Pa'no pag dumating yung oras na ikasal na tayo diba? Iiwan ko---"

"Then sa California tayo magpakasal, irireason out ko yung family members naming na doon nakatira. After ilang months, let's get divorce," pagputol n'ya sa sinasabi ko.

"Trice, alam mo na yung tungkol sa sitwasyon--"

"That's why I'm letting you live the life you want with the girl you love, Kristopher. I know mahirap intindihin but seriously, I care for you as a friend. Kababata pa rin naman kita kahit papano, ikaw parin naman yung nakilala kong Kris," mahabang lintanya n'ya, "Don't worry, pagtatakpan kita this time."

Umalis na s'ya at ako naman ay naiwang nakatayo sa tapat ng hagdan.

"That's why I'm letting you live the life you want with the girl you love, Kristopher."

-----

"Thank you kasi pumayag ka makipagmeet, pasensya ka na sa abala.." I told him habang nagtitingin kami ng oorderin na meal.

"Okay lang, kamusta pala?" tanong n'ya.

"Ayos naman na, ikaw kamusta?" pangangamusta ko sakanya dahil ngayon lang ulit kami nagkita mula noong maghiwalay kami ni Solemn.

"Eto torpe pa rin hahaha. Bakit biglang gusto mong makipagkita?" Tanong n'ya at umorder na rin.

"I want to tell you something na ikaw lang kaya kong pagkatiwalaan, please help me, Klyde," pagmamakaawa ko sakanya at bumuntong hininga.

"We both know na pinaiyak mo kapatid ko, so why should I help you?" seryosong tanong n'ya sa'kin.

Sinabi ko sakanya lahat lahat mula sa pagiging arranged marriage ko at sa sitwasyon ko ngayon na hindi ko naman ginusto. Tahimik lang s'yang nakikinig habang kinukwento ko lahat lahat. At nakita ko ang bahid ng awa na sumilay sa mga mata ni Klyde kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako.

"Kung hindi mo talaga ako kayang tulungan don't worry hindi ko na rin susubukan," sabi ko sakanya.

"I'll help you, but please wag mo na hahayaang umiyak si Solemn ng ganon. Ako na mismong magseset up ng date sainyo kaya umayos ka," sagot n;ya sakin kaya napangiti naman ako bago pinagpatuloy ang pagkain. Inubos na din niya ang pagkain n'ya.

"Una na ako, Kris, let's keep in touch from now on. And you told me na kami palang ng fiancé mo ang may alam ng buong situation mo right now, don't worry 'di ko ipapaalam kahit kanino pero wag ka ring mahihiyang lumapit sa'kin, okay?" mahabang lintanya ni Klyde at tumayo na nung makatango ako.

Nang makaalis si Klyde ay napatungo ako at pumikit, "Help me, God."

Pagkasabi ko non ay naramdaman kong may kamay na nagtap sa likod ko kaya napatingala ako at bahagyang nabigla sa nakangiting babae sa'kin, "Kamusta? Bakit mo kasama si Kuya Klyde kanina?"

"Ha? Nagkamustahan lang, ano pala ginagawa mo dito?" tanong ko at naupo s'ya sa tapat ko.

"Hmm wala lang nag-iikot kasi kami ni Charmelle kanina then nakita n'ya jowa n'ya sa arcade na nagtetekken, ayun nawili si gaga kaya iniwan konalang at naggala mag-isa, sakto naman nakita ko si Kuya Klyde tas sabi n;ya nagkita kayo," paliwanag n'ya. Katulad pa rin s'ya nung dati, madaldal hahaha..

"May gagawin ka pa ba?" tanong ko sakanya. I guess 'di naman sasabihin ni Klyde na nagkita kami kung hindi ko pa dapat simulant ung plano ko na comeback naming ni Solemn.

"Wala naman, ayoko pa nga lang umuwi," sabi n'ya at huminga ng malalim. Siguro may nangyari sakanya hays..

"Nood tayo cine?" aya ko sakanya at nabaling tingin nya sakin.

"Pwede ka? Wala ka bang ibang lakad? Showing ngayon yung Frozen 2!" masiglang sambit n'ya na nakapagpangiti sa akin.

"Oo naman, pwede ako basta para sa'yo. Tara?" tanong ko at tumayo na, agad din naman s'yang tumayo at masiglang sumunod sa'kin.

Naglakad na kami papunta sa cinehan at bumili ako ng dalawang tickets, dalwang drinks at isang large popcorn na cheese flavor kasi hindi naman ako mahilig sa popcorn at kakakain ko lang.

Medyo kumirot sintido ko pero di ko na ininda at iningiti ko nalang. I'm happy to be with her right now.

"Sa taas tayo ha," sabi n'ya at nanguna na sa paglalakad at umakyat na. Hindi ko napigilang matawa ng konti dahil para talaga s'yang bata pag magkasama kami.

Pag akyat ko ay hinanap ko s'ya at nakita ko s'ya sa tuktok sa gitna na nakaway kaway sakin. Naiiling ako na natatawa sa asta n'ya pero lagi naman s'yang ganyan.

Nagstart na ung movie at tawang tawa s'ya kay Olaf then the next thing I knew umiiyak na s'ya.

"What the fvck, Solemn? Bakit ka naiyak?" nag-aalalang tanong ko at nilingon nya'ko.

"Listen to the song na kinakanta ni Anna. You'll get me," sabi n'ya at pinahid luha n'ya.

Inintindi ko naman ng maige yung kanta at tila tinamaan ako sa kanta.

"Can there be a day beyond this night?

I don't know anymore what is true

I can't find my direction, I'm all alone

The only star that guided me was you

How to rise from the floor?

But it's not you I'm rising for"

Nilingon ko si Solemn at nakita kong nakafocus s'ya sa panunuod. I wish this day won't end.

"Solemn," I called her.

"Hmm?" tugon n'ya pero nanunuod parin.

"I felt the song, and I just want you to know that the only star that guided me was you.. so please come back and be the light that never stopped guiding me just like before," seryoso at dire diretsong sabi ko at napansin kong napalingon s'ya sa'kin bigla.

"What did you say?" tanong n'ya na tila 'di nagsink in sakanya sinabi ko.

"Come back and let me love you again, Solemn."

=====

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon