Kristopher's POV
Hindi ko alam na sobrang sakit pala talaga pag nakikita mong masaya yung babaeng mahal mo sa iba.
Noon lagi n'yang sinasabi at pinaparamdam sakin na mahal n'ya ako. Hindi s'ya nagkulang kahit lagi akong busy. Hindi n'ya pinaramdam na nagsasawa na s'ya kahit alam kong iba ang mahal nya.
Alam ko na sa tatlong taon naming magkasama iba yung sinisigaw ng utak n'ya sa tinitibok ng puso nya. Masakit makitang nakangiti at tumatawa s'ya dahil sa ibang lalaki pero masaya ako kasi hindi na s'ya umiiyak dahil sa inakala nyang nararamdaman n'ya.
Niloko n'ya sarili n'ya, pinaniwala n'ya sa hindi totoo. Pero ako, ako na nagmamahal lang sakanya, nalaman ko parin ang totoo.
Iba yung mga tingin n'ya at tawa n'ya kapag si Lander ang kasama. Pareho silang walang ideya sa nararamdaman ni Solemn. Pero ako tiniis ko yung sakit at selos dahil boyfriend lang naman ako.
Hindi ibig sabihin na may titulong nag uugnay sa amin ay aangkinin ko na s'ya. Minabuti kong saktan nalamang s'ya imbes na idamay s'ya sa gulo ko at baka sa pagbitaw ko ay mamulat s'ya sa sinasabi ng puso n'ya.
Naalala ko ung mga oras na pinagmamasdan ko s'ya ng malapitan na nakangiti. Yung mga oras na napapanuod ko s'yang matulog. Yung mga umaga na pinagluluto ko s'ya.
Nakakainis dahil nawala yun. Hindi ako nagsisisi dahil tama ang desisyon ko.
Arranged marriage ako. Yung mom ko yung nag ooperate ng social media accounts ko.
Hindi ako mommy's boy. Pero kailangan ko lang sumunod sa sinasabi n'ya para sa kumpanya namin na ako na ang sunod na hahawak.
Kailangan kong isipin ang kinabukasan ko at kinabukasan ng babaeng mahal ko.
Sinusubukan kong ayusin ang kumpanya namin para hindi na kailanganing magpakasal ako dahil nga si Solemn ang mahal ko.
Pero what's the point? Hindi na rin naman s'ya mapupunta sa'kin.
Kailangan kong isipin kung saan liligaya si Solemn. Kasi s'ya yung tipo ng babae na kahit anong tapang sa buhay, napakasensitibo n'yan.
Hindi naman pwedeng habang panahon ko nalang lolokohin sarili ko na mahal talaga ako ni Solemn, hindi rin pwedeng habang panahon nalang n'ya lolokohin sarili n'ya sa nakikita n'yang nararamdaman n'ya.
Ayokong dumating yung oras na magsisi s'ya dahil ako ang pinili n'ya.
Mas gugustuhin ko na yung magsisi ako dahil hindi ko s'ya nagawang ipaglaban kesa s'ya mismo ang magsabi na nagsisisi s'ya na hindi n'ya pinakinggan ang puso n'ya.
Gustong gusto ko na bumalik sa dating kami pero hindi na pwede. Marami ng tutol. Kahit si tadhana tumututol na sa salitang "kami".
Wala ng kami at imposible ng magakaron muli.
"Kris tama na yan. Wala ka ng ibang ginawa kung hindi mag inom. Palagay mo makakatulong ka sa kumpanya n'yo kung ganyan ka?" tanong ni Beatrice sa akin.
Alam kong hindi na ako nakakatulong dahil ilang araw na akong lunod sa alak.
Anong magagawa ko eh hindi mawala sa utak ko si Solemn. Lagi nalang masakit sa puso, parang binabasag ung puso ko.
Madalas na pag ipinipikit ko mata ko ay nakikita ko ung mga pinagsamahan namin kaya lalong mahirap. Ayoko na. Suko na ako. Pero kahit masakit isipin na ung mga ngiti at tawa n'ya ay dahil na sa iba, masaya parin akong makita iyon. Binibigyan ako ng lakas para mabuhay.
"Ano bang pakialam mo? Hindi ba uso sa'yo yung mind your own business?" sinamaan ko sya ng tingin at tinagay ang bote ng red horse.
