Solemn's POV
Nasa kwarto lang ako ngayon sa bahay namin at yakap ko lang ang unan ko habang tulala sa kawalan.
Kinuha ko yung phone ko at inistalk si Kris. Lagi ko tong ginagawa at araw araw kong nakikita ang posts nya na kasama yung bago n'ya.
Hintayin ko daw sya pero.. Bakit ganito?
Pagtingin ko sa bagong post n'ya ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung makita post nya.
Stolen picture yon na magkahalikan sila nung babae at ang caption pa ay 'I love you, baby'
Hindi ko alam kung pano magrereact kaya pinusuan ko yun at ibinato ang cellphone ko.
"ANO BANG GINAWA KONG MALI?!" sigaw ko at umiyak na lamang ulit habang yakap ang unan.
Pakiramdam ko mababaliw na ako dahil sa sakit na ito. Parang dinudurog puso ko, sobrang sakit na. Mentally, emotionally, physically.
Biglang nagbukas ang pinto at nakita ko si Kuya Lander na nag-aalala. Agad akong napatayo at tumakbo sakanya bago ko s'ya niyakap.
Umiyak lang ako habang nakayakap sakanya at ramdam ko ang pagbalot ng braso n'ya sakin.
"Nakakasawa nang makita kang umiyak ng umiyak, nasasaktan nako pag nakikita kang ganyan. Magbihis ka at igagala kita para naman matanggal s'ya sa isip mo kahit saglit," sabi n'ya at tumango ako bago humiwalay sa yakap.
Ilang linggo na rin akong ganito kaya nakakasawa na rin. Gusto ko ng makalimot kahit mahirap, susubukan ko.
Noong kami pa ang hirap na ng sitwasyon namin kasi ayaw sakin ng Mom n'ya. Loving him wasn't easy pero nagtiis ako dahil nga mahal ko s'ya.
Pero... Lahat ng pagtitiis ko nabalewala.
If loving him wasn't easy, mas mahirap magmove on sakanya.
Naligo na ako, this past few weeks lagi lang akong tulala pag nasa bath tub at hindi ko naaayos sarili ko.
Nagshower na ako at inabot ako ng kalahating oras sa paliligo, ansarap kasi sa pakiramdam.
Nagbihis ako ng black jeans at black plain fitted crop top. Nagsuklay rin ako at naalala ko nanaman s'ya dahil hilig ni Kris na suklayin buhok ko kasi ang ganda raw at mahaba.
Hindi ko napigilan ang pagtakas ng luha sa mata ko. Agad ko yung pinunasan at naglagay ng foundation.
Naglagay ako ng liquid eyeliner pero bago yun minake upan ko muna sarili ko at smokey eyes para hindi masyadong halata ung pamumugto ng mata ko.
Nagkonting blush on lang ako at pale pink lipstick.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Kuya Lander na nakaupo sa kama.
"Parang hindi ka heartbroken ah?" natatawang sabi neto at inabutan ako ng jacket na white.
"Para san to?" tanong ko.
"Malamig'" sabi n'ya kaya sinuot ko na ung over sized jacket na white.
"San lakad n'yo?" salubong sa'min ni Daddy at nakangiti.
"Igagala ko lang ho ito," sabi ni Kuya Lander at ngumiti.
"Ingat kayo, kahit wag na kayo umuwi hahahaha~ biro lang," sabi ni Dad at tinap ang balikat ni Kuya Lander.
Lumabas na kami at sumakay sa motor nya. Naghelmet kami at pinaharurot nya ang motor. Tinanggal ko ang helmet at hinayaang payirin ng hangin ang mahaba kong buhok.
Napapikit ako, sana sa pagsampal ng hangin sakin magising nako sa katotohanan.
Noong maramdaman ko ang pagbagal at pakonti konting pagtigil ng motor ay napamulat ako. Bumaba kami ng motor at para akong batang tuwang tuwa.
Nagpunta kami sa orphanage kung saan mahilig kaming magdonate at magvolunteer.
Mahilig kasi sina mama sa mga bata kaya kahit ako ay napamahal na rin sa kanila. Kilala kami ng mga bata dito maging si Kuya Lander dahil madalas namin siyang isama sa mga event dito.
"Ate Solemn! Ate Solemn!" rinig kong sigaw ng batang babae na si Eraine.
Napangiti naman ako nang mapagtantong naaalala n'ya pa ako kahit bago lang siya dito. Natuwa rin ako dahil napansin kong medyo marami na siyang naging kaibigan dito.
"Solemn, hija, mabuti napadalaw ka," sabi ni sister, isang madre na dito na rin tumira sa orphanage para sa mga bata, habang nakikipaglaro ako sa mga bata.
"Naku, hindi ko nga ho alam na dito kami pupunta, si Kuya Lander po kasi ang nagdala sa akin dito." sabi ko habang lumilingon sa kanya.
"Oh siya, maiwan ko na muna kayo at mag-aayos pa ako sa opisina," sambit nito at umalis na.
"Ate, pugto po yung mata niyo, masakit po ba?" sabi ni Eraine habang tinuturo at sinubukang haplusin ang mata ko.
Napapikit naman ako at napangiti, "Hindi naman," sagot ko.
Sumaya naman ako dahil kahit papano, may mga tao pa rin palang nag-aalala para sa akin. Akala ko sa pagtalikod sa'kin ng mundo ay tatalikuran na rin ako ng mga mahalaga sa'kin.
"Ayos ka lang po ba ate? Bakit po parang naluluha ka?" napatigil naman ako sa pag-iisip at napaharap sa bata.
"Ayos lang ako, dito ka muna ha, kakausapin ko lang si Kuya Lander mo," sabi ko at ibinaba siya.
Tumayo ako ako at hinanap si Kuya, pagkakita ko ay agad ko itong nilapitan at niyakap.
"Salamat Kuya, napasaya mo ako. Napasaya nila ako," nakangiti kong sambit.
"Syempre naman, alam mo namang espesyal ka sa akin eh," sagot naman ni Kuya.
"Aba dapat, kuya kuyahan kaya kita," sabi ko at umaktong parang bata.
Nakita ko naman na medyo nawala siya sa sarili niya at ngumiti na lang sa akin.
"As long as you're happy, I'm happy," Ngiti n'ya.
"Thank you.."
======
![](https://img.wattpad.com/cover/151294907-288-k893584.jpg)
BINABASA MO ANG
Someday
RomansaLoving wasn't easy, but moving on is harder. Written on: 2018 Edited on: 2020