Chapter 9

67 3 0
                                    

"Alice, may pupuntahan lang ako." Iniwanan ko muna silang dalawang mag'kwentuhan para pumunta sa field. May nag'text sa 'kin na pumunta raw doon, wala naman sanang masama kung susunod ako.

Pagkarating ko sa field, wala namang tao pero may dalawang lunch box sa isang bench. Then, I saw Xyrile coming. Anong ginagawa niya rito?

"-Are you the one who texted me?"

"-Ikaw ba yung nag'text sa 'kin?"

Nagulat kami dahil sabay pa kaming nagtanong. Hindi naman pala siya, sino? Tiningnan ko yung dalawang lunch box at nandoon yung pangalan namin ni Xyrile.

"I guess, someone set this up." Umupo na siya sa bench at sinimulang kainin yung pagkain na may pangalan niya.

Ganoon na rin yung ginawa ko. "Xyrile, h'wag kang magagalit. Bakit ba ganoong umakto si Nick?" I asked. The silence is killing me, I'm not comfortable around her.

"Yun ba? I don't know either, he's acting weird."

"Hindi ba lagi kayong magkasama?" Mali ata yung tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin gamit yung nakakainggit niyang itim na mata, "Lagi mo ba kaming pinapanood?"

"Hindi,"

"Edi hindi kami laging magkasama,"

I just sighed at pinagpatuloy na yung pagkain. Sino naman kaya yung nag'set-up nito? Baka si Death? Teka lang, nilalagyan niya ba ng twist yung buhay? Well, hindi siya magaling.

"Thanks for the food, whatever you are." Inilapag ni Xyrile yung lunch box at umalis na. What is her problem? Parang siya yung girl version ng ugali ko eh, cold and distant.

Kinuha ko yung tubig at uminom, "Kelvin, my friend!" Nailuwa ko yung tubig. HAMPASIN BA NAMAN YUNG LIKOD KO?!?!?! "Pasensya na, aking kaibigan! Ano ang dahilan at ikaw ay naparito?"

Pinunasan ko nalang yung bibig ko at inayos na yung lunch box, "Reck, h'wag na nga ulit gagawin yun. Ba't ba ganyan kang magsalita? Nahawa ka ba kay De- Mr. Dy?" Muntikan ko pang masabing 'Death', buti nalang matalino ako.

He flashed a smile and thumbs-up, "He is such a good teacher, my friend! Nakakalungkot na hanggang isang buwan lang siya rito!" Daldal siya ng daldal habang naglalakad kami sa hallway. Nagulat ako nung bigla niya kong akbayan, "Kamusta na kayo ni Alice? Naging maganda ba ang inyong pagsasama noong Araw Ng Mga Puso?"

Sh*t, si Alice! "Reck, mamaya nalang!" Inalis ko na yung pagkakaakbay niya at dumiretso sa cafeteria pero konti nalang yung tao roon. Nakalimutan ko siya!

Nakasalubong ko pa si Xyrile dito sa pinto at nagkatitigan muna kami bago ko buksan yung pinto at pumasok na kaming dalawa.

Tumingin silang lahat sa aming dalawa. Lumapit yung teacher namin, "Ano ang inyong dahilan at late kayo?"

"-Pumunta ako ng field para kumain."

"-Kumain ako sa field."

Nagsimula na silang magbulungan, "Class, silence!" Tumahimik naman yung mga kaklase ko at nag'taas ng kilay sa amin yung teacher, "Sa susunod, maging aware kayo sa oras."

Tumango nalang ako at pumunta na sa upuan ko. Something... is wrong.

Death's Deal

"Where are we going, Kelvin?" Hila-hila ko si Death papuntang likod ng school. Naiinis na ko eh, hindi ako pinapansin ni Alice at mukhang galit sa 'kin si Nick.

"Are you the one who did that?" Madiin kong tanong. Kumunot yung noo niya na parang binabalikan niya yung mga ginawa niya kanina.

"Alin ba?"

