Kelvin's P.O.V.
"Hanggang kailan mo ililihim kay Alice yung tungkol sa marriage arrangement mo?"
I looked at the mirror one more time at inayos na yung suit kong suot. "Ako na ang bahala roon, just stay quiet. I can take care of this," Through the mirror, I can see how worried Death is.
"No, you can't." At nag'disappear na siya. Yes, I can.
Lumabas na ko ng kwarto ko at pumunta na ng baba kung saan naghihintay si Uncle Nathaniel.
"Let's go now, shall we?" I nodded at Uncle Nathaniel at sumakay na kami sa kotse.
I'm going to face the woman I'm going to marry, I'm going to face my death at the end of the month. Hindi ko kayang sabihin kay Alice na magkakaroon na ko ng fianceé, paniguradong masasaktan yun, miski nga ako eh.
Lumabas na kami nung huminto yung kotse, so sa isang eleganteng restaurant ko makikita yung fianceé ko? Well, good luck.
"Mr. Smith?" Tumango naman si Uncle Nathaniel at sinundan namin yung waiter na magtuturo kung saan yung reservation namin. Nasa pinaka'tuktok daw ito ng restaurant.
Pagkalabas namin ng elevator. Agad kong nakita yung fianceé ko and our eyes met. She's gorgeous but no one can top Alice to me.
Umupo na ako sa harap niya and her cold beautiful onyx eyes stared at me, "It's good to see you again, Xyrile."
"The feeling is mutual," Kailangan ng plastikan sa business lalo na kung marriage arrangement ito. "You're going to be my soon-to-be-husband? How pathetic,"
"Xyrile, language." Sabi nung Dad niya.
I smiled, "The feeling is mutual too," Tinapunan niya ko ng isang matalim na tingin.
"Why are you here?"
"To sign the contract,"
"But I thought you and-"
"Can you sign this, please?" Mukhang naintindihan naman niya ko at pinirmahan na yung papel na ibinigay ko. Please lang, Xyrile, h'wag mo kong unahan sa pagsabi nito kay Alice.
"So Kelvin, you and Xyrile are classmates?" I nodded at Mr. Henz. "That's great, mas may time pa kayong magsama."
Umirap nalang si Xyrile at nagsimula na siyang kumain. This is the thing I like about her, she's not afraid to show what she is.
Death's Deal
Alice's P.O.V.
Absent si Kelvin... pati na rin si Xyrile. No matter how much I trust Kelvin, hindi pa rin mawala yung pangamba ko. Magkasama ba sila? Katulad nung sabay silang na'late dahil sabay silang kumain sa field.
"Ayos ka lang ba, Alice?" Tanong sa 'kin ni Freshlin.
"Y-Yeah," Pinagpatuloy ko na yung paggupit ng mga bulaklak habang si Freshlin naman, gumugupit ng square.
"Alice, akin yung square, hindi sa 'yo." Kumunot yung noo ko at tiningnan yung gawa ko. Isa itong square at hindi bulaklak. "Jusmiyo, mahirap palang ma'in-love. Ako na nga yang gagawa ng bulaklak,"
"Sorry," Nahihiya kong sabi at gumupit na ng square. Nakakahiya talaga-
"Bulaklak naman ngayon yang ginagawa mo!"
"S-Sorry talaga!"
Napasalo nalang siya ng noo, "SQUARE ang gagawin mo." Tumango nalang ako.
Gumagawa kami ngayon ng designs para sa pangalan ng section namin, luma na eh. Dahil nga president si Freshlin, siya yung naatasan dito at ako naman yung napili niyang assistant.
"Sorry talaga, Freshlin."
I saw her smiled pero hindi siya tumingin sa 'kin, "Kung ako yang nasa posisyon mo, ganoon din naman yung iisipin ko... na magkasama si Kelvin at Xyrile ngayon. Hindi naman kita masisisi, isa ka lang naman taong nagmamahal eh at may karapatan kang isipin yan dahil boyfriend mo si Kelvin." Wow, ang galing talaga nitong si Freshlin.
"Thank you,"
"Anong 'thank you'? Ibibigay mo sa 'kin yung number ni Wharyl, hindi libre yung advice ko."
