Solemn's POV
Paggising ko ay puting kisame at puting pader ang nakita ko. Napatingin ako sa kamay ko at tama hinala ko na nasa hospital ako, nakadextrose pako.
"K-kuya.." tawag ko dun sa nakaupo sa sofa na nagsecellphone.
"Oh God.. Gising kana," sabi neto at pinindot ang emergency button sa pader para tumawag ng nurse.
Hindi ito ung kapatid ko, si Kuya Lander ito, yung kuya kuyahan ko.
Inexamine ako nung doctor at inayos nung nurse yung dextrose. Pakiramdam ko hinang hina ako. Nung makalabas sila ay naupo sa upuan katabi ng kama ko si Kuya Lander.
"May gusto ka ba? Anong gusto mo?" tanong neto.
"N-n-nagugutom a-ako.. G-gano katagal a-ako naka t-tulog?" utal utal na sabi ko dahil na rin sa pagkahina. Kumuha s'ya ng oatmeal na dala ata n'ya. At nilagay sa hospital table.
"Tatlong araw kang tulog. Alam mo namang mahina resistensya mo tas hindi ka kumakain. Tapos makikita ka pa ng kuya mo na nagdudugo yung paa mo, maraming nawalang dugo kasi hinayaan mo ung open wound," paliwanag neto at itinaas ung likod ng kama.
S'ya pa mismo nagsusubo sakin ng pagkain.
"Sinabi ko naman na kasi sa'yong wag ka muna magboyfriend," sabi neto at pinakain lang ako.
Pagkatapos kumain ay uminom ako ng gamot na binigay ng doctor.
"Bukas daw pwede ka ng lumabas. Dun ka muna sa bahay nyo mag-iistay," sabi neto at napakunot noo ko. Nakabawi naman na ako ng konting lakas kaya hindi nako nangangatal.
"Ayoko nga, sa condo ako," mariin na sabi ko habang nanunuod ng TV.
"Sa bahay ka," sabi neto at napasimangot nalang ako dahil ganyan naman s'ya basta umimik na wala na akong gawa.
"Solemn." Napatingin ako sa pumasok ng kwarto at nakita si Kris.
"Kris.." Sabi ko.
"Labas muna ako. Ayusin mo pre kung ayaw mo makatikim ng matigas na kamao." Sabi ni Kuya Lander at tinapik balikat ni Kris.
Lumabas si Kuya Lander at naupo si Kris sa inuupuan kanina ni Kuya Lander.
"How are you?" Tanong neto at hinawi yung buhok ko.
I don't wanna end this moment.. I want you to stay, Kris.. Please...
"Not fine, do I look fine? If I do magpasalamin ka na," sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
"Solemn, nandito ako para makipag usap ng ayos then aalis na rin ako," sabi n'ya at namuo nanaman luha ko.
"Kung kailangan mo ng maayos na usapan para makaalis ka na at iwan nako, hindi ko ibibigay kasi ayokong mawala ka," sabi ko at nagbagsakan na yung luha ko.
Tinanggal n'ya yung kumot na nakatalukbong sa'kin tiningan n'ya ako at kita ko ang awa kaya mas nasaktan ako. Naupo ako at tumalikod sa kanya.
"Hindi mo kailangang makita ung mukha ko para lang makausap ako," sabi ko at marahas na pinunasan sariling luha ko.
"Solemn, I'm sorry. But please, wag mo naman pabayaan sarili mo," sabi n'ya at lalo akong umiyak.
"Wag mokong kaawaan! Masakit kasi awa nalang yung pinaparamdam mo hindi na pagpapahalaga!" Inis na bulyaw ko habang nakatalikod at umiyak ng umiyak.
Ramdam ko kung pano n'ya ako niyakap mula sa likod.
"Solemn, you know how much I care for you and that will never change. Pero iba na kasi mahal ko," bulong n'ya.
"Prangkahan talaga?! Pwes kung magpapakaprangka ako, gusto kong sabihin sa'yo na mas gusto ko pang mamatay kesa mawala ka," sambit ko at humigpit yakap neto sakin.
"Don't say such things, Solemn. I'm still a friend," sabi n'ya at ramdam kong nanginginig na s'ya habang yakap ako.
Nilingon ko sya at wala pang isang dangkal ang agwat ng mukha namin. Kita ko kung pano tumulo luha n'ya.
"If you don't love me anymore, why do I see pain? Why are you having a hard time?" tanong ko at tinuon ang noo ko sa noo n'ya. Nakabalot parin ang braso n'ya sa'kin at ayoko na humiwalay.
"Because its hard to see you like that. You know how much I hate seeing you in pain," sabi neto at mariin na ipinikit ang mga mata at pagmulat n'ya ay kasabay ng pagpatak muli ng luha.
"Then why are you doing this?" tanong ko.
"If I say please wait.. Will you wait?" tanong neto na ipinagtaka ko.
"I will and always will wait for you, you know that," sabi ko.
"Then wait for me.. I'm gonna fix everything.. I'll be back.." sabi neto at niyakap ako ng mahigpit kaya di ko na napigilang yakapin s'ya pabalik.
Hindi lahat ng iniiwan ay nababalikan at hindi lahat ng pinaghihintay kaya maghintay... But I will be waiting for you, Kris...
=====
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceLoving wasn't easy, but moving on is harder. Written on: 2018 Edited on: 2020