Solemn's POV
Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong tila may bumuhat sakin. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko mukha ng pamilyar na lalaki kaya napangiti ako tas pumikit na ulit. Naramdaman kong kinumutan ako kaya bumalik na ako sa pagtulog ko.
-----*------*------
Naramdaman kong nagvavibrate phone ko na nasa bulsa ko kaya nagising ako. Napansin ko rin na medyo maliwanag na sa labas. Nang matauhan, narealize ko na nasa bahay pa pala ako ni Kris.
Sht. Si Kris ba ung nagbuhat sakin kagabi?!
Napabangon ako dahil sa pagkabigla at nakita ko s'yang natutulog sa sofa.
Napabuntong hininga ako at bumangon. Nilapitan ko s'ya at napansin kong mainit s'ya pero sa tinagal tagal ko na din 'tong nakasama alam kong epekto lang un ng alak. Napansin kong nilalamig siya.
Hininaan ko ang aircon bago kunin ang kumot sa kama at kinumutan ko s'ya. Naramdaman kong hinawakan n'ya palapulsuhan ko at nagsalita, "Wag mo'ko iiwan... please."
"Ssshh.. magluluto lang ako, Kris," sabi ko at lumuwag ang pagkakahawak n'ya sa palapulsuhan ko.
Lumabas ako sa kwarto at nakasalubong si Beatrice.
"Kamusta si Kris?" tanong n'ya sa'kin habang pababa kami ng hagdan.
"Okay naman," sabi ko at napatingin sa paanan ko dahil nahihiya ako pero napansin kong may sugat s'ya na natuyuan na ng dugo.
"Anong nangyare dyan, if you don't mind me asking," tanong ko at tumingin sakanya.
"Nalaglag kasi ni Kris yung baso kagabi nung pupunta na s'ya sa kwarto n'ya... ayun naliparan lang ng bubog," sagot nya at napatango ako.
"Linisin ko, if okay lang sayo?" alok ko sakanya at nahihiya s'yang tumango at sumagot ng, "Please... 'di kasi ako marunong maglinid ng sugat baka mainfect ko pa yan eh.."
Dumiretso kami sa living room at nilinis ko sugat n'ya bago ako nagsimulang magluto ng sopas para kay Kris. Pinagsandok ko si Beatrice at binigyan s'ya bago kumuha ng para kay Kris at nilagay iyon sa tray. Naglagay din ako ng isang basong tubig at gamot para sa hangover at pain killer sa mga sugat n'ya.
I'm sure na ngayong sober na s'ya ay mararamdaman n'ya pagkirot ng mga sugat n'ya.
Nilagyan ko din ng saging ung tray then binitbit ko iyon papunta sa kwarto n'ya.
Pinatong ko ung tray sa table sa hallway then binuksan ang pintuan ng kwarto n'ya bago kinuha muli yung tray at dinala sa loob. Nakita kong tulog parin s'ya. Nilagay ko ung pagkain sa side table n'ya.
Kumuha ako ng isang sticky note at nagsulat doon ng, "Eat your breakfast, if malamig na initin mo nalang then drink the medicines I prepared for you. Don't you dare disobey me, wag ka pasaway, Kristopher."
Dinikit ko iyon sa noo n'ya at ngumiti bago lumabas ng kwarto.
"Una na ako, Beatrice, ikaw na bahala kay Kris ha," sabi ko sakanya.
"Salamat, Solemn. Pasensya na sa abala... di mo naman na obligasyon si--"
"He's like that because of me, and I'm guilty kasi nakausap ko s'ya kagabi... so hindi abala ito... pasensya kana din kasi nag-iiba talaga ugali ni Kris pag lasing. Intindihin mo nalang kung mataasan ka n'ya ng boses ha?" sambit ko at ngumiti lang s'ya sakin.
Umuwi nako at pagdating sa bahay ay nagulat ako kasi sumalubong sa'kin ang mga nag-aalalang mukha nila Kuya Klyde, Charmelle, Lander pati si mom and dad..
"What the f--- san ka ba galing?! Bakit hindi ka nasagot ng tawag?! Bakit 'di ka nagpaalam sakin na aalis ka?! Kagabi pa kami tawag ng tawag! San ka ba nagpunta?!" galit na sermon ni Kuya Klyde sa'kin.
"San ka galing, Solemn?!" galit na tanong ni dad.
"Wag na ho kayo magalit, baka naman may pinuntahan lang si Solemn na mahalaga. Diba? San ka ba galing?" pagtatanggol sa'kin ni Lander at tahimik lang si Charmelle na nakataas kilay pero kita mong nag-aalala din ito.
"Kay Kris," sagot ko na tila nawala ung galit nila at napaltan ng kunot noong mukha nila na tila nagtatanong kung bakit. Napansin ko rin na nasaktan si Lander, he was taken aback dahil sa dalwang salita na binanggit ko.
"Bakit?" tila si Kuya Klyde ang unang nakabawi at nakapagtanong matapos ang awkward silence na nangyare.
Pumasok ako at nagtanggal ng sapatos bago sumagot, "He needs me last night. Sorry 'di na po ako nakapagpaalam, I was in a hurry kasi emergency daw."
"Anong emergency naman? Baka nagdahilan lang yung gagong yon para mapapunta ka don tapos ano?! Dun kana natulog?! Ano may nangyare ba?!" nagulat ako sa sinigaw ni Lander na bigla akong iniharap sakanya at tila kahit sila. Nabigla ako dahil sobrang higpit ng kapit n'ya sa palapulsuhan ko.
Naalala ko pagkapit ni Kris kanina na sobrang gentle tapos ngayon sobrang haras ng pagkakahawak sa wrist ko. Ansakit.
Pinadlis ni Kuya Klyde ung kamay ni Lander at hinawakan ako na tila itinatago sa likuran n'ya.
"At sinong may sabi sa'yo na may karapatan kang pagsalitaan ng ganon ang kapatid ko at saktan ng ganon?! Gago ka ba?!" galit na bulyaw ni Kuya.
"Eh putangina pre eh! Nasan ba yang si Kris?! Gugulpihin ko lang, nag iinit dugo ko puta!" naririndi na ako sa sigawan nila at tumingin ako kela mom at tila nanghihingi ng tulong na patahimikin na sila pero tila pati sila nabigla sa mga nangyayare.
"Wag kang masyadong manghusga, Lander! Tumawag sa'kin si Beatrice dahil natatakot s'ya na baka sa sobrang kalasingan ni Kris magpakamatay na ung tao! Pagdating ko don, galit na galit ung tao! Hindi malapitan nung fiancé n'ya! Kumalma lang dahil sa'kin! Ano gusto mong gawin ko?! Pabayaan yung naging jowa ko for 3 years dahil lang baka magalit ka?! Duguan na ung braso n'ya, umiiyak s'ya, sobrang kalat ng kwarto n'ya... minahal ko un eh, di mo maaalis sa'kin pag-aalala.. pasensya na ha? Sana nag-iisip ka muna bago ka magsalita ng masasakit ng salita... kahit sino naman gagawin yung ginawa ko para sa taong naging parte ng buhay nila. So shut the hell up and get out of our house!" naiyak na singhal ko sakanya at tumakbo ako papunta sa kwarto ko at narinig kong sumunod si Charmelle sakin.
Pagpasok namin sa kwarto ni Charmelle ay umiyak ako habang yakap ang unan ko.
"Mali ba yung ginawa ko?" tanong ko kay Charm.
"Ginawa mo yung alam mong tama. At walang mali don. Tama ka naman sa part na kahit sinong nasa ganoong sitwasyon yun ay gagawin yon, kahit ako naman ganon gagawin ko eh," sagot nya sakin.
Chineck ko yung phone ko dahil nagvibrate nanaman, lesson learned na check cp kapag may nagnotif.
From: Kris
Thank you. Not only for taking care of me last night. Thank you din for being a part of my life. You're someone na hindi deserve masaktan, I hope he will treat you like a diamond. Mahirap humanap ng katulad mong totoo, I love you.=====
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceLoving wasn't easy, but moving on is harder. Written on: 2018 Edited on: 2020