"Ikaw ba yung nagpapunta sa amin ni Xyrile sa field at the same time?"

"Whoa, whoa, whoa. Hindi ko kayang kontrolin si Destiny, hindi niyo naman ako shipper eh, KelLice ako." KelLice? Seriously?

Binitawan ko na siya at may nahagip yung mata ko na nakasilip at nung tingnan ko, biglang nawala. Someone is watching us, tch. Maybe, siya yung may gawa nito? Ang problema... ano ang pangalan niya?

Pumunta ako ng parking lot at biglang bumigat yung pakiramdam ko. Sanay kasi ako na nagaabang si Alice sa tabi ng kotse ko habang nagsasalamin pero hindi siya yung naabutan ko, kung hindi si Natasha.

"Kanina pa kita hinihintay,"

"S-Sorry, pasok ka na." Saan naman kaya sumabay si Alice? Kay Vince? O nagpasundo siya roon sa bwisit na lalaking lagi niyang kausap? Saan ba napadpad yung babae na iyon? Baka hindi sanay magmaneho yung driver nung sasakyan niya at nabunggo-.

"She's with Renhero, safe and sound."

Is she reffering to Alice? "Are you okay with that, Natasha?"

Ngumiti siya sa 'kin, "Oo naman. I trust Renhero, he won't do something like that." I hope.

Nadaanan namin yung bahay nina Alice at nandoon na naman yung bwisit na lalaki, kumukulo yung dugo ko sa lalaki na yun eh.

Pagka'park ko palang, dumiretso na ko sa kwarto ko at humiga. Hindi ko na pinansin si Cupid na nagla'laptop kasama si Death at naglalaro sila ng Fire Boy and Water Girl.

"Ayos ka lang ba, Kelvin?" Tanong ni Cupid habang tinutusok-tusok yung tagiliran ko gamit yung arrow niya.

"Hayaan mo na siya, Cupid, laro nalang tayo."

"Hoy, Death, tulungan mo nga 'tong alaga mo!"

"Hayaan mo siya diyan," Wala ng nagawa si Cupid kung hindi ang maglaro.

Sino ba kasi yung lalaki na yun? Parang kilala ko na siya dati eh. Tumayo na ako at dumiretso sa motor ko. Sa ayaw o gusto niya, aalamin ko kung sino yung lalaki na yun.

Guess what? Nandoon pa rin sila at masayang naguusap. Napapansin ko lang na makapal yung eyeliner nung lalaki at medyo mahaba yung buhok pero straight, rakista ata siya eh.

"Eto na pala si Kelvin eh!" Lumapit silang dalawa sa 'kin at si Bwisit, inilahad yung palad niya. "Ako nga pala si-" Hindi ko na siya pintapos dahil agad ko siyang nasuntok pero tumawa lang siya. "- si Fred Feliciano,"

"Kelvin, ano ba?!" Humarang si Alice sa pagitan namin. "Hindi mo ba siya nakikilala?! Siya si Fred!"

"Fred? Yung lalaking nakilala natin sa park?" Tumango siya. Kaya naman pala namumukhaan ko siya eh! "Sorry, dude." Tinulungan ko siyang tumayo. "Mukha ka ng FREDdy Aguilar sa haba ng buhok mo,"

Tumawa lang siya at nag'bump-fist kami, "I love Rock and Roll!" Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi pa rin talaga nagbabago yung mokong na 'to. Nag'vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko kung sino yung nag'text.

From: Natasha

Hey, Kelvin. May sleepover kami mamaya, yayaain mo si Alice para masaya. Na'invite ko na rin si Belle.

Itinago ko na yung cell phone ko at tumingin kay Alice na nakatingin din sa 'kin, "Err... may sleepover mamaya si Natasha. Gusto mong pumunta?"

Ngumiti siya, "Sure, why not?" We're okay... right?

Author's Note: Medyo may iba akong mispelled na words kaya pakiintindi nalang. Mobile kasi yung gamit ko eh pero inaayos ko naman. Thank you sa pagbabasa. (^_^)

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon