Chapter 12 Part 1

10 3 3
                                        

Solemn's POV

It's been a month at nangliligaw pa rin si akin si Lander dahil di ko pa siya sinasagot. Ayaw ko pa eh, siguro isusurprise ko na lang siya.

Bukas na rin ang birthday ko pero wala namang kumakausap sa akin tungkol dito kahit ang matalik na kaibigan kong si Charmelle na siya namang laging nangugulit at nagtatanong sa akin kung anong gusto kong regalo.

Papasok na ako sa kwarto nang makita kong dumaan si daddy sa corridor dito sa second floor kaya tinawag ko siya at lumapit naman ito sa akin.

"Dad anong balak natin sa birthday ko bukas?" tanong ko sa kanya at halata namang nabigla siya.

"Wow. Coming from you? Ni hindi mo nga kami pinagpaplano ng kahit isa tungkol dyan sa birthday mo kasi ikaw ang nagpaplano ng sarili mo," sagot sa akin ni daddy na dinugtungan pa niya.

"Gumala na lang kayo ni Lander, may tiwala naman ako sa batang yun."

"Okay, ayaw niyo sumama?" tinanong ko ulit si daddy.

"Sino bang sinabi ko na isama mo? Diba si Lander?" pambabara nito sa akin. Wala akong magawa kundi umirap na lang kay daddy sa kakulitan niya. Kailan ba 'to tumigil sa pangbubugaw sa akin kay Lander?

Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga na lang sa kama dahil tapos na rin naman ako sa evening rituals ko bago magdinner. Nakita ko namang nagvibrate at umilaw ang phone dahil may nagtext. Napangiti naman ako sa nabasa ko.

Lander:
Gala tayo bukas.

Nireplyan ko na lang ito ng 'okay' at natulog na.

---

Paggising na paggising ko ay chineck ko ang phone ko at nakita kong nagreply pala si Lander na susunduin niya ako ng 10 am. Napatingin naman ako sa orasan ko sa bedside table at nakita kong 7 am pa lang, inihanda ko na lang ang mga isusuot ko at naligo na. Nagbihis muna ako ng pambahay dahil baka magtaka sina mommy kung bakit ang aga ko mag-ayos.

Pagkababa ko sa dining ay napansin kong ako na lang ang iniintay at nakaupo na sila. Pagkaupo ko ay saktong nagsalita sina Kuya Klyde, Mommy at Daddy.

"Happy birthday," bored na sabi nila. Baka inaantok lang siguro. Pero hindi naman sila ganito bumati dati ah?

"Parang hindi naman kayo masaya sa pagbati niyo sa akin," nakasimangot na sabi ko.

"Dami mong arte, buti nga binati ka namin," sagot ni kuya na may halong pag-irap. Ewan ko ba kung saan natuto umirap 'tong si kuya, magaling pa sa akin eh. Tinawanan na lang siya nina mommy at daddy.

"Okay. Sabi niyo eh," sabi ko na lang sa kanila.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto at nagpalit. Nahiga muna ako sa kama sandali at naglaptop. Nag-eedit kasi ako ng story ko para ipasa sa publishing company next week. Hanggang sa maramdaman ko na medyo inaantok na ako kaya napagdesisyunan ko na bumangon at lumabas sa kwarto.

Pagkababa ko sa living room ay nakita kong kausap nina mommy si Lander at parang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit napapangiti rin. Akala ko ba may kung anong problema sila kanina? Bakit nakangiti na sila ngayon? Tinulungan ba sila ni Lander?

Tama. Baka tinulungan sila ni Lander.

Nagpunta na lang ako sa kitchen para kumuha ng tubig para inumin. Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalakad kaya aksidente kong nasagi ang lamesa na pinagpapatungan ng telepono at gumawa ng ingay.

"Shit..." nasabi ko habang hawak ang bandang tagiliran ko dahil napadali ito sa corner ng lamesa.

"S-solemn? Kanina ka pa dyan?" napalingon naman ako kay kuya na katulad nina Lander ay may gulat at kinakabahang ekspresyon na kita kahit sa mga mata.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon