Prologue

441 8 3
                                    

Where am I? Nasaan ba ko? I opened my eyes and saw a smiling guy in front of me. "What the--?!" napatayo ako bigla. Sumulpot ba naman sa harap ko?!

"Hello!" kumaway pa siya sa 'kin, tch. He's wearing a t-shirt and long pants with shoes, all white, and he's kinda glowing too. "Kumusta na yung pakiramdam mo? Ayos ka na ba, Kelvin?"

Tumingin ako sa paligid. Puti lang at mukhang kaming dalawa lang 'yung nandito, "Nasaan ba ko?" naguguluhan ako, kung panaginip ito, bibigyan ko nang 20,000 pesos yung gigising sa 'kin.

"Ang rude mo, ako 'tong nagtanong." kung sapukin ko kaya 'to? Ang pangit niyang mag'pout, tch. "Hoy, sino pangit?!" nababasa niya yung nasa isip ko? "Ano na? Kamusta yang pakiramdam mo?"

I sighed at kumanot sa ulo, "I feel like a thrown sh*t. Nasa'n ba kasi ako? Anong lugar ba 'to? Nasa langit na ba ko? Hindi ako bagay doon."

Kinaway niya yung index finger niya na parang nagbabawal, "Your language is not nice, Mr. Harris."

"Who cares? Sabihin mo nalang kung nasaan ako para makalabas na ko, dami-dami pang sinasabi."

He crossed his arms then smiled, problema nito? Bakla ata. "Wala ka bang naaalala bago dumilim yung paligid mo?"

"Kelvin, sa'n mo ba gustong kumain?" tanong ni Alice habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Umuulan ngayon at gabi na, may pinuntahan pa kasi kami.

"Paniguradong sarado na yung mga restaurants niyan, 7-11 nalang tayo."

Umihip yung malakas na hangin dahilan para liparin yung payong. "Ano ba yan!" kukunin na sana niya yung payong pero umiihip ulit yung hangin kaya nilipad. "Waah!" hinubad ko yung leather jacket ko and wrapped it around her.

"Take care of yourself," sermon ko. Ngumiti nalang siya at lumakad na papunta doon sa payong. May nahagip yung mata ko na ilaw at yun ay galing sa isang truck.

BEEEEEEEEEEEEPP!!!

Napatigil siya sa gitna ng kalsada habang nakatitig sa truck with horror while I ran towards her. "ALICEEE!!!" then, everything went blank.

"I remember now, nasa'n na nga ako?" hindi pa kasi sagutin yung tanong ko.

"I can't tell you that but you're already dead."

Napataas ako ng kilay, "Dead? Eh gumagalaw pa ko, alam mo ba yung ibig sabihin ng 'Dead'?" common sense, pwede? Suntukin ko kaya siya para malaman niya kung ano yung 'Dead'.

Halata sa mukha niya yung pagkainis, "Minamaliit mo ba ko?! Ewan ko lang kung bakit binigyan ka ni God ng pagkakataon para mabuhay ulit!"

"Pagkakataon? Chance? God?" ano naman yun? Anong ibig niyang sabihin?

Tumango siya, "Oo, ang bait kaya ni God, binigyan ka niya ng pagkakataon. Pero may dapat kang gawin at si Cupid yung nag'utos nito," he smiled. "Marry a woman."

Ang dali naman pala niyan eh. Ang daming nirereto sa 'kin kaya kukuha nalang ako diyan ng isa then boom, tapos.

"Easy as pie."

Mas lumawak yung ngiti niya, "It's not that easy, Kelvin. Yung papakasalan mo, dapat yung babaeng mahal mo, yung gusto mong makasama sa buong buhay na ibibigay sa 'yo ni God. In one month, kapag hindi ka nagtagumpay, babawiin ni God yang hiniram mong buhay sa kanya."

Marry the woman I love? "Wala akong mahal, patayin mo nalang ako." he did some few signs at may lumabas na tubig sa gitna. I can see my body, kung ano-ano ang mga nakasaksak sa 'kin at may benda yung ulo ko. I can see Alice too na hawak-hawak yung kamay ko habang umiiyak. "Make her stop crying."

Nawala na yung tubig, "Hindi ko siya kayang patahanin. Now, I will let you go back to your body if you accept my deal." may lumabas na papel sa gitna, with matching pen na parang pakpak ng kalapati or something, basta makaluma, yung isinasawsaw sa ink. "So?"

God will let you live to do your mission, marry the woman you love and loves you back, in one month. If you fail, God will take your life.

___________

Signature

Kinuha ko na yung pen at pumirma, "Deal." inilahad niya yung palad niya and I shook it.

"I'm Death, by the way."

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon