Solemn's POV
Naguguluhang nakatingin ako sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.
"Nakita ko kayo sa cinehan kanina. Are you dating?" bungad na tanong n'ya kaya napatungo ako.
"Ofcourse not... Kuya ko lang sya.. tsak-- teka bat bako nag eexplain?" napatinghayang titig ko sakanya.
"Sabi mo hihintayin moko diba?" bakas ang lungkot sa mukha n'ya kaya naguluhan ako sa inaasta n'ya.
"May bago kana Kris! Hindi pa ba s'ya sapat? Ansakit makita kayong masayang magkasama habang ako pinaghihintay mo sa wala! Nakangiti kayo! Nagtatawanan! Naghahalik--"
"Sino bang may sabing masaya ako?!" natigilan ako sa sinigaw n'ya at napatitig sa mata n'yang nagtutubig..
Naguguluhan nako Kris... ano ba talagang ginagawa mo..
"Hindi ko naman ginusto toh, Solemn! Palagay mo gusto kong iwanan ka?! Hindi, Solemn, Hin--"
"Pero ginawa mo na," pagputol sakanya ng boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"May rason ako," sagot ni Kris bago umalis sa harap ko at nagtungo sa hagdan. Lumabas ako ng kwarto at nakitang nakatayo si Kuya Lander sa tabi ng hagdan.
Bumaba si Kris na sinalubong ni Kuya Klyde.
"Naiintindihan ko Kris kung may rason ka. Pero wag mo paasahin sa wala yung kapatid ko," sabi ni Kuya Klyde bago dire-diretsong lumabas ng bahay si Kris at sakto namang pumasok si Charmelle na napatakbo papunta sa'kin.
"Anong nangyare?!" bungad n'ya at niyakap ko s'ya.
"Lander," pagtawag ni Kuya Klyde kay Kuya Lander na agad namang sumunod sakanya.
Naiyak ako habang yakap si Charmelle na hinahagod naman ang likuran ko.
"Anong nangyare?" kalmadong tanong n'ya at pumasok na kami sa kwarto.
Kinwento ko sakanya mula dun sa mall hanggang sa dinatnan n'ya.
"Hinalikan mo si Lander?!" napatingin kami sa pumasok ng kwarto.
"Were you eavesdropping?!" nanlalaki ang mata ko na nakatingin kay Kuya Klyde na nasa likod si Kuya Lander.
"Siguro. Pero... bumilis tibok ng puso mo?" nakangiting kindat ni Kuya Lander at namula ako kaya naman napatakbo ako at dali daling kinuha sapatos at bag ko bago nilagpasan sila na nasa doorway at tumakbo pababa patungo sa front door.
Nakaapak na tumakbo ako palabas ng bahay at tumakbo sa sidewalk papunta sa kanto na sakayan.
Sumakay ako sa taxi at nagsapatos duon.
Sinabi ko kung saan at nagdrive na ang taxi.
Nung makarating na ay nagbayad nako bago nagpunta sa cliff na tinatambayan namin ni Kris dati.
"Hayst bat ba pinagtutulungan nila ako kay Lander," simangot na bulong ko sa hangin at naupo sa bato.
"Kasi bagay kayo," napatingin ako sa nagsalita at nakita si Kris na namamaga ang mata. Naupo s'ya sa tabi ko.
"Galit ka ba sakin?" tanong n'ya pero tahimik lang akong nakatingin sa kawalan. Natigilan ako nung may bumalot sakin na braso. Niyakap nya'ko.
"Hindi ko ginusto lahat ng toh.." sabi n'ya at tinanggal ko pagkakayakap n'ya sakin at tiningan ko s'ya. Natulo nanaman ang luha n'ya na agad naman n'yang pinadlis.
"Hindi mo ginusto pero ginawa mo.." malungkot na sabi ko habang nakatingin sakanya.
"May rason a--"
"Ano?! Ano yung rason mo para iwanan ako?! Ano yung rason mo para saktan ako at paghintayin sa wala?! Akala mo ba mada--"
"Arranged marriage ako!" parang tumigil sa pag ikot mundo ko nung marinig ko sinabi n'ya.
Arranged marriage?
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam pero bakit parang ako pa ung lumalabas na masama? Ako pa yung hindi umintindi... bakit hindi ko muna tinanong?
Mali ba ako na hinusgahan ko agad s'ya? Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang wala akong nararamdamang kirot.
Masakit yung narinig ko. Hindi ko alam kung pano ako magrereact... pero bakit iba nararamdaman ng puso ko sa iniinda ko?
Nabigla ako nung kunin nya yung kamay ko at hinawakan ito bago magsalita.
"Kaya ko sinabing hintayin mo ako kasi... Solemn, pinaglalaban kita. Hindi mo man makita o maramdaman pero gumagawa ako ng paraan."
"B-bakit hindi mo sinabi?" tanong ko.
"Dahil kilala kita. Alam kong magpupumilit ka na kausapin si Mom. Pero ayokong idamay---"
"Ako yung pinaglalaban mo kaya damay na ako!" pagputol ko sa sasabihin n'ya.
Napabitaw sya sa paghawak sa kamay ko at tumayo bago pumunta sa dulo ng cliff.
"Alam kong mali ako kasi tinago ko yun sa'yo. Pero hahayaan mo ba akong gawin ung ginawa ko para lang ipaglaban ka? I'm doing everything, I'm risking everything to make things right. Pero yung iwan ka sa taong gusto ka... it was my biggest mistake, Solemn," sabi n'ya habang nakatingin sa kawalan. Tumayo ako at naglakad papunta sa likod n'ya.
"Iwan ako sa taong gusto ako?" nagtatakang tanong ko. Humarap s'ya at ngumiti ng malungkot.
"Kailanman hindi ako naging ganito kaiyakin until now. Akala ko noon kaya n'ya ginagawa at sinasakripisyo lahat para sa kapakanan mo kasi kapatid tingin nya sa'yo. Sinawalang bahala ko lahat ng nakikita ko. Pero nung mawala ako... nakita ko kung pano sya kumilos. Nag iba. Lalaki din ako, Solemn. Alam ko may gusto sya sayo," sabi neto.
Bumilis tibok ng puso ko nung mapagtanto kung sino ang tinutukoy n'ya.
Niyakap ko si Kris at umiyak.
"Kris naguguluhan ako... hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko, kung anong gusto ko, kung anong dapat gawin ko," iyak ko at naramdaman ko ang pagyakap n'ya pabalik sa'kin.
"Handa akong masaktan sumaya ka lang," nanginginig na sabi n'ya. Dumiretso ako sa pag iyak habang yakap s'ya.
"Hindi ko na hihilingin na hintayin moko. S-sundin mo ung sinisigaw ng puso mo," humigpit ang pagyakap n'ya sa'kin at halata sa boses n'ya na naiyak s'ya.
"Before risking everything... alam kona lahat ng possibility. I risked our relationship, I risked my chances. Dahil mahal kita handa akong tanggapin yung desisyon mo," bumitaw s'ya sa pagkakayakap at humiwalay.
Nakangiti s'ya habang diretso sa pagtulo luha n'ya.
"Kris.." tanging lumabas sa bibig ko dahil napahagulhol na ako.
Pinunasan n'ya luha ko at pilit akong pinatahan.
"Buksan mo yung utak mo para makita at marinig mo yung sinasabi ng puso mo. Noon palang, alam kong hindi ako yung laman nyan. Infatuated ka lang, Solemn pero ako mahal kita. Iba yung mahal mo," nanginginig na sabi neto na hawak ang magkabilang pisngi ko.
"K-kris.."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung pano ako magrereact. Ayaw mag sink in sakin bawat sinasabi n'ya.
"I never had a space in your heart and I knew it from the start. Mahal kita at kaya kong ulit ulitin yan ng walang pag-aalinlangan. Pero mahal mo s'ya kahit wala kang alam," sabi n'ya at ngumiti bago ako lagpasan.
Nilingon ko s'ya at sinundan ng tingin 'di Kris na naglalakad palayo.
Aminado akong tama lahat ng sinabi n'ya. I was too denial.
"Minahal naman kita... naglaho lang bigla nung makilala ko s'ya bago mo pa ako makilala."
======

BINABASA MO ANG
Someday
RomantizmLoving wasn't easy, but moving on is harder. Written on: 2018 Edited on: 2020