"Can't you see? She's happy with someone else! Hindi ka na n'ya mahal! I guess hindi ka n'ya minahal kasi wala pang tatlong buwan ay naipagpalit ka na n'ya! Gumising ka sa katotohanan na you're just a trash for her since you left her! Palagay mo may mapapala ka sa painom inom mo? Wala kasi hindi mo s'ya mababalik kahit magswimming ka pa sa punyetang alak na yan! Hindi ka na n'ya babalikan kasi she's a slut na pagkatapos sa isa hindi manlang iiyak dahil mabilis na makakahanap ng iba!" mahabang lintanya ni Beatrice na nagpapintig ng tenga ko at nagpainit ulo ko.
Binato ko yung bote na ikinabigla n'ya.
"Eh putanginang buhay naman talaga toh eh noh?! Pwede mo akong tawagin ng bobo at tanga dahil nagpapakalunod sa alak. Pwede mong ipamukha sa akin na hindi na n'ya ako mahal dahil matagal ko na iyong alam. Pero utang na loob, Beatrice! Utang. Na. Loob. Kung ayaw mong dumampi ang kamao ko sa pagmumukha mo, wag na wag mong sasabihan o tatawagin ng kahit anong negatibo si Solemn. Wala kang alam," inis na bulyaw ko.
Sa bawat sinabi ko ay may diin at rinig mo ang gigil kaya hindi na ako nagtataka na namumuo na ang luha ni Beatrice sa takot.
I've always been the kind of guy na tahimik at hindi showy. Hindi ako magsasalita unless gusto ko.
"T-tunay naman ah! Hindi s'ya umiyak! Nakita mo ba s'yang umiyak?! Hindi! Kasi ginamit ka lang nya! Kahit itanggi mo pa alam kong hindi na kayo virgin! Siguro nga s'ya pa nag iinitiate--"
"Tangina, Beatrice. Pu. Tang. Ina. Tinawag mong slut si Solemn, tapos ngayon sasabihin mo hindi na kami virgin at s'ya pa ang nag iinitiate?! Tangina, kung hindi ka lang babae napatay na kita. Una sa lahat para maliwanagan yang makitid mong istupidong utak, sa harap ko mismo umiyak ang mahal ko na si Solemn. Kahit ako ay umiyak sa harap n'ya kaya kung hindi ka naman sadyang tanga gumagawa ka na ng istorya eh wala kang alam kahit katiting. Pangalawa, wag mong itulad sa'yo si Solemn dahil bukod sa magkalayo ang starting letter ng pangalan n'yo sa alphabet, magkalayo rin kayo ng ugali. Ikaw malandi ka na kahit kanino nagpapatira, s'ya inosente na hindi kailanman magpapatira hanggat hindi pa kinakasal. Pangatlo, wag na wag mong gagawing salamin mo ang mahal ko dahil kailanman hindi s'ya magiging ikaw at mas lalong hindi mo s'ya mapapaltan," seryosong saad ko na may halong inis at galit sa bawat salita na binitawan ko.
Binato ko ung baso sa paanan n'ya at nabasag yon dahilan para masugatan ang binti n'ya. Naiyak na s'ya dahil sa mga sinabi ko pero wala akong naramdamang awa sakanya.
"Magpasalamat ka hindi sapak ng kamao ko ang natanggap mo dahil baka macomatose ka pang pokpok na babae ka. Hindi ko alam kung anak mayaman ka ba talaga dahil sa ugali mong nakakatangina. Gamutin mo sarili mo. Linisin mo yang kalat na yan. Ayokong makarinig ng iyak mo at pagwawala mo simula ngayon. Ayokong datnan bukas paggising ko yang mga yan." Utos ko at umakyat na patungo sa kwarto ko.
Nasa iisang bahay kami dahil kailangan raw namin maging marunong na hindi umaasa sa iba.
Lingid sa alam nila na gera ang nangyayare samin dito sa loob.
Pagdating sa kwarto ay pinagsusuntok ko yung punching bag ko at hinayaang umagos ang luha ko.
"I miss you, Solemn."
=====
BINABASA MO ANG
Someday
RomansaLoving wasn't easy, but moving on is harder. Written on: 2018 Edited on: 2020