Tumawa nalang ako, "Sige, ibibigay ko sa 'yo mamaya." May karapatan naman pala ako eh. Magkasama nga ba sila?
Death's Deal
Kelvin texted me na makipag'kita raw ako sa kanya sa park. Baka may surprise na naman siya?
I saw him sitting in a bench at naka'suit siya. Anong meron? Lumapit na ako sa kanya pero hindi niya ko napansin, malalim ata yung iniisip niya.
"Alice, I want to break-up with you." Mahina niyang sabi. "Pa'no ko sasabihin sa kanya?"
"Y-You what?" Nagsisilabasan na naman yung mga luha ko, bwisit. Napatingala agad siya at nanlaki yung mata. "You want to... t-to break-up with me?"
"A-Alice," Tiningnan niya lang ako at yumuko siya. "Y-Yes,"
"F*ck naman, Kelvin! Hindi pa tayo tumatagal, magbe'break na tayo?! Anong kalokohan yun ha?! Bwisit ka pala eh! Isang bwisit na mahilig magpa'asa! Nakasama mo lang ng isang araw si Xyrile, ayaw mo na agad sa 'kin?! Tanggap ko naman na mas maganda sa 'kin si Xyrile pero sana, hindi mo ko pinaasa! Masakit kasi yun, Kelvin! Sobrang sakit!" Tumakbo ako papalayo. Akala ko, hahabulin niya ko pero umasa na naman ako. Bwisit, bakit ba nagkakaganito yung buhay ko?!
All the way home na pagtakbo, may nakabunggo ako dahilan para mawalan ako ng balanse pero may sumalo sa akin, "Alice?"
Binuksan ko yung mga pikit kong mata and saw Fred. Itinayo niya ako at bigla nalang akong napayakap sa kanya.
"Masakit, Fred, ang sakit-sakit isipin."
Death's Deal
Kelvin's P.O.V.
Pagkarating ko sa kwarto ko, isang suntok agad yung natanggap ko mula kay Death. Hindi na ako nakalaban dahil pagod na ko, ni hindi nga ako makatayo eh. Puso lang yung nasaktan, apektado na buong katawan.
"You're a coward, an idiotic coward." Madiin niyang sabi at hinila ako patayo. "Hindi mo ba alam kung ano na yung nasa 'yo ha? Hawak mo na nga yung babaeng mahal ka, pinakawalan mo pa para sa lang sa walang kwentang marriage arrangement na yan."
"I'm not an idiot," I clenched my fist. "I'm an *sshole, that's me. I'm not stupid, Death. Alam kong mahalaga sa 'kin si Alice pero pinakawalan ko siya."
"Nakikita mo na ba yung pagkakaiba niyo ni Renhero?" Kumunot yung noo ko. "Isa kang malaking duwag na takot lumaban, mas maangas ka nga pero mas matapang siya."
"Hindi ako sinabing duwag eh!" Pinaka'ayaw ko sa lahat eh yung tinatawag akong duwag! "Ginawa ko lang iyon dahil yun lang yung maitutulong ko sa pamilya ni Natasha na inalagaan ako simula noong namatay yung mga magulang ko! Si Renhero, buo yung pamilya niya at wala siyang dapat bayaran kina Natasha kaya kaya niyang lumaban! Eh ako?! Sila yung maasahan ko tapos tatanggihan ko yung pagkakataon kung saan ako makakatulong?! Sabihin mo nga, Death, duwag ba ko sa tingin mo?! Ha?! Ang duwag, ayaw nang nasasaktan! Eh ako nga, bugbog-sarado na nga 'tong puso ko, sinasaksak pa ng bwisit na konsenya na yun yung isip ko! MASAKIT yun, Death!" Napaupo nalang ako sa sahig. Halos hirap na kong makahinga dahil pinipigilan kong h'wag umiyak pero ayaw paawat eh, tumutulo na sila.
"What did I told you, Kelvin? A world will go against the two of you, it's the business world, Kelvin. Lahat ng problema, may solusyon, walang magagawa ang pagiyak mo diyan."

BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...