Chapter 8

66 4 0
                                    

Kelvin's P.O.V.

Umupo na kami ni Alice sa may bleachers at hinihintay yung fireworks. I don't know kung ano yung pumasok sa isip ko at umakto nalang ako na parang boyfriend ni Alice pero hindi naman siya nagre'reklamo kaya okay lang.

Yung ginawa ko kanina, si Cupid yung nagplano no'n pero pumayag naman ako. Pagkalipas ng ilang minuto, tumabi sa amin sina Belle at Nick then sina Natasha and her boyfriend.

"Baby, I can't wait! Kyaaa!"

"Oo nga, maganda yun panigurado, baby. Kasing ganda mo!"

"Babe, kung gaano kalakas yung pagsabog ng fireworks, gano'n kalakas tumitibok yung puso ko tuwing magkasama tayo."

"Ako naman, babe. Masyado mo kong pinapakilig. Kung gaano naman kakulay yung mga fireworks, ganoon mo kinulayan yung mundo ko."

Anong kakornihan yun? Ma'testing nga. "Alice," Napatingin siya sa 'kin at nag'taas ng kilay, "Kung gaano kalakas yung putok ng fireworks... ganoon din yung sa kili-kili mo. Abot hanggang langit." Hinampas niya ko ng pagka'lakas-lakas, as in yung MALAKAS. "Aray naman!"

"Bwisit ka!" Salubong na yung kilay niya at mukhang bad trip. I sighed at inakbayan siya.

Nagsimula na yung fireworks display at puso yung hugis nito. Ngayon, nakikita ko ngayon kung bakit parang fireworks si Alice, "Maikukumpara kita sa fireworks. Tuwing makikita kita ay nangingiti ako at sinasabi ko pa ito sa ibang tao, nalulungkot ako tuwing mawawala ka. Ako yung madilim na langit at ikaw yung fireworks, ikaw lang ang nagniningning sa buhay ko." She leaned on my shoulder nung inalis ko na yung pagkakaakbay ko. This is one of the greatest day of my life.

"It's beautiful," Yung grand finale niya ay yung hugis ng Cupid at word na 'Happy Valentine's Day, Wareton Students'.

"Did you enjoy your Valentine's Day?" Tanong ni Death sa 'kin kasama si Cupid nung nasa CR ako.

"Yes, hindi pa ako naging gan'tong ka'saya." Walang halong biro. Masaya ako ngayon kahit naging simpleng araw lang ngayon.

Nalaman ko na in-love ako sa best friend ko eh.

Death's Deal

"So, kulang nalang eh yung tanungin mo si Alice na maging girlfriend mo?" Tumango ako kay Death habang nakatingin sa picture namin ni Alice. "Haaay, salamat! Nahanap mo na!" Napangiti nalang ako. Kung hindi kasi ako tanga, edi sana dati pa, alam ko na.

"So, anong balak mong gawin, Kelvin?" Tanong naman ni Cupid habang pinapana pa rin yung picture naming dalawa ni Alice at mukhang unlimited yung arrows niya.

"I'll wait for the right time," Hindi ko kailangang madaliin at baka magulat siya.

"P-Pinapatawag kami ni God, bye!" Kumunot nalang yung noo ko at sabay silang nag'disappear. Problema nung dalawa na yun?

"Dinner is ready, Kelvin." Tawag ni Aunt Natalia - yung nanay ni Natasha.

"I'll be right there, thank you."

Itinago ko na yung picture namin ni Alice sa wallet ko at bumaba na. Uncle Nathaniel, Aunt Natalia and Natasha are already in the dining room.

"Kelvin," Napatigil ako sa paghiwa ng karne at napatingin kay Uncle Nathaniel. "I want you to watch Natasha. Si Renhero, wala pa siyang masyadong alam tungkol sa buhay namin kaya mas magandang bantayan mo pa rin si Natasha. H'wag mong sasabihing may nagtatangkang pumatay sa anak ko, hayaan mong malaman niya ito."

