"Yaaay! Ang ganda!" Napag'isipan naming lumibot sa school bago dumating yung February 14.
Yung dating green and blue na school namin, napalitan ng pink and red na paligid. Maraming heart balloons at yung mga bushes na hindi gaanong malaki, ikinorte talaga na puso. Sa gate naman, idinikit yung batang naka'diaper at may hawak na bow and arrow na puso yung dulo.
"Organize na organize talaga yung school natin! Mas maganda pa 'to sa prom!" Tama naman si Alice, mas gusto ko 'to kaysa sa prom, mas simple 'to.
February 10 na ngayon at apat na araw nalang, Valentine's Day na. Sa four days na yun, walang pasok at dahil nga estudyante, nagdiwang syempre kami. Hindi naman kami nagtagal doon at pumunta na sa bahay nila para manood ng movie. Wala naman yung parents niya at tiwala naman sila sa 'kin.
Pinanuod namin yung Beauty and the Briefcase, maganda siya kahit pangbabae, si Alice kasi yung pumili. Pagkatapos nun, wala na. Boring.
"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko at humikab.
"Lugaw."
Lugaw?! "Gusto mo ng lugaw?" Tumango siya at ayan na naman yung puppy-eyes niya. Ano pa ba ang magagawa ko? Edi ang um'oo.
"Paabot yung calamansi,"
"Eto oh,"
"Pati rin pala yung tissue,"
"Here,"
"Yung tubig ko,"
"Tch,"
"Gusto ko ng puto,"
"Ano ba yan,"
"Hindi ko ba naisama yung paminta?"
"Eh kung itaktak ko kaya 'to sa ilong mo?"
"Hehehe," Kinuha na niya yung paminta at nilagyan yung lugaw niya. Ang daming inuutos, tch. "Ang init talaga nito sa tiyan! Yummy!"
Nandito kami ngayon sa isang lugawan, yun yung gusto ni Alice eh. Matagal na rin naman kaming hindi kumakain ng lugaw. Dati nga, tatakas pa kami para lang mag'lugaw diyan sa may kanto, paramihan pa kami ng mauubos.
"Masarap," Hindi pa rin nagbabago yung lugaw nila. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Alice habang kumakain siya, para siyang bata na first time makatikim ng lugaw.
Nahuli niya kong nakatitig nung ubos na niya yung laman, "Ang saraaap!" Kumuha siya ng tissue at pinunasan yung bibig niya, ganun din yung ginawa ko pagkatapos kumain. "Isaw naman tayo!" At pumunta siya sa stand ng isaw which is yung nasa tapat ng lugawan.
"Eto na ho yung bayad," Maduya talaga yung babaeng yun, tch. After kong mag'bayad, naabutan kong nagtututuro na naman si Alice. Mauubos yung pera ko sa katakawan ng babaeng 'to eh! "Alice, hinay-hinay lang." Binigyan siya ni manong ng... DALAWANG PLASTIK?!?! "Alice, you-!" Sadista na nga, kalog at matakaw pa. Ano ba yaaan, "Sure po ba kayo na sa kanya yan?"
"Oo naman, kayo lang naman yung bumibili sa 'kin eh." Pinahiya pa ko ni manong.
"Hahaha! Common sense," Kung pwede ko lang itusok yang stick na nasa bibig niya, kanina ko pa ginawa. "Bayaran mo na yan at bumili ka na rin nung sa 'yo,"
Napabuntong-hininga nalang ako sa katakawan ng best friend ko, "Magkano ho lahat-lahat?"
"Ah, 160 pesos lang." Naga'abot na ko ng 200 pesos.
"Keep the change po," At hinila ko na si Alice habang bitbit-bitbit yung plastik, ako rin naman yung magbibitbit nito, panigurado. "I'll consider this as our first date,"
Nag'pout siya, "Bakit naman? Dapat, ang first date natin ay sa February 14 pa, hindi ngayon. DUH?"
"Ngayon lang tayo lumabas at ka'date kita so this is our first date. H'wag kang aangal, uupakan kita." Pumasok na kami sa kotse at pinaandar ko na 'to, "Ano ba ang pinagkaiba ng February 14 sa February 10?"
"Yung number, DUH?" She rolled her eyes then back to her childish pout habang nakatingin sa bintana.
"Bakit mas gusto mo sa February 14 kaysa sa February 10?"
"Mas memorable sa February 14- hinto mo ko diyan!" Agad ko namang ihininto yung sasakyan sa 7-11 at lumabas siya then kumatok sa bintana na gawi sa driver's seat, "Lumabas ka, dali!" Sinunod ko siya at hinila niya ko sa loob. "Dalawang 15 pesos nga po!" Sabi niya doon sa may cashier at dumiretso doon sa may lalagyan ng ice cream, ice cream naman ngayon?! "Pasama na rin po 'to," Pagkatapos ii'scan, kinuha niya yung ice dalawang ice cream at lumabas na.
"Sir, 85 pesos po." Kumuha ako ng 100 pesos sa wallet ko at lumabas na pagkatapos kunin yung sukli. Masyado atang abusado yung matakaw na yun?!
"Ang bait mo talagang best friend, Kelvin. Binayaran mo 'to eh kukuha palang ako ng pera sa bag ko." ISANG KASINUNGALINGAN YAN.
"Ang dami mo ng utang sa 'kin, Alice."
"Hayaan mo na, sinusuklian naman kita ng pagmamahal eh."
"Matakaw na sadistang kalog," Okay na siguro kahit magkano yung gastusin ko para sa kanya. Hindi naman nabibili ng pera yung kasiyahan ko tuwing kasama siya.
Death's Deal
"Fine, ito na yung first date natin." Ginulo ko nalang yung buhok niya at hindi mapigilang mapangiti, ayaw pa rin maalis nung pouty-lips niya eh.
"Hayaan mo na, marami pa namang susunod. Uuy~ Kinikilig na siya, haha!" Pinalo nalang niya yung kamay ko at pumasok na sa loob ng bahay nila.
When I got home, naabutan ko si Death na nakaupo sa kama at may nakahigang baby - around 9 months - na kulot roon at mukhang natutulog.
"Hi, Kelvin!" Bati niya.
Tiningnan ko yung baby, "Akala ko, inosente ka. I guess I'm wrong then. Sino ina niyan?"
"H-Hoy, hindi ko anak yan! Ang layo nung mukha ko diyan, ano ka?! Hindi pa ako nakakabuntis!"
Halatang nagising yung baby at bigla itong lumutang ito kasabay nun ay ang paglitaw ng mga puti nitong pakpak at isang arrow at bow. Kay bata-bata, sanay mag'archery.
"Hindi ko tatay si Death!" Lalaking-lalaki yung boses niya. I just shrugged at humiga na sa kama, "Sa Valentine's Day, gusto ko maganda yang presentation mo!"
"Anong presentation?"
"Basta! Wala ka dapat gagawin na masama! Puro love, dates o kung ano pa man ang malapit sa ganun!" Tch, ang ingay naman nito.
"Sino ka ba at yung mga magulang mo?"
Mukhang galit na galit na siya, "Hindi mo ko kilala?! Halos lahat ng kabataan, kilala ako! Ikaw lang ang hindi!"
Ah! Kilala ko na! "Don't tell me ikaw si...!" Pero parang may mali eh.
"Oo, ako yun!"
"Hindi ba matangkad si Saint Valentine? Eh ang liit-liit mo at hindi ka pa sanay magdamit."
"Aba! Ngayon alam ko na kung bakit nagtataka si Death! Bakit ka nga ba pinagbigyan ni God?! Kung makapang'lait ka ah!" Kumamot ng ulo si Death.
"Cupid?" Nanlaki yung mata niya sabay tango. "Oo, ikaw si Cupid, naririnig kita kay Alice."
Ngumiti siya at itinira yung bow niya sa malaking picture namin ni Alice sa dingding pero hindi ito nabasag, may mga puso lang na sumabog.
"Yup, that's me and I'm the one who gave you your mission," Inilipat na niya yung atensyon niya sa 'kin. "You need to follow me,"

BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...