Solemn's POV
"Anong gusto mong gawin?" tanong neto habang naglalakad kami ngayon sa mall.
"Pwede bang umuwi nalang tayo?" tanong ko pabalik at tumigil s'ya sa paglalakad at napansin na giniginaw na'ko.
"Nandito na tayo kaya mag enjoy nalang tayo!" ngiti neto at hinubad ang sweater n'ya bago inabot sa'kin kaya tiningan ko s'ya ng nagtataka.
"Aanhin ko to?" tanong ko at inangat yung kamay na may hawak na sweater.
"Suot mo. Kung bat ba naman kasi sa dami ng susuotin yan pa sinuot mo?" masungit na tanong neto at naalalang ayaw n'yang nagsusuot ako ng masyadong showy kaya sinuot ko agad ung sweater nang hindi nagrereklamo.
"San tayo?" tanong ko kasi bigla n'yang kinuha yung kamay ko at hinila.
"Nood tayo ng incredibles 2!" masiglang sabi neto at ngumiti ng malaki. Naramdaman ko nalang ang pagtigil namin kaya napatingin ako sa hinintuan namin.
"Akala ko ba nonood tayo?" simangot na tanong ko kasi nasa tapat kami ngayon ng national bookstore.
"Oo nga," ngiti nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Hello? Hinangin ba utak mo? Bilihan kaya ito ng libro!" sabi ko habang kumakaway pa mismo sa tapat ng mukha n'ya.
"Hahahaha~ nonood tayo pero bibili muna tayo ng libro!" Tawa neto at hinila na ako papasok ng NBS.
"Woah! Collection ng descendants!" Gulantang ko at napangiti ng sobra pero napawi yun nung hilahin n'ya ako sa kabilang parte ng NBS.
May hinahanap sya at--- hawak padin pala nya yung kamay ko kaya hindi ako makalayo.
Napatingin ako sa kamay namin at hindi ko alam kung bakit pero nagbago tibok ng puso ko. Sanay naman na akong hinahawakan n'ya kamay ko, inaakbayan n'ya ako, niyayakap n'ya ako, hinahalikan n'ya sa noo, at ginigising sa umaga pero bakit ngayong oras na toh may naramdaman akong kakaiba?
Napatingin ako sakanya nung bumitaw s'ya at nakitang may hawak syang libro at nakatapat sakin habang nakangiti s'ya.
Ang ganda ng ngiti nya... Teka nga! Ano ba tong naiisip ko?! Baka nadadala lang ako sa mga pinagsasasabi ni Charmelle, aish! Binawi ko yung tingin ko sakanya at sa libro tumingin.
Nanlaki yung mata ko at napatakip sa bibig para mapigil ang sigaw, "Oh my gosh!" Gulat na sabi ko at kinuha ang libro.
"What the.. Pano nangyare ito? Wala namang kumocontact sakin or what! How the--"
"Tutal alam ko naman na gusto mong mapublish yung ginawa mong story, ako na gumawa ng paraan. Dapat isusurprise kita noon kaso ako pa ata yung nasurprise nung malaman kong nahospital ka," sabi n'ya at binasa ko lang yung libro at istorya ko nga iyon!
Nilapag ko sa shelf yung libro at niyakap si Kuya Lander. Hindi dahil malungkot ako, hindi dahil naiiyak ako sa sakit, hindi dahil kailangan ko ng makakapitan kung hindi dahil natuwa ako.
"Thank you!" sabi ko at humiwalay sa yakap.
Nginitian ko s'ya bago hinalikan sa pisnge at nakita kong namula s'ya kaya pati ako napaisip sa ginawa ko at natigilan rin.
"Err... Ano.. Uhmm.. Bilhin na natin toh para makapunta na tayo sa sinehan," sabi n'ya at kumuha ng anim kopya ng libro at binayaran yon. Habang naglalakad kami ay nakasunod lang ako sa likod n'ya.
Ang awkward! First time ko kasi sya halikan sa pisnge dahil hindi naman talaga ako basta basta nanghahalik. Waaaaaaaaaa!!