"Yes, Uncle."

"About school, how is it?"

I smiled slightly, "It's going well. Nagiging interesting na po," Tumango nalang si Uncle Nathaniel at si Natasha naman yung tinanong.

After we ate, pumunta na kaming garahe at naghihintay doon si Renhero, katabi nung kotse niya. "Natasha, sabay ka na sa 'kin!" Tumingin muna si Natasha sa 'kin at tumango naman ako.

"Papatayin kita kapag may nangyaring masama sa kanya," I said coldly bago pumasok sa kotse ko.

As always, susunduin ko si Alice. Nung makarating ako roon, nandoon na naman yung bwisit na lalaki na yun but this time, natutuwa na si Alice. Sino ba kasi yung lalaki na yan? Ayoko namang itanong kay Alice, baka sabihin nagse'selos ako eh hindi naman.

"Hoy, Alice!" Napatingin sila sa 'kin. "Sumakay ka na, bilisan mo!" Nanlaki yung mata ni Alice at nagpaalam na roon sa bwisit na lalaki bago sumakay.

"Lagi mo ata akong sinasabay pagpasok. By the way, nasaan na ba si Natasha at hindi ko na kayo nakikitang magkasama?"

Tumingin ako saglit sa kanya, "Boyfriend."

"NAGTANAN SILA?!?!?!"

BBBEEEEEEEEEEPPPP!!!

Natapakan ko tuloy yung break kaya nasubsob siya, hindi kasi naka'seatbelt. "Grabe ka naman, Alice! Bawal bang magkasabay sila?"

Hinimas-himas niya yung noo niyang nauntog habang naka'pout, "Machakit yun! Oo na, magkasabay na sila! Hindi kasi linawing mabuti!"

I shrugged at nag'park na ko sa parking lot, "Hey, is that Nick?" Lagi kong nakikita 'tong si Nick na kasama si Xyrile, para talagang may nangyayari between them eh.

Nilapitan namin siya at mukhang napansin nila kami kaya napatagil sila sa pag'uusap. "Kung iniisip niyo na may relasyon kami ni Nick, wala iyon. Yan naman kasi lagi yung tumatakbo sa isip niyo eh," Inis na sabi ni Xyrile at umalis na.

Tinulak ni Alice si Nick, "Niloloko mo ba yung best friend ko?" Tinutukan niya ito ng daliri niya - yung naka'porma na parang baril - sa ulo.

Nagtaas naman ng dalawang kamay si Nick na parang susuko. Mga bata talaga ngayon, tch. "Hindi, business lang talaga yung pinaguusapan namin. Nothing more. Hindi pa naman kami ni Belle kaya pwede pa akong makipag'usap sa ibang babae, 'di ba?"

I can see that Alice is hurt by his word. Sino ba ang hindi masasaktan sa sinabi niya? Hindi ko ma'explain pero parang masakit marinig yung mga sinabi niya, pa'no pa kaya kung si Belle yung makakarinig noon? Umalis na si Alice ng walang imik at tinapunan ko muna ng masamang tingin si Nick bago sundan yung best friend ko.

"Hi, sis! Goooood morning!" Masiglang bati ni Belle with her usual happy-smile. Nangiti naman si Alice kaya napangiti na rin ako, nakakahawa siya eh. "Gloomy ata kayo? Meron ba kayong dalawa?"

Hinampas ng mahina ni Alice si Belle, "Ano ka ba, sis! Wala!" Tumawa nalang si Belle at nagusap na silang dalawa, nakasunod lang ako sa kanila.

Kailan ko kaya siya matatanong? Mamaya? Ayokong masira yung relasyon naming dalawa bilang magkaibigan pero gusto ko talaga siyang maging akin, yung walang suitors na lalapit sa kanya. Hihingi na naman ba ako ng tulong kay Death at Cupid?

Si Xyrile, she's a mystery. The way she looks at me, parang may meaning pero hindi ko alam. Parang may tinatago siya.

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon