"Hey, Kelvin, bagay ba sa 'kin 'to?" tumango ako kay Alice at inilagay na niya sa cart yung binili niya. "Siguraduhin mo lang, Harris, or else."
I pushed the cart, "Ang ganda mo nga." namula siya na ikinatawa ko. Kinilig na siya nun? Ganoon pala yung weakness niya ah.
Napag'isipang mag'mall ni Alice ngayong Sabado sa hindi mapaliwanag na dahilan, ayaw sabihin eh. Baka para 'to sa Valentine's Day, sino kaya yung ka'date niya? He need to make sure that he'll take care of my best friend or I'll make his life miserable than ever.
"Waaah! Pizza!" katatapos lang naming mamili at nandito na kami sa Greenwich, matakaw si Alice pero hindi yan tumataba. Ewan ko kung bakit, baka umiinom siya ng Fat Burner, who knows?
Girl stuffs daw kasi kaya ayaw sabihin, nagiging masikreto na siya through years. Dati nga, sinasabi niya sa 'kin kung meron siya o wala at saka kung kailan siya magkakaroon. Saklap nga noon, lalo na nung pinabibili niya ko ng pad. Lalaki? Bibili ng pad? At si Kelvin Harris pa yun? Baka masira yung pangalan ko.
"Ano yang iniisip mo at tinititigan mo ko? Ha? Inlab ka ba sa 'kin?" napa'iling nalang ako at kumuha na ng pizza bago niya maubos dahil last na 'to. Takaw talaga ng babae na 'to, tch. "Hoy!" kinuha niya yung pizza sa kamay ko. "Akin 'to! Ano ka, sinuswerte?"
"Excuse me? Eh ako nga yung nagbayad niyan kaya may karapatan akong kainin 'tong pizza na binayaran KO." hinablot ko na sa kanya at isusubo na. Pero bwisit na teary-eyed at pouty-lips yan, hindi ako makakain. "Stop it," mas naging teary-eyed pa siya! Ano ba yan! I sighed at binigay na yung pizza sa kanya, baka kasi umiyak eh.
"Yay!" napa'iling nalang ako sa childishness niya. Mga isip-bata talaga ngayon, oo.
Naalala ko na naman noong umiiyak siya. I don't want to see any tears that will fall in to her beautiful eyes, she's innocent. Masaklap doon eh ako pa yung dahilan kung bakit siya umiiyak, I can't stand her being hurt.
Death's Deal
"Thank you!" Alice hugged me, "Ang bait mo talagang best friend, muah! Mauna na ko ha? Kita-kits nalang mamaya," I waved at her before she entered her house.
Pinaandar ko yung kotse ko and while driving, I saw Xyrile talking to Nick. I thought they broke-up already? Nick is Belle's boyfriend, right? O mali lang talaga ako? Ang gulo naman nung lalaki na yun, palibhasa maraming naakit sa kanya pero mas marami yung sa 'kin, gwapo ako eh.
"Renhero?" Anong ginagawa ng mokong na 'to sa bahay nina Uncle? Nanonood pa siya ng TV, tch. "Anong ginagawa mo rito?"
Ngumiti si Renhero sa 'kin, "I am ready to face Sir Nathaniel." he said proudly and Natasha came from the kitchen.
"Please, brother."
"Do what you want," dumiretso na ko ng taas at humiga sa kama. Kahit gusto kong tulungan yung dalawa, hindi ko talaga magawa dahil nga doon sa misyon ko. "What do you want, Death?"
"Tulungan mo na yung dalawa, nakakaawa naman. Tama naman yung ginagawa nila eh."
Napatingin ako ng masama sa kanya, "Tama? Anong tama roon, Death? Pwede naman nila itong itago nalang at hindi na ipaalam kay Uncle Nathaniel! Alam naman nila yung reaksyon niya kapag nalaman ni Uncle yung tungkol dito! Magugulo ang lahat! Ano ang tama roon?!" ewan ko pero lumalakas na yung boses ko. Natatakot ako na mawala si Renhero sa tabi ni Natasha, I can't protect her right now! Si Renhero lang yung maaasahan ko, siya lang kahit loko-loko yun!
"Gusto mong sabihin ko sa 'yo kung ano yung tama? Yung tama roon eh yung pinaglalaban nila yung relasyon nila. Wala silang tinatago at handa silang sapuhin lahat nung tinik na ibabato nung tatay ni Natasha basta magkasama silang dalawa. Tama yung ginagawa nila dahil hindi sila takot. I've never seen a guy like Renhero. Yung iba diyan, itinatago kung ano yung meron sila pero si Renhero? Hindi, hindi siya natatakot na ipaalam sa buong mundo na sila na ni Natasha because he's proud of her."
Can't he see the problem here?! "I can't protect Natasha, Death, I can't! What will happen kung hindi pumayag si Uncle Nathaniel sa relasyon nila?! Paghihiwalayin niya yung dalawa at sino nalang yung poprotekta kay Natasha?! Wala dahil nasa ganito akong sitwasyon!" namumula na siguro ako dito sa galit pero siya, kalma lang pero may pagaalala.
"Have faith on them," f-faith? "Pa'no mo mapapakasalan yung babaeng mahal mo kung hindi mo kayang magtiwala sa ibang tao?" anong ibig niyang sabihin? "You don't know how to fight, you think lahat ng bagay na sinasabi ng Uncle mo ay tama. Lahat ng tao may pagkakamali, kahit pa yang Uncle mo." napatakbo ako sa labas para tingnan kung ano na yung nangyayari.
I can't believe it but at the same time, I'm happy. Natasha's parents are talking to Renhero and it looks like they are happy.
"Hindi ikaw ang may hawak ng future, h'wag kang assuming." kainis talaga 'tong Death na 'to, bwisit. "Once you meet the girl you love, a world will go against the two of you."
Kinuha ko yung phone ko, "Alice, sila na ni Natasha."
BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...