"Uh.. Kuya Lander... Ano.. Yung kiss.. Ano yun.. Uhmm.. Thank you ko yun..?" patanong na sabi ko dahil nag-aalinlangan ako sa pinagsasasabi ko.
Huminto s'ya dahilan para mabunggo ako sa likod n'ya. Kaya pagharap n'ya sakin hinihimas ko yung ilong ko.
"Sorry hahahahaa~" Tawa n'ya at hinila ako para akbayan at nagpunta na kami sa sinehan.
Nung makapasok kami sa loob ng sinehan ay puno ito kaya nahirapan kami maghanap ng upuan.
Nung makahanap kami ay agad kaming naupo at nabigla ako nung itaas nya yung pag-itan ng upuan namin, yung lagayan ng drinks, at hinila ako palapit sakanya.
"Let's stay like this for a while," sabi n'ya habang nakaakbay sakin kaya ramdam ko na ang paghinga n'ya dahil na rin sobrang lapit namin.
"O-okay.."
-----
Charmelle's POV
Iniwan ko na yung dalawa at nagpunta sa tagpuan namin ni B.
Sa totoo lang, hindi ko iiwan sa lalaki yung bestfriend ko para lang sa date. Pero dahil nga boto ako sa loveteam na SolDer-- teka parang ang baho ng SolDer.
Hmmm.. LanLemn HAHAHAHA~ Joke mas mabaho pakinggan HAHAHAHA~
SolDer nalang nga psh (--,)
So ayun nga, boto ako kay Lander para sa bestfriend ko kasi simula palang s'ya na yung nandyan para protektahan si Solemn at alam kong hindi s'ya sasaktan ni Lander ng sadyaan.
Sinasabi nila na magkuya sila pero alam ko namang may lihim na pagtingin tong si Lander sa kaibigan ko dahil hanggang ngayon wala parin s'yang GF.
Pero saka ko na ikukwento ang sweetness ng SolDer dahil andito na'ko sa tagpuan namin ni B.
"Am I late?" tanong ko at naupo sa tapat n'ya.
"Nope, kadadating ko lang din. So how's your flight?" tanong n'ya habang nakangiti at naalala kong galit ako sakanya.
"Ikaw ha, wag moko dinadaan dyan sa pangiti ngiti mo Baekhyun! Bakit 'di moko sinundo? Ha?" kunot noong nakasimangot na tanong ko sakanya habang nakacross arms.
"Wag kana magtampo, C.." paglalambing neto at sumiksik sa tabi ko. Malaki naman upuan pero it doesn't mean na pangdalawahan agad.
"Umalis ka nga dyan! Ang sikip sikip oh!" bulyaw ko at niyakap nya lang ako. Buisit! Wag kang bibigay Charmelle! Dinadaan ka n'ya sa pacute effect n'ya! Waaaaaaaaaaa *Q* ang cute n'yaaaaaa!
"C naman oh.." paglalambing neto habang yakap ako pero di ko s'ya tinitingan kasi baka mapawi galit galitan-- este galit ko (--,)
"Ano?!" kunwareng naiinis parin ako.
"Wag masyado malakas boses mo, nakakahiya eh.." halos mag usok yung ilong ko--no scratch that kasi nag uusok na talaga ilong ko.
"Naglalambing ka ba o nambubuisit lalo?!" kunot noong tanong ko at nilingon na s'ya.
Nabigla ako nung halikan n'ya ako sa tip ng ilong ko. O~O
"Sorry na po.." ngiti neto at agad kong pinisil ung magkabilang pisnge n'ya.
"Buisit ka kasi ba't ba kasi ang cute mo?" nanggigigil na sabi ko at ngumiti ito sa'kin.
"Hehe kaya mo nga ako love eh," sabi n'ya at bumalik sa pwesto n'ya.
"Wow ha? Sigurado ka?" taas kilay kong tanong.
"Bakit? Hindi ba?" ngisi n'ya at napairap ako.
"Oo na love na psh."
"I love you more, C," ngiti neto na nagpasingkit lalo ng mata n'ya.
B love C @v@
======

BINABASA MO ANG
Someday
RomanceLoving wasn't easy, but moving on is harder. Written on: 2018 Edited on: 2020