Chapter 14

20 2 0
                                    

Solemn's POV

Habang nainom ng tubig ay nasamid ako.

"Ano ba naman.." bulong ko at uubo ubong umakyat sa kwarto ko.

Habang paakyat ay napabahin ako.

"Sino bang nag iisip sa'kin ngayong gabi? Kanina pa--aray!" ungot ko nung makagat ko dila ko habang nabulong sa hangin.

Dumiretso nalang ako sa kwarto at hindi ininda ang sakit ng dila dahil hindi ko naman ikamamatay iyon.

Paghiga ko sa kama ay nagulat ako nung nagvibrate likuran ko. Bumangon ako at napagtantong nahigaan ko ung phone ko.

May tumatawag na unknown number.

"Hello?"

["Is this Solemn?"]

"Yes, who's this?"

["Pwede ka bang pumunta sa isesend kong address? Ngayon lang toh, please baka kung ano pang katangahan gawin ni Kris."]

Napatigil ako nung marinig ko ang pangalan ni Kris. Nakaramdam ako ng kaba at takot pero binalewala ko yun.

"Sorry pero---"

["Natatakot ako na baka magpakamatay si Kris. Please.."]

"Fine. Send the address."

Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na ang tawag at nagbihis na ako ng jogger pants na grey at plain oversized white shirt. Nagsaklob ako na black at itinaas doon buhok ko para hindi ko na itatali buhok ko. Nagrubber shoes lang ako at chineck kona yung message.

"Same village," Pagtango ko at tumakbo pababa. Palihim akong lumabas ng bahay at binulsa ko ang susi ko bago tumakbo ng tuluyan patungo sa address na binigay sa'kin.

Pagdating sa tapat ng bahay ay nagdoorbell nako.

"S-solemn.." Bati mung babae. Sya yung bago ni Kris. Aaminin ko, she's prettier, wealthier, and sexier than me. Hindi ko maiwasang maconscious.

Pero kapag naiisip ko na mas kailangan parin ako ni Kris parang ang gaan sa pakiramdam. Don't get me wrong, alam kong moved on na ako pero di ko maiwasan eh.

Dinala n'ya ako sa tapat ng kwarto habang 'di ako nagsasalita.

"Kris! Open the door!" sigaw nung babae. Sa itsura n'ya hindi halata na palasigaw s'ya, mukha s'yang mahinhin at tahimik.

"Ano bang kailangan mo Beatrice?! Punyeta naman oh! Umalis ka na!" sigaw pabalik ni Kris.

Sisigaw pa dapat yung babae na tinawag ni Kris na Beatrice pero pinigilan ko s'ya at sinenyas na ako ng bahala makakaalis na s'ya.

Nakita kong nagpunta na s'ya sa kwartong katapat ng kay Kris at sinara yon ng padabog. Para silang batang nagsisigawan dito.

"Kris.. buksan mo na ung pinto," mahinahon na sabi ko.

"S-solemn?" rinig kong tanong n'ya bago magbukas yung pinto. Nagulat ako dahil muka s'yang wasted. Tapos ung braso n'ya puro dugo, ginamitan nya ng blade. Buti hindi s'ya naglaslas, sht!

Agad kong kinuha yung braso n'ya na duguan at tumingin sakanya.

[Play the song above]

"Ano bang katangahan ginawa mo Kris?! Magpapakaganito ka nalang ba?! You look wasted!" bulyaw ko at napatungo lang s'ya. Sinenyas ko na maupo s'ya sa kama. Kinuha ko ung first aid kit sa banyo n'ya bago naupo sa tabi n'ya.

"Hindi ko alam kung bakit andito ka... pero sana kahit ngayon lang wag kang mawala," mahinang sabi n'ya habang nililinis ko ung mga sugat n'ya. Para s'yang manhid na hindi nasasaktan.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon