Solemn's POV
Paglabas namin sa cinehan ay nagCR muna ako. Pagkapasok sa CR ay umiyak lang ako kasi pinipigilan ko na kanina palang luha ko at naghilamos ako. Nagpolbo ako at gloss. Huminga ako ng malalim bago lumabas.
"Bat antagal mo naman lumabas?" tanong n'ya at napakamot ako sa batok.
"Ampula kasi ng mata ko, sinubukan ko hilamusan para mabawasan pagkapula, eh kaso lalong namula ih," pagdadahilan ko at natatawa naman n'ya akong inakbayan.
Habang nag-iikot Ikot kami ay nakasalubong namin si Charmelle kasama si Baekhyun at si Lander. Bumilis tibok ng puso ko pero nagpanggap ako na walang nakita pero agad akong hinila ni Lander palayo kay Kris.
"What the fvck?! Let me go," galit na saad ko.
"Why in hell are you with that guy?!" sigaw n'ya pabalik at pinagtitinginan na kami ng mga tao. At kahit si Charmelle ay mahahalata mong nadisappoint sa nakita n'ya. Pero wala na muna akong pakialam sa sasabihin ng iba ngayon. As long as kakampi ko si Kuya Klyde, I have nothing to worry about.
This is for the guy that made me who I am for the past 3 years.
"Let her go, Lander, nasasaktan na s'ya," sabi ni Kris at agad naman akong binitawan ni Lander at kinuwelyuhan si Kris na hindi naman pumapalag.
Pumatak yung luha ko at humugot ng lakas ng loob para itulak si Lander palayo kay Kris, "Don't you ever dare do that to my boyfriend ever again!"
Hinila ko na si Kris at nilagpasan sila, "He cheated on you, hurt you, and left you but you're still choosing that asshole over me?! Tanga ka ba talaga, Solemn?! Manhid kana ba talaga?! Ano bang gayuma pinainom sa'yo ng putanginang yan, ha?!" dinig kong sigaw ni Lander kaya tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil din si Kris.
"Atleast he never judged me sa mga naging decisions ko at sa mga ginagawa ko, unlike you," mahinahong sabi ko bago nagsimula muling maglakad at sumunod naman si Kris.
Nagpunta kami sa parking at sasakay na dapat ako sa Passenger seat ng sasakyan n'ya pero hinigit n'ya ako at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you for giving me this chance, I won't waste this again, never again, Solemn," garalgal na sabi n'ya habang ang higpit ng yakap n'ya sa'kin.
Niyakap ko s'ya pabalik, "They know nothing about what actually happened, Kris. I don't care sa sasabihin ng ibang tao, I want to stay by your side and be the star that guided you through your dark days, through your worst situations, I will always be here."
-----
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Kuya Klyde at umalis na rin agad si Kris.
"Balik na'ko sa condo, kuya," sabi ko at nabigla ako nang bigla n'ya akong niyakap.
"You can cry everything now, bunso.. I won't judge you gaya ng ginawa nila sa'yo. I saw everything kanina. I'm sorry hindi kita naipagtanggol kanina. I trust your decisions, Solemn," sabi ni Kuya at umiyak na naman ako at napayakap sakanya ng sobrang higpit.
"Kuya hindi ko naman ginagawa ito para sa'kin eh.. mahal ko si Lander pero ayoko maging selfish.. kung selfish ako ngayon sa mga mata nila.. Kuya, I'm being so selfless right now. All I know is that Kris needs me more than Lander do, I don't know kung tama decisions ko--"
"I know nanghihinayang ka sa lahat ng nasayang mo Solemn, pero tama ka, Kris needs you more than anyone right now. Ikaw lang kaya n'yang malapitan. Ikaw lang. Kung alam mong ginawa mo lang yung alam mong tama, wag mo isipin na mali ka. Mahal mo si Lander pero mahalaga sa'yo si Kris. Wag kang mag-alala, kung mahal ka talaga ni Lander, kaya ka nyan hintayin. Kinaya nga n'ya noon eh," mahabang lintanya ni Kuya bago humiwalay sa pagkakayakap at pinahid luha ko.
"Lahat ng nagmamahal marunong mapagod, kahit mahal na mahal mo s'ya sa oras na mapagod ka, magsasawa ka na. Kasi makikita mong may ibang mga tao pang nagmamahal sa'yo na pwede mong pagtuonan ng pansin," sabi ko at ngumiti kay Kuya bago s'ya nilagpasan at nagtungo sa hagdan pero napatigil ako sa pag-akyat nang bigla s'yang magsalita at tila sinaksak ako ng mga sinabi n'ya.
"Pag napagod, choice na yun ng tao kung susuko s'ya o maghihintay pa rin s'ya. Ako ba ni minsan sinukuan ko yung kaisa isang babaeng minahal ko mula palang noon? Hindi," sabi ni Kuya at nilingon ko s'ya at nakita kong nakaharap s'ya sa'kin at nakita ko ang pagpatak ng luha n'ya.
"Hindi ako sumuko kahit pagod na pagod na ako. Hindi ako sumuko kahit ansakit sakit na makita s'yang masaya na sa iba kahit ako naman yung laging nasa tabi n'ya mula pa noon. Ni minsan hindi n'ya nakita yung halaga ko, Solemn. Ni minsan hindi n'ya ako pinakinggan," iyak n'ya.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ako torpe for pete's sake," natatawang sabi nya, "Ayaw n'ya lang pakinggan ako sa tuwing aamin ako. Hanggang sa nalaman kong may boyfriend na pala s'ya at mag lilimang buwan na sila. Alam mo yon?! Putangina san ako nagkulang?!" galit na saad n'ya at nabigla ako nang bigla n'yang suntukin ung pader.
"Kuya," hindi ko alam sasabihin ko.
Everytime na inaasar ko sya, I didn't know na ganito kabigat yung iniinda n'ya
"Pero just like you, I know she has her reasons. And I'm still waiting hanggang sa maging handa na s'yang pakinggan ako," tayo n'ya sabay ngiti sa'kin.
"I'm sorry, hindi ko manlang tinanong ever kung okay ka lang ba" sabi ko at lumapit s'ya sa'kin. Pinunasan ni Kuya luha ko na nasa kasunod na step ng inaapakan ko sa hagdan.
"You can be selfless at times but sometimes, you also need to choose what will make you happy kahit may mga tao ka ng masasaktan. It's about your happiness not their happiness. Choose yourself sometime, okay?"
====
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceLoving wasn't easy, but moving on is harder. Written on: 2018 Edited on: 2020