Chapter 5

39 21 17
                                    

Solemn's POV

"Ano na?" tanong neto habang nakahiga sa kama ko at ako naman ay nakaindian sit lang.

"Pwede bang bukas nalang? Inaantok na ako eh," sabi ko at nahiga bago magtalukbong ng comforter na agad naman nyang tinanggal.

"Palusot kang babae ka! Kwento na kasi!" kunot noong utos nya pero kinuha ko phone ko at tinapat sa mukha nya nung mabuksan.

"Hating gabi na! Buisit!" yamot na sabi ko at natawa naman s'ya.

"Osige, bukas nalang. Goodnight, best friend!" ngiti neto.

"Goodnight, Charmelle," sabi ko bago makatulog na ng tuluyan.

*KINABUKASAN*

"GISING NA!" napabalikwas ako sa biglang pagsigaw ng katabi ko at napalinga kaya pinagtawanan n'ya ako.

"Ano baaaaaaaa?!" sigaw ko at nahiga ulit bago nagtaklob ng unan sa mukha.

"Tanghali na kaya, Solemn! Bumangon ka na dyan! Magkukwento ka pa sa'kin habang nagala eh!" Sabi neto kaya naupo na ako at napakusot sa mata.

Medyo masakit kasi ramdam ko parin ang pamumugto neto sa ilang araw na pag iyak ko.

"Ligo muna ako.." matamlay na sabi ko at halos gumapang na papunta sa banyo.

Naligo na ako at nagbihis na ng maong shorts at white sando. Tinuck in ko yung white sando sa maong shorts at naglagay ng brown belt. Nagsuot na rin ako ng brown flat sandals.

"So tara?" sabi ni Charmelle na nakaover all jumper na denim at black tube sa loob. Nakasketchers lang s'ya na white.

Tinanguan ko lang s'ya at naglakad sabay n'ya.

"Tito, lalayas lang kami ng bestfriend ko!" sabi ni Charmelle kay Dad.

"Sige lang basta wag patanga tanga sa daan ha?" sabi ni Dad at umirap kami ni Charmelle.

"Patanga tanga talaga, Dad?" tanong ko at tumawa lang ito.

Mukha lang akong ayos pero yung puso ko parang dinudurog parin. Masakit parin.

Nung makarating kami sa madalas naming tambayan ni Charmelle na milktea shop ay nagsimula na s'yang magtransform from Charmelle to Boy Abunda.

"Ano nangyare? Bakit nabalitaan ko nalang kay Lander yung mga nangyare? Ha?! Bakit kayo nagbreak? Bakit---" Natigilan s'ya nung mapansin n'yang umiiyak na ako.

"Walanghiya ito oh.." bulong n'ya at inabutan ako ng panyo.

"Hindi ka pa nga nakakasagot ng isa, umiiyak ka na? Ganon ba kalala? Hindi na'ko magtatanong, ikwento mo nalang lahat," sabi neto at uminom ng milk tea n'ya.

Pinunasan ko yung luha ko at kumain ng jipei (chicken).

"Ganito kasi yung nangyare..." kinuwento ko sakanya yung mga nangyare. Detalyado lahat dahil yun ang gusto n'ya.

"So sinasabi mo na sinabi n'yang maghintay ka pero may ganito?!" Bulyaw n'ya na nakatingin sa pictures ni Kris at nung bago n'ya.

"Hoi wag ka nga maingay pinagtitinginan na tayo oh," sabi ko at napahalukipkip sa sariling palad.

"Psh I don't care. Tell me, pinapairal mo pa ba ung bobo mong puso? O pinagana mo na yung utak mong nagiging istupido pagdating sa love?" prangkang tanong n'ya kaya naman napasimangot ako at muling pinunasan ung luhang tumatakas sa mata ko.

"Palagay mo?" tanong ko sakanya.

"Yung bobo mong puso," sagot neto at inabot sa'kin yung phone ko.

"Wow! Hindi pedeng 50-50?!" inis na saad ko at napaub ob nalang sa lamesa dahil tama naman s'ya.

"Alam kong pinili mo yung utak mo... Pero pinipigilan parin ng puso mo, hindi ba?" napatunghay ako sa sinabi n'ya at nakitang nainom s'ya ng milk tea.

"It's hard.." sabi ko at umiyak nanaman dahil naisip ko nanaman si Kris.

"Do you know what you need to do?" tanong neto at napailing ako habang nagpupunas ng luhang patuloy sa pagtulo.

"Accept," maikling sabi n'ya na parang natigilan naman ako. Accept? Accept what?

"Tanggapin mo na hindi na ikaw. Na may iba na s'ya. Acceptance," sabi n'ya at napaub ob naman ako habang umiiyak ng tahimik.

I know na tama s'ya. Pero pano ko tatanggapin kung sinabi n'ya na hintayin ko s'ya 'di ba?

"Tumingin ka sa paligid mo. Baka nandyan pala ang makakatulong sayo," rinig kong sabi n'ya at napatinghay naman ako.

Saktong lingon ko sa entrance door na nasa likuran ko ay ang pagpasok ni Kuya Lander.

"Hi!" bati n'ya sa'min at naupo sa tabi ko. Napakunot noo ko kay Charmelle na natatawa.

"Okay ka lang?" napatingin ako kay Kuya na nasa tabi ko at nginitian s'ya bago napawi pagkakunot ng noo ko.

"Yeah," sagot ko at pinadlis na ang luhang nagbabadya.

"So bakit moko pinapunta dito, Charmelle?" tanong ni Kuya sa matalik kong kaibigan na wala ng ginawa kundi ipagpilitan ako kay Kuya Lander kahit paulit ulit kong sabihin na kuya ko lang s'ya.

"Naghahanap kasi ako ng tutulong sakanya magmove on at ikaw unang pumasok sa utak ko," ngiti neto kaya tiningan ko s'ya ng masama.

"May utak ka pala," simangot ko sakanya na sinuklian n'ya ng nakakainis na ngisi.

"Mauna nako, may date kami ni B," nanggigigil ko s'yang nginitian at natawa naman sya.

"Enjoy your day, lovebirds!" nanlaki mata ko sa sinabi n'ya at namula.

"Magkuya kami!" sabay naming sabi ni Kuya Lander at dumila lang ito bago tumawa at tumakbo palabas.

"Pagpasensyahan mo na si Charmelle," sabi ko at kumain ulit ng Jipei.

"Sanay na ako. At sang ayon naman ako sa kalokohan n'ya," sagot n'ya at may binulong pa s'ya pero hindi ko na narinig dahil tumayo s'ya para umorder ng kakainin n'ya.

Nung makabalik s'ya at tahimik lang kaming kumain.

"Sabihin man ni Charmelle o hindi, andito lang ako para tulungan kang magmove on."

=